You are on page 1of 20

SOUNDTRACK OF MY LIFE

BY: whenitcomestolove

This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are
only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual incident is purely
coincidental.

Originally published in Wattpad. © 2012 All Rights Reserved.

No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without the author’s consent.
Soundtrack.

Lahat tayo may kanya kanyang kanta para sa buhay natin. Yun bang masasabi mo na “This is the soundtrack of
my life.” Halimbawa nalang ay yung mga kanta ni Taylor Swift na maraming babae ang nakakarelate.

Pero ibahin nyo ako. Kasi ako, hindi kanta ang soundtrack ng buhay ko.

Alam nyo kung ano?

Boses nya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jaerelle. Yan ang pangalan ko. Music lover ako. Hindi naman sa pagyayabang pero magaling ako kumanta,
sumayaw, umarte. Magaling din ako tumugtog ng guitar.

“Jaerelle! Andito na ang mga boys. Bumaba ka na dyan.” Sigaw ni mama.

May outing nga pala kami ngayon. Summer e, kailangan namin magpalamig.

Nagmadali akong bumaba, at pagkadating ko dun, nakita ko ang mga kabarkada kong naghihintay sakin.
“Ang bagal mo talaga kumilos Jaerelle! Para kang bakla!” Edzel. Ganyan talaga yan. Madalas ako inaasar o
inaaway. Pero napakabuti nyang kaibigan.

“Ang yabang mo talaga Edzel.” Yan lang ang kaya kong isagot sa kanya. Wala akong laban dyan e.

“Hoy. Tama na nga. Tara na umalis.” Mark. Yan naman si Mark. Pinakamatanda samin. Medyo matured pero
minsan may pagkaisip bata rin.

“Pano nga pala tayo pupunta dun?” Tanong ko.

“Si Kevin na ang bahala. Sagot na nya ang transpo, food pati pambayad sa resort. Nu nga Kevin!” Edzel.

Hindi na nagsalita si Kevin. Nagsmile lang sya at nakipagapir kay Edzel. Si Kevin nga pala ang rich kid samin. Kaso
kung gano sya kayaman, ganun din sya kakuripot. Kaya nga hindi na namin tinanggihan tong outing na to e.
Nakakapagtaka nga kung bakit bigla tong nagyaya e. Siguro pumuti na ang uwak.

Pagkatapos ng mahabang diskosyunan, sumakay na kami dun sa sasakyan ni Kevin tapos pumunta na kami sa
resort.

Di naman kalayuan yung resort, dito lang din sa Batangas. Kaya nga ilang minuto lang, nakarating na kami sa
destination namin.

Ang ganda ng resort. Ang aliwalas. Perfect for a perfect summer. Ano daw? Haha. Pero basta, ang ganda dito.
“Oy tara munang mag-ayos ng mga gamit natin. Isang room nalang yung kinuha ko. Yun din naman daw ang
pinakamalaki.” Kevin.

“Anong room natin?” Mark.

“302 ang nakalagay dito sa card e.” Kevin.

“Ah sige, tara na.”

Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit, nagswimming na kami. Kalahating araw din kami nagbabad sa araw kaya
eto, mukha kaming pinagsasampal dahil nasunburn kami.

Pagkatapos naming magswimming, namasyal-masyal muna kami. Hanggang sa hindi namin namalayan na
maggagabi na pala.

“Tara na muna bumalik sa hotel. 2 days pa naman tayo dito.” Mark.

Dahil medyo napagod na rin kami, sinunod namin si Mark.

Nagdinner na kami tapos dumiretso na sa room para matulog. Kaso nga lang, namamahay ako kaya kahit anong
gawin ko, hindi ako makatulog. Buti pa tong mga kasama ko, puro mga nagsisiharukan na.

Bumangon ako at lumabas muna. Magpapahangin at maglalakad-lakad baka sakaling antukin ako.
Nagpunta ako malapit dun sa may infinity pool. At habang papalapit ako ng papalapit dun, may narinig akong
magandang boses ng isang babae.

