You are on page 1of 4

Pilipinas: Ako pa ba ito?

Kamusta na kaya ang Pilipinas? Ito pa ba ang tinatawag na Pilipinas? Ito pa ba talaga ang mukha
n gating bayan? Sa mga datos na nakalap, halos tinatangkilik na ng ating bansa ang kulturang banyaga.
Dahil unti-unting nabubura an gating kultura na siyang pagkakilanlan ng bansa.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay maituturing na bansa na laganap ang suliranin sa mga banyaga.
Ito ang mga dayuhang nais kumolonya sa ating bansa. Isa na rito ang Tsina. Maraming konektadong
sigalot angnaturang bansa dito sa Pilipinas. Pag-agaw ng Panatag Shoal o mas kilala bilang West
Philippine Sea. Ang kanilang basehan ay ang tinatawag na “9-dashed Line” ay ang siyam na guhit na
sakop umano ng Tsina na matatagpuan sa dagat na sakop ng West Philippine Sea. Ito ang kanilang
ginamit na instrumento sa paglaban nila sa korte nang simulan ang paglilitis tungkol sa dagat na pinag-
aagawan. Sa kabutihang palad, hindi ito nagtagumpay at hindi pinanigan ng korte ang tinatawag na “9-
dashed line” kaya nagtagumpay ang Pilipinas. Gayon paman hindi pa rin napapa-alis ang Tsina sa West
Philippine Sea. Patuloy pa rin sa pagtayo at pagbuo ng mga estraktura sa dagat na iyon. Pilit pa ring
inaangkin ng Tsina ang dapat na sa atin.

Ang paglaganap ng illegal na droga at pasugalan sa Pilipinas ay gawa din ng bansang Tsina.
Nagsulputan ang mga ito matapos mapirmahan ang 39 na kasunduan ng Tsina at Pilipinas. Isa itong
pahiwatig sa atin na napapasok na tayo ng mga Chinese Illegal Gambling and Drugs.Maraming bagay ang
pilit binabago natin. Ang isa pa rito ay ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at papalitan
raw ito ng wikang Koreano. Isa itong napakalaking kahuwadan, dahil hindi pa nga tayo lubos na maalam
sa sarili nating wika, papalitan na ito ng bago. Ayon sa isang sarbey, kung sakaling tanggalin ang
asignaturang Filipino ay maraming guro ang maaapektuhan,at mawawalan ng trabaho. Magkakaroon din
ng lalong paglabo ng ating kultura dahil sa transisyon na ito.

Nanganganib rin ang pagbabago umano ng huling dalawang linya sa Lupang Hinirang. Sabi ni
Sen. Tito Sotto na dapat daw palitan ang linyang ito dahil parang naghahangad daw tayo ng kamatayan.
Ang sinabi ay ito, imbes na “Ang mamatayng dahil sayo” papalitan ito ng “Ang ipaglaban kalayaan mo”.

Ang Pilipinas ay tila wala ng pagkakakilanlan. Sa paglipas ng panahon nababago nang nababago
ang Pilipinas subalit ang pagbabagong ito ay sa halip na magdulot ng maganda sa bansa, ito’y tila mas
lalong nagpapa-pangit at nagpapahirap sa ating bansa. Kaya pa ba nating ipaglaban ang atin? Kilala pa ba
tayo bilang Pilipinas?

KAYO NA ANG HUMUSGA!!!!.


Replektibong Sanaysay

Desisyon ang bumubuo ng ating hinaharap. Sabi nga “Ang mga desisyon mo ngayon ay may
koneksyon at ang mukha ng iyong hinaharap.” Kaya mahalaga ang bawat desisyon ng tao. Isang maling
hakbang lang ay nagkakaroon na ng malaking impluwensya sa hinaharap.

Noong nasa ika-9 na baitang ako, nagkaroon ako ng isang pagkakamali sa pagdesisyon. Pumasok
ako sa bagay na hindi ko gusto, yung pinilit lang ako ng ibang tao. Porke daw matalino ako at kaya ko
daw iyon. Kaya ang ginawa ko tinanggap ko at pinasok ko iyon. Akala ko kasi habang tumatagal ako sa
bagay na iyon ay unti-unti ko itong magugustuhan pero hindi, mali ako.

