You are on page 1of 2

Ika-5 ng Agosto, 2020

KGG. ROD H. FERNADEZ


PUNONG BARANGAY
POBLACION DOS
PAGSANJAN, LAGUNA

Minamahal naming KAPITAN,

Makasaysayan at maka Turismong araw po,

Mula sa Pambayang Tanggapan ng Pagpapaunlad sa Turismo Kultura at Sining ng


Pagsanjan ay lumalapit sa inyong tanggapan upang ipabatid sa inyong kabatiran bilang
bahagi ng makasaysayang lugar ng ating bayan ang PUERTA REAL O ARKONG BATO na
nasasakupan ng inyo Barangay nais po namin hiling ang serbisyo ng inyong mga Brgy.
Tanod upang asistihan ang rerota ng mga sasakyan bago at habang ginaganap ang
pagtatangahl sa Arko upang magkaroon ng kaayusan ang lugar kung saan mapanayam
ang mga piling Pagsanjeno na nagbigay kulay sa katangyagan ng bayan na tatagal ng
kalahating oras hanggang isang oras

Dahil dito sa pangunguna ng Turismo Kultura, Sining at Kalakalan ng Laguna ang


magsasagawa ng proyectong ito na “ON-LINE BALITAAN SA TURISMO KULTURA AT
KALAKALAN “

Dahil dito bilang isa ang ating bayan Pagsanjan sa KABISERA ng Laguna sa loob
ng 170 taon ang tema ay “ PUERTA REAL “ at ito ay gaganapin sa ika-10 at ika-11 ng
Agosto 2020, Lunes, Martes.

Umaasa po kami sa inyong pagtalina at pag suporta para sa ating bayan kung
saan malaki ang naging bahagi sa kasaysayan.

Maraming salamat po.


Ika-24 ng Agosto, 2020

REB. PADRE IRINEO OLIVER


RECTOR – KURA PAROKO
PANG- DIOSESES NA DAMBANA NG MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE
PAGSANJAN, LAGUNA

Minamahal naming Kura Paroko,

Makasaysayang araw po,

Ang Departamento ng Kalakalan at Industriya (DTI) kasama ang Pamahalaan


Bayan ng Pagsanjan sa pangunguna ni Mayor Dr. Peter Casius M. Trinidad ay muli na
naman lumalapit sa inyong tanggapan upang ipabatid sa inyong kabatiran bilang bahagi
ng makasaysayang pagbisita ng DTI OTOP PHIL. AMBASSADOR MISS CATRIONA GRAY
(Miss Universe 2018) at mga kasama upang magbigay pugay sa ating Santa Patrona
Birhen ng Guadalupe at makita ang Kapilya ng Tilma ni Juan Diego.

Dahil po dito sa pangunguna ni Regional Director Marilou Toledo na proyektong


ito na ipakilala pa ang ating iniirog na bayang mayaman sa kultura at kalakalan.

Dahil rin po dito bilang isa ang ating bayan Sentro ng Turismo ng Laguna
mapalad po tayong pupuntahan sa ika-27 ng Agosto 2020 Huwebes.

Umaasa po kami sa inyong walang sawang pagtalima at pag suporta para sa ating
bayan kung saan malaki ang naging bahagi sa ating kasaysayan.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

PETER CASIUS M. TRINIDAD, DVM


Punong Bayan - Pagsanjan

You might also like