Dahan dahan kong nilapitan yung boses na yun hanggang sa malinaw na malinaw na sa pandinig ko ang kinakanta
nya.

“Wake up, feel the air that I’m breathing. I can’t explain this feeling that I’m feeling.

I won’t go another day without you. Without you.

Hold on, I promise it gets brighter. When it rains, I’ll hold you even tighter.

I won’t go another day without you.

Without you, and this is---“

Bigla syang napatigil sa pagkanta at napatingin sakin.

Dahil masyado akong nadala sa kanta nya, hindi ko namalayan na nasa harap na nya pala ako.

“A-ah. Mi-Ms. Sorry ha. Si-sige, tuloy mo lang kanta mo. Geh. Alis na ko.” Aalis na sana ako, pero bigla nyang
hinawakan ang braso ko.

“Sandali lang. Okay lang naman e. Wag ka na magsorry.” Napaharap ako sa kanya. Buti nalang full moon
ngayon kaya maliwanag parin ang paligid. Kitang kita ko kung gano sya kaganda.
“E naabala ko ang pagkanta mo e.”

Ngumiti sya at inilagay ang gitara nya sa tabi nya. “Okay lang yun. Nagpapaantok lang naman ako e. Hindi kasi
ako makatulog.”

“Talaga? Ako rin e.”

“Dito ka rin nagsestay?”

“Oo. Ikaw ba?”

“Oo. Birthday kasi ng friend ko bukas. Ayaw nya ng engrandeng party kaya nilibre nalang nya kami dito sa
resort.”

“Ahh. Libre lang din kami dito e. Kaso nga lang, wala-wala lang yung samin. Haha. Mga wala lang magawa sa
buhay kaya naisipan magouting.”

“Hahaha. Ganun ba. Sya, sige. See you when I see you nalang. Bye.”

Kinuha na nya ang gitara nya at umalis na. Umalis na rin ako bumalik sa hotel. Ewan ko pero hindi mawala ang ngiti
sa labi ko.

Nung hihiga na ko, tsaka ko lang narealize na hindi ko pala naitanong kung anong pangalan nya.
Haay. Sana makita ko ulit sya bukas.

---------------------------------------------------

Pagkagising namin, tumambay agad kami dun sa may mga upuan malapit sa may pool.

“Hoy Jaerelle, san ka galing kagabi ha?” Mark.

“Nangbabae yan!” Edzel.

“Hoy. Hindi ah. Nagpahangin lang ako.”

“Nagpahangin. E bakit abot tenga ngiti mo?” Edzel.

“Kasi may nakilala ako kagabi.”

“O? Sino?” Kevin.

Bago pa ko makasagot, biglang may dumaang mga tao. Ang iingay nila. Haha.

Marami kasi sila, mga kaedad lang siguro namin. Puro mga hindi ko sila kilala hanggang sa napatingin ako dun sa
isang babaeng nakangiti sakin.
“Uy. Kilala mo yun? Nakatingin dito oh. Nakasmile pa. Lakas talaga ng appeal ko.” Edzel.

“Loko. Sya yung sinasabi kong nakilala ko kagabi.” Pagkasabi ko nyan, nginitian ko din si mystery girl. Tapos
umiwas na sya ng tingin.

“Maganda pala e! Anong pangalan?”

“Hindi ko natanong e.”

“Ang slow mo! Halika sundan natin dali. Dumamoves ka na pre!” Mark.

Sinundan namin yung grupo nila. Dun sila pumunta sa may restaurant ng resort. Ay oo nga, ngayon nga pala yung
birthday nung kaibigan nya.

Dun kami pumwesto sa may bandang likod. Nandun sila sa gitna. Malaking table yung kinuha nila dahil madami sila.

Tingin ako ng tingin dun sa table nila, pero hindi ko makita si mystery girl. Pero mamaya maya, may tatlong taong
pumasok mula sa front door na may dala ng isang cake, flowers at chocolate. Isa sa tatlong yun si mystery girl.

