You are on page 1of 7

Golden Link College

Psychology Department

Anotayted Bibliography
Mungkahing Paksa:
Ang Kahalagahan ng Mitolohiya sa
Kulturang Pilipino

Ipinasa nina,
Longkino, Criss Evan
Raymundo, Kathlyn Claire
Capayas, Myrah Antoinette
Mojica, Michaela Cristalyn
Ballan, Melissa
Floralde, Astrid Carolina

Ipinasa kay,
G. Joemar R. Toling
ABSTRAK

Ang Mitolohiya ay malaking parte sa pagbuo ng kultura ng mga Pilipino, maraming ideya ang bawat
lugar ng bansa kung paano nila bibigyang kahulugan ang bawat kababalaghang mayroon sa kanila.
Maraming haka-haka ang nabuo kung saan ba galing ang ideyang ito at ano ba ang mga dahilan sa mga
pag-usbong nito. Sumasalamin ito sa problema ng pagkilala ng mga kabataan sa mitolohiyang filipino.
Ayon sa mga opinyon ng mga guro at mag-aaral mas lalawak pa ang pagkakaisa ng mga Pilipino kung
ang mitolohiyang filipino ay matatalakay sa mga paaralan at bibigyang halaga para pag-aralan at
mapagyaman ang ating Kultura at tradisyonn. Ipinapakita rin nito ang kalagayan ng mga tao at
pamayanan ng isang bansa na maaaring ihambing sa kasalukuyang kalagayan ng tao at pamayanan.
Makikita rin sa banghay ang sinaunang paraan ng paniniwala ng tao na naging malaki ang impluwensiya
sa kanilang kasalukuyang paniniwala at pagpapahalaga.
ANOTAYTED BIBLIOGRAPHY

Taong 2000 pababa

Cole, M.C. (1916). Philippine Folk Tales. The Creation.

There were no people on Earth in the beginning. A great spirit called Lumawig descended from the sky
and cut many reeds. He divided them into pairs and placed them in different parts of the world. "You
must speak", he said. Instantly, the reeds became people. A man and a woman could talk in each place
and use different languages from the others. Then Lumawig ordered each man and woman to marry,
which they did. By the end, there were many children who spoke the same language as their parents.
Which turned into a cycle of marrying and giving birth. That resulted from having a lot of people on the
planet. Then Lumawig saw that people needed a lot of things on the Earth, so he set to work providing
them. He created salt and instructed them to boil it down and sell it to the neighbors. However, the people
weren't unable to comprehend the Great Spirits' instruction, and when he visited them, they had not
touched the salt. Then he took it away from them and gave it to the people of a place called Mayinit.
These did as he instructed, and as a result, he told them that they should always be the owners of the salt,
and that everyone else had to buy from them. Lumawig went to the people of Bontoc, and instructed them
to get and make pots. Yet they didn't fully understand the instruction. So, he told them that they would
always have to buy jars because of their failure, and he gave the pottery to Samoki. When he told the
people what to do, they did exactly what he said, and their jars were beautifully shaped. The Great Spirit
then saw that they were worthy owners of the pottery and he told them that they should always make
many jars to sell.

Ramos, M. (1969, October). The Aswang Syncrasy in Philippine Folklore. Western Folklore, vol.
28, no. 4

In the Philippines, the aswang Concept is best described as a collection of beliefs about five different
types of legendary beings that are similar to some creatures from European mythology. This means that
when people in the Philippines talk about the aswang, they're referring to the physical characteristics,
habitats, and activities of these five sorts of mythological beings, as well as other mythical entities like
demons, dwarfs, and elves. This transmission of qualities and functions is typical of oral traditions, and it
is the students' responsibility to clear up the misunderstanding. By linking the physical characteristics and
functions of each species to those of the lower mystical entities of the universe, if he can.

Enriquez, Virgilio et al. (1989). Ang Kababalaghan at ang Parasikolohiya.


Ang mga di-pangkaraniwan at kapani-paniwalang mga bagay o pangyayari ayon kay Virgilio Enriquez ay
kababalaghan. Ang katutubong panggagamot o faith healing ay isa sa mga bagay na maaaring
kababalaghan sa lipunang Filipino. Ito ay nanggaling sa mga babaylan, anting-anting, mutya, gayuma,
usog, kulam, at lamang-lupa na tinukoy din ni Enriquez. Bagamat wala pang lohikal na paliwanag sa mga
ito, magpasahanggang-ngayon ay patuloy pa ring pinaniniwalaan ang mga ito.

Tejero, C.C. (1992). “The Manananggal of Tondo, Dugo! Dugo!” Sunday Inquirer Magazine.

