You are on page 1of 3

WISYO NG KONSEPTO NG FILIPINOLOHIYA

Llanera, Jafet B. Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran


BSME 1-3 October 28, 2021
Mga katanungan:
1. Ano ang wisyo ng bayan?
- Ayon kay Bayani S. Abadilla, wikang Filipino ang pangunahing sumasalamin sa
pagkataong Pilipino. Sa wika ng bayan sumisibol at nalilinang ang talino ng
sambayanang nakabigkis sa pambansang patrimonya. Produkto o bunga ng karunungan
ang talino. Wisyo ang pinong anyo ng talino. Gumagana ang wisyo sa hamon ng mga
pangangailangan sa pamumuhay ng lipunan. Diyalektal ang kalikasan ng talino: likha ng
karunungan at nababago ng karunungan: umuunlad ang karunungan sa tumatalas na
talino. Mapapansin sa kasaysayan o sibilisasyon ang diyalektal na realidad ng paggawa at
talino na luminang/lumilinang sa kalikasan ng tao. Habang patuloy na nakikipagtunggali
ang tao sa kalikasan (natural na kapaligiran) umunlad ang talino sa kanyang isip. Sa batas
ng kalikasan na kinasasangkutanng tao at natural na kapaligiran, makapangyarihan ang
tao (pinakamataas na anyo ng kalikasan) dahil nabiyayan siya ng talino. Ang angking
talino ng tao ay tumatalas sa paggawa—na nalilikha sa gusto o pangangailangan ng tao sa
pamumuhay sa ibabaw ng mundo. Ang pagtugon ng talino sa paggawa sa udyok ng gusto
o naisin ay bugso ng kalayaan sa akit ng pangangailangan. Ideomotor o pwersa ng
kalayaan ang talinong gumagawa/lumilikha. Ang paggawa ay gintong mohon sa
kasaysayan ng sibilisasyong Pilipino. Walang sibilisasyon kung walang paggawa. Sa
hatak ng pangangailangan nagkakaugnayan ang mga makauring talino sa lipunang
Pilipino. May pamamaraan ang talino na tumutugon sa akit ng pangangailangan, gusto at
layunin na pawing kaakibat ng pamumuhay sa lipunan. Ang kilatis ng talino na
humahabilo at umaatupag sa mga bagay-bagay kaugnay ng pamumuhay ay tinatawag na
ideolohiya. Wikang Filipino, na bigkis ng iba’t ibang wikang lalawiganin o bernakular,
ang tanging makalilinang sa talino ng sambayan na makato, makalipunan, makabayan at
may panadaigdigang pananaw.
2. Ipaliwanag konseptong Filipinolohiya.
- Ang Filipinolohiya ay isang disiplinang nakalapat sa karunungang Filipino na
nagpapahalaga sa konsepto ng kamalayang makabansa, bilang suhay sa paglinang ng
talino, sa pag-unawa, sa iba’t ibang kaalaman na nagsusulong ng pilosopiyang Filipino at
kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing kasangkapang sagisag ng
pagkakakilanlang Filipino sa kamulatan ng kalagayan ng lipunang Filipino tungo sa
kaunlarang pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura.Ang Filipinolohiya ay
yumayakap sa kaisipang mapagpalaya gamit ang karunungan na bunga ng talino sa
maagham na pagtuklas at pagtukoy ng katotohanan sa kalagayan ng lipunang Filipino.
Ayon kay Prospero Covar (1981), ang Filipinolohiya ay ang pag-aaral sa mundo ng
mga Pilipino, sa Pagkapilipino, at sa iba’t ibang paraan ng pagiging Pilipino. Ang
pagsasakatuparan ng bisyong ito ay nakaangkla sa paggamit ng wikang naghuhulma
at bumubuhay sa kulturang Pilipino. Naniniwala ang larangang ito sa pag-aaral sa
pagkatao, kultura, at lipunang Pilipino na nakabatay sa mga panloob na kaparaanan at
kaisipang likas sa mga Pilipino, sa ganyan, naisasabuhay ang diwa ng pagsasakatubo.
Bagaman nagbubukas din sa mga panlabas at kanluraning teorya, higit na kritikal ang
kontekstuwalisasyon nito.
3. Ano ang kahalagahan ng konsepto ng Filipinolohiya sa lipunan?
- Mahalaga ang pag-aaral sa Filipinolohiya dahil tumutulong ito upang maunawaan,
suriin at magbigay halaga sa kasaysayan ng Pilipinas, mga napapanahong isyu sa lipunan
at sa sangkatauhan na binubuo gaya na lamang ng musika, sayaw, at sining ng bansa.
Ang Filipinolohiya ang nagbibigay kaalaman sa mga magaaral ukol sa ating wika at
panitikan. Bukod dito, ay nalilinang din sa mga magaaral ang kaisipang makabayan.
Kaugnay ng pagaaral ng panitikan, napagaaralan din ng mga magaaral ang kasaysayan ng
Pilipinas. Lubos na mahalaga ang Filipinolohiya upang maintindihang mabuti ng mga
bagong henerasyon hindi lamang ang ating wika pati na rin ang bansang kanilang
sinilangan. Ang wika ay bahagi na ng kultura ng isang bayan. Sa pag-aaral nito ay
napapanatili ang ating pagkakakilanlan at naipapasa ito sa iba’t iabng henerasyon upang
hindi ito mamatay mawala. Sinusulong din nito ang ating pag-unlad bilang isang
mamamayan ng bansa at pag-ulan ng ating ekonomiya. Kung mawawala ito, maaaring
bumagsak an gating ekonomiya. Maaari ding magdulot ito ng di pagkakaunawaan dahil
sa kakulangan sa kaalaman. Kahit na minsan ay nagkakaintindihan ng mga tao dahil
parehas ito ng wika at pananaw, nagkakaroon pa rin ng problema dahil hindi iisa o
nagkakaisa ang kanilang mga pananaw. Paano na lamang kung magkaiba pa ang wika?
Tiyak na mas lalong mahihirapan magkaintindihan at maibigay ang gustong iparating sa
ibang tao. Base kay Bayani S. Abadilla, sa biyaya ng edukasyon pormal man o di-pormal,
nasisinop ang karunungan o edukasyon ng bayang tumatahak sakasaysayan. Talino ng
bayan ang nagtatakda sa kapalaran ng lipunan. Totooito kung natatamasa ng sambayanan
ang kalayaan at masiglang gumigilingang soberanyang lumilikha at tumutugon sa mga
kahingian ng lipunan saantas-antas na pagsulong ng sibilisasyong Pilipino. D a g d a g
n i y a p a r i t o , a n g s i s t e m a n g e d u k a s y o n a y n a h a h a t i s a marunong at idyot.
Marurunong ang taong may kaalaman at may muwangsa isip. Idyot ang walang
kamuwangan sa realidad ng buhay. Ang kabuluhanng karunungan ay laging nasa
kapakinabangan at kabutihan ng lipunan.Lipunan ay may-ari ng karunungan.
Prangkisa, sa anyo ng lisensya, angpahintulot na ipinagkaloob ng lipunan sa mga
propesyunal —guro, doktor, inhenyero at iba pa sa paggamit ng kanilang karunungan na
may kabayarang serbisyo sa lipunan.

You might also like