“Happy Birthday to you. Happy birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to
you.” Kanta nila.
“Blow your candle na Sharmaine!” Sigaw nila. Binlow na nung Sharmaine yung cake.

Pagkablow nya ng cake, nagsalita sya. “Dahil birthday ko naman, gusto ko kantahan tayo ni Audrey.”

Napatingin silang lahat kay mystery girl. Ohh. So, Audrey pala ang pangalan nya.

Uupo na sana si Audrey, pero pinagtulakan sya nung mga friends nya papunta dun sa stage.

“Hindi ko alam kung anong kakantahin ko.” Audrey.

“Basta pwesto ka lang dyan. Ako na bahala sa kakantahin mo.” Sharmaine.

Sumenyas si Sharmaine dun sa waiter tapos pinlay na nya yung kanta.

Audrey : You by the light is the greatest find In a world full wrong you're the thing that's right

Finally made it through the lonely to the other side. You said it again, my heart's in motion Every word feels like a
shooting star I'm at the edge of my emotions watching the shadows burning in the dark

And I'm in love and I'm terrified For the first time in the last time in my only life.

Habang kumakanta sya, bigla akong inabutan ni Edzel ng mic.


Tapos nung part na nung lalake, biglang tumayo tong mga barkada ko tapos pinagtulakan ako. Ako naman, no
choice kundi kumanta.

Ako : This could be good, it's already better than that. And nothing’s worse than knowing you're holding back. I could
be all that you needed if you let me try.

Both: You said it again my hearts in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions.
Watching the shadows burning in the dark. And I'm in love and I'm terrified. For the first time in the last time in my
only

Patuloy lang kami sa pagkanta hanggang sa di ko namalayan, nahawakan ko na pala ang kamay nya. Nung natapos
na yung kanta, magkatitigan lang kami.

Nakarinig kami ng hiyawan at palakpakan. Dahil dun, medyo natauhan na kami, binitawan ko na ang kamay nya.
Napatingin lang sya sakin tapos ngumiti.

Bumalik na kami sa kanya kanya naming table. Pakinig kong inaasar si Audrey nung mga friends nya. At etong mga
barkada ko naman, puro mga nagngingisian.

“Galing ah. May pahawak hawak kamay pa.” Edzel

“Binata ka na! Hahaha.” Kevin.

Sinerve na samin yung pagkain, kaya tumigil na ang asaran. Madalas akong nagnanakaw ng tingin kay Audrey, at
ganun rin sya sakin. Sa tuwing magtatagpo ang tingin namin, nagngingitian na lang kami.
--------------------------------------------------------

Pagkatapos nung scene kanina sa restaurant, nagkahiwalay na kami ng landas ni Audrey. Hindi ko na ulit sya nakita
ngayong araw na to.

Tiningnan ko ang oras. 1:30 am.

Katulad kagabi, hindi pa rin ako makatulog kaya lumabas muna ulit ako ng hotel.

Kaso nga lang ngayon, iba na ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Pumunta ulit ako dun sa lugar kung saan ko unang nakita si Audrey, pero wala sya doon.

Sinubukan kong talasan ang pandinig ko, baka sakaling may marinig akong kumakanta ulit. Pero wala talaga e.
Maglalakad na sana ako pabalik ng hotel, pero may narinig akong tunog ng gitara.

Sinundan ko ang tunog na yun at nakarating ako sa may cottage malapit dun sa may frog pool.

“It’s a quarter after one I’m all alone and I need you now. Said I wouldn’t call, but I lost all control, and I need
you now. And I don't know how I can do without I just need you now.