Naniniwala ang mga Pilipino noon na ang mga namamatay na tao ay gawa ng mga bampira para
mapagtakpan ang mga pagpatay ng mga Dayuhan. Ginagamit din ang “Mito” at “Alamat” para gamitin sa
mayamang bukal na mapagdudukalan ng materyal at talinghaga hindi lamang sa panitikan kundi sa iba
pang sining sa bansa. Nangyayari ito upang maging malawak ang folklore o panitikang bayan at
mapagyaman ang mga manunulat ng mga ito. Nagkaroon din ng mga alamat at mitolohiya upang
magkaroon ng pagsisiwasat sa paligid ng mga bayan at mga karatig na lugar upang masagot ang mga
kababalaghan na nangyayari doon. Napatunayan ding mabisa ang mga alamat sa lugar dahil nakatutulong
ito para makalikha ng mga komiks, programang pantelebisyon, dulang pang-entablado, dulang panradyo
at pelikulang katatakutan na ang piinupunta ay magkaroon ng malay sa ating kapiligiran at Karapatan sa
kulturang komunidad ng kanilang nasasakupan.Ipinapakita rin ang kaibahan ng mitolohiya sa reyalidad
“Kung gayon, ang mga salaysay na nagtatampok ng sawa sa Davao at Robinson’s Galleria sa Ortigas,
white lady sa Balete Drive at Loakan Road, kaluluwa sa Manila Film Center, manananggal sa Tondo,
pulubing namumugot ng ulo, duwende sa puno ng acacia at aratiles, at ang mga hiyaw sa isang lumang
gusali ay may kakayahang maglatag ng mga pananaw na maaaring gamiting lente ng mangangatha o
manlilikha sa iba’t ibang pangyayari sa sarili, sa kapwa, at sa lipunan.

Scott (1994). Ang Mitolohiyang Filipino sa Panahon ng Industriyalisadong Panahon: Posisyon at


Pananaw ng mga Piling Paaralan sa Pilipinas.

Ang mga sinaunang Filipino ay sumamba sa kalikasan at sa iba't-ibang mga Diyos-disyosan na binubuo
ito ng mga hayop, mga mahiwagang nilalang, at mga Diwata dahil ito ang gumagabay sa kanila sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Ang mga paniniwalang ito ay unti-unting naglalaho pagdating ng taong 1565
dahil sa kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. Nagdulot ito ng agresibong kampanya laban sa mga
katutubong paniniwala, resulta ng diskriminasyon sa mga hindi Kristiyano. Binawian ng karapatang
maniwala at sumamba ang mga Filipino sa kanilang sinaunang mga Diyos. Binansagan ang mga
paniniwalang ito noon bilang mga mitolohiya lamang, hindi tunay na diyos at may likha na dapat
sinasambahan.

Taong 2000 pataas


Murfin R., Ray S.M. (2003). Myth. In The Bedford Glossary of Critical and Literary Terms. 2nd
ed.

The term "myth" derives from the ancient Greek word means "story" or "plot" that is usually applies to
sacred and secular stories, invented and true. Mythology is a collection of interconnected myths or stories
told by a specific cultural group to explain in a way that is consistent with the people's experiences in the
world they live. A myth is often starts as sacred stories that provides supernatural explanations for the
humanity and creation of the world. As well as for death, judgment, and the afterlife. (" Myth" 284). A
mythology reflects on how people relate to each other. It concerns about supernatural beings/powers of a
culture that is serves as rationale for a culture's religion and practices. Origin of myths explains on how
the world came to be in its current form, and frequently portray "the cultural group telling the myths" as
the first or true people ("Myth" 284). Such sacred stories, narratives, concerns about the people and the
things in their world; why they are here and why are they going. Myths and mythology express a culture's
worldview: a people's perceptions about humankind's place in nature and the universe, as well as the
limits and workings of the natural and spiritual worlds.

Abenina, J.K.M.V., Agoba, R.J.V.C, Alcaide, R.R.R., Llose, B.P.dR., Lucero, J.M.P., Taroc, B.F.L.,
Gime, A.V. (2020 May). Ang Mitolohiyang Filipino sa Panahon ng Industriyalisadong Panahon:
Posisyon at Pananaw ng mga Piling Paaralan sa Pilipinas. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary
Research Vol. 8 No.2. Zeus Maryosep.

Usapin patungkol sa iba't-ibang opinyon, saloobin at pananaw ng mga mamamayan ng sa Mitolohiyang


Pilipino. Ayon sa isang nakapanayam, mas nakikilala ng henerasyong ito ang mitolohiyang dayuhan tulad
ng griyego at romano at kaunti lamang ang nalalaman nila pagdating sa mitolohiyang pilipino. Isa pa sa
kanilang palagay ay hindi masyadong nabibigyang atensiyon at nakikilalang lubos ang usaping
mitolohiyang atin. Ang sumunod na palagay ng mga nakapanayam ay dahil na rin sa malikhaing pag-
obra at sining ng mitolohiyang dayuhan, kaya tinatangkilik ito ng mga Pilipino at napag-iwanan ang
pagkilala sa Mitolohiyang Pilipino dahil na rin ay hindi ito nabibigyang pokus sa pagpapakilala sa ating
mga mamamayan. Ang sabi naman ng isang nakapanayam, isa sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ang
mitolohiyang Pilipino at malakk ang maitutulong nito sa pagtuklas sa nakaraan. Sa kanilang mga sinabi,
malalaman mong hindi sapat ang kanilang pagbibigay importansiya at kaalaman sa mitolohiyang atin, at
mas tinatangkilik pa ang dayuhang mitolohiya, na