Nang ako’y pumasok sa ikasampung baitang, nagsimla na rin ang pamamahala ko sa


organisasyon. Noong simula mabuting mabuti ang aking pamumuno dahil simula palang. Lumipas ang
mga araw ng aking panunungkulan, habang ginagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin hindi ko
namamalayan na hindi ko pala gusto at kailanman ayaw ko ang bagay na iyon. Habang ako ang
namumuno mas pumapangit ang organisasyon. Nais ko sanang umalis na lang at kumalas sa samahan
kaya lamang ay hihingian ako nila ng rason kung bakit, at hindi magiging sapat na dahilan ang salitang
“di ko na kaya” dahil dapat nung simula pa lang din ako pumasok sa bagay na ito. Dapat nung simula pa
lamang di ko na tinanggap ang opurtunidad na yon dahil nakalimutan ko ang sarili ko dahil dun. Oo,
masasabi kong opurtunidad iyon na baguhin ang sarili ko pero hindi nito napabuti at napagyaman ang
sarili ko dahil ang sarili ko mismo ang ayaw doon. Nung mga panahong iyon, hindi ko na alam ang
gagawin ko. Maraming mga salita ang naririnig ko sa mga guro ng paaralan na nakakasakit sa damdamin
ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar ng mga panahong iyon. Ang mga tao naman na nagtulak sa
akin na pumasok sa bagay na iyotn ay iniwan ako sa ere, yungpangako nyang tutulungan ako hindi
natupad. Natutunan ko nung mga panahon na iyon na ang hirap pa lang gawin ng mga bagay na hindi mo
gusto. Kahit na pilitin mo, kahit na gustuhin mo hindi mangyayari dahil iba ang gusto sa pilit lang.

Ang pagkakamali na iyon ang bumuo kung ano ako ngayon. Mas naging wais na ako sa mga
desisyon na pinasok ko. Mas naging matalino sa pagpili ng mga bagay na mas makakabuti sa akin.
Ngayon mas kilala ko na ang sarili ko, alam ko na kung kailan at kung ano ang mga gusto ko at
makakatulong sa akin.

Sa mga desisyon ng tao nakasalalay ang kanilang hinaharap, ang kanilang kasiyahan. Kailangan
nating ilagay sa ating isipan na tayo lamang ang nakakakilala sa ating sarili. Tayo lamang ang may
karapatang mag desisyon para sa atin dahil tayo lang naman ang hahrap sa kung ano ang magiging bunga
ng desisyon na ating pinili. Isa-isip natin na ang bawat desisyon ay may ka-akibat na bunga kaya ating
pag isipan ano man an gating magiging desisyon. Kailangan natin pag-isipan kung makakabuti o
makakasama sa iyong sarili o sa kapwa ang bawat desisyon na ating pipiliin.
“Biñan, Kung Saan ang Kasiyahan”

Isang napakasayang bakasyon ang aking naranasan. Pumunta ako sa lugar

kung saan ang mga tao ay hindi uso ang matulog. Napakasaya ng lugar na iyon.

Ang Biñan City, ito ay kilala bilang bagsakan ng mga gulay at prutas na

galing Benguet. Isang napaka-abalang lugar ang Biñan, dahil mula umaga

hanggang gabi ay hindi nawawalan ng tao ang mga kalsada, naglalaro, nag-

iinuman, at nagtatawanan kasama ang kani-kanilang barkada.

Nang ako’y dumating pa lang sa lugar na iyon, alam ko na sa aking sarili na

ako’y mapapa-ibig sa lugar na ito. Sa sobrang ganda ng pakikisama ng mga tao

roon, aakalain mo na talagang sobrang lapit mo na sa mga ito. Napakaraming

putahe rin sa lungsodf ang kaysarap balik-balikan, lalo na ang crispy dinuguan,

pizza roll at potato roll.

May isa lang sa aking isipan ang kumintal at ngayon ko lang nahanapan ng

kasagutan. Ito ay ang “kung ano ang mamimiss mo sa Biñan?” Marahi; ito ang

kasagutan ko, “Ang paraan ng pakikisama ng mga tao.”


Libon Private High School

Libon, Albay

SY: 2018 – 2019

Ipinasa ni:

Bernard Siaron
Ipinasa kay:

Kathleen Yago

You might also like