Tinabihan ko sya tapos hinawakan ko yung kamay nyang nag-iipit ng strings. Napangiti sya at tinanggal nya yung
kamay nyang yun. Kaya ang nangyari ngayon, sya ang nagsastrum at ako naman yung taga ipit nung strings. Buti
nalang alam ko ang chords ng Need You Now.
Kumanta na rin ako. “Another shot of whiskey. Can't stop looking at the door. Wishing you'd come sweeping
In the way you did before. And I wonder if I ever cross your mind. For me it happens all the time. It's a quarter
after one, I'm a little drunk and I need you now. Said I wouldn't call, but I've lost all control and I need you
now. And I don't know how I can do without I just need you now.

Sinabayan ko lang sya sa pagkanta hanggang sa natapos na namin yung buong song.

“Galing ah. Pano mo ko nahanap dito?” Tanong nya.

“Sinundan ko lang yung tunog.”

“Ohh. Ah nga pala, Audrey.” Nilahad nya ang kamay nya para makipagshake hands.

I took her hand. “Jaerelle.”

After naming magpakilala sa isa’t-isa, binalot kami ng katahimikan.

“Ang ganda ng boses mo Audrey.” Bigla ko nalang nasabi.

“Ikaw din.” Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa buwan.

“Aalis na kami bukas.” Sabi ko.


Napayuko sya. “Kami rin.”

“Taga san ka, Audrey?”

“Bakit, pupuntahan mo ko?” Natatawa nyang tanong.

“Pwede.”

“Dyan lang sa tabi-tabi.”

“Anong klaseng sagot yan.”

“Hahaha. Basta. Wag mo na alamin. Sige, alis na ko. See you when I see you nalang.” Tumayo na sya at aalis
na sana pero hinawakan ko sya sa braso.

“I just want to be your friend.” Sabi ko ng nakatingin ng diretso sa mata nya.

“You’re already my friend.”

“Then I want to be your best friend.” Napangiti sya at lumapit sakin.


“Anong gusto mong iparating, Jaerelle?”

“I think I like you. Pero pano ko masusure yung nararamdaman ko kung hindi na tayo magkikita?”

“Magkikita pa rin naman siguro tayo. Someday. Kahit hindi ko sabihin sayo kung nasaan ako, mahahanap
mo ako. Katulad ngayon.”

Pagkasabi nya nun, tumakbo na sya papalayo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

( After 8 years )

“Jaerelle! Andito na ang mga boys. Bumaba ka na dyan.” Sigaw ni mama.

Dali dali akong bumaba, at katulad noon, andun na sila sa sala, naghihintay. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na sa
resort ang punta namin. Sa simbahan na.

“Ano, ready ka na masakal?” Edzel.

“Ibig sabihin ni Edzel, kung ready ka na makasal.”Mark.


*Deep breath* “Ready na.”

“Pwede ka pa magback out kung gusto mo.” Kevin.

“Bakit naman ako magbaback out. Hahaha.”

“Haay. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang, pupunta palang tayo sa resort, ngayon sa simbahan na ang
tuloy natin” Mark.

“O sya tara na. Baka maunahan ka pa ng bride mo. Mahiya ka sa balat mo.” Edzel.

Pumunta na kami sa simbahan. Marami nang tao pagkadating namin.

Mamaya-maya lang, nakita ko na ang bridal car. Hudyat na to para simulan ang seremonyas.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa altar. Instrumental music palang ang pinapatugtog.

Nung tapos na lahat ng mga abay at yung bride ko na ang lalakad, nagbago na ang music at narinig ko ang boses na
matagal ko nang hinahanap-hanap.

Heart beats fast. Colors and promises.


Imbes na sa bride ako tumingin, dun napako ang tingin ko sa kumakanta.

Isang pamilyar na mukha. Isang pamilyar na boses.

Si Audrey.

How to be brave. How can I love when I'm afraid to fall, but watching you stand alone all of my doubt

Habang kumakanta sya, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari noon.

Suddenly goes away somehow. One step closer…

Hindi ko na ulit sya nakita simula nung umuwi kami galing ng resort.

I have died everyday waiting for you…

Kung san san ko sya hinanap. Sinearch ko sya sa Facebook at Twitter, pero wala. Hindi ko sya mahagilap.

Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more

Nagpupunta ako sa mga bar at nagbabakasakaling kumakanta sa dun. Pero wala pa rin.
Time stands still beauty in all she is. I will be brave…

4 years ago, nakasalubong ko ang isa sa mga friends na kasama nya sa resort noon. Yung Sharmaine ba yun?
Basta yung nagcelebrate ng bday nya. Tinanong ko kung alam nya kung nasaan si Audrey, pero sabi nya, wala na
rin daw silang communication.

I will not let anything take away what's standing in front of me

2 years ago, napagdesisyunan kong tumigil na sa paghahanap sa kanya. Pero bago ako tumigil, binigyan ko ang
sarili ko ng one last chance.

Every breath, every hour has come to this. One step closer…

Nagpunta ako sa isang concert for a cause ng mga kilalang singer dito sa Batangas. Nagbaka sakali akong kasama
sya dun dahil maganda naman talaga ang boses nya.

I have died everyday waiting for you. Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years…

Pero katulad ng dati, bigo ako. Hindi ko sya nahanap. Simula noon, tinigilan ko na ang paghahanap kay Audrey.
Nagseryoso na ko at sinubukan kong makipagdate sa iba para makalimutan ko sya.

I'll love you for a thousand more.

Dun ko nakilala si Marianne. Ang bride ko ngayon.


And all along I believed I would find you…

Mahal na mahal ko si Marianne. Kakaiba sya sa mga babaeng kilala ko. Pareho din kami ng mga hilig kaya madali
kaming nagkasundo.

Time has brought your heart to me

Napatingin ako kay Marianne na nakangiting naglalakad papunta sakin. Napangiti rin ako sa kanya.

I have loved you for a thousand years…

Corny na kung corny, pero tuluyan na kong nakagetover kay Audrey at si Marianne na ang buhay ko ngayon.

I'll love you for a thousand more.

Habang papalapit ng papalapit si Marianne, hindi ko maiwasang mapatingin kay Audrey. Hindi pa rin sya nagbabago.
Maganda pa rin sya.

One step closer…. One step closer…

Kahit ang tagal ko na syang hindi nakikita, hindi ko pa rin sya nakakalimutan lalo na ang boses nyang nakahuli noon
ng puso ko.
I have died everyday waiting for you. Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years…

Dito ko narealize na bawat tao, iba’t-iba ang soundtrack ng buhay. Merong pangmasaya, merong pangmalungkot.

I'll love you for a thousand more.

Pero meron ring mga tao na hindi kanta ang soundtrack ng buhay nila.

Katulad ko.

Oo, si Marianne ang buhay ko. Pero kung hindi dahil kay Audrey, hindi kami magkikita.

And all along I believed I would find you…

At dahil wala rin namang kantang swak samin ni Marianne, napag-isip-isip kong boses ni Audrey ang soundtrack
naming dalawa.

Time has brought your heart to me


Noon sa resort, nahahanap ko sya lagi dahil sa boses nya. Akala ko, magagawa ko ulit syang makita dahil dun. Pero
hindi e. Iba ang nangyari.

I have loved you for a thousand years…

Sa kahahanap ko ng boses ni Audrey, nahanap ko ang babaeng makakasama ko habang buhay.

Si Marianne yun.

I'll love you for a thousand more…

Siguro dati, Audrey’s voice is the soundtrack of my summer.

Pero sa sitwasyon ngayon, I can say that…

Her voice is now the soundtrack of my life.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lesson :

Meron talaga sa buhay na dadaan lang satin at magkakaron ng isang mahalagang espasyo sa puso natin pero hindi
rin magtatagal. Mag-iiwan sila ng isang bagay na hinding hindi mo makakalimutan. You may not hold on to that but
they will stay forever in our memory/hearts, remember that life goes on. - Ate Miq (yourstruly07)

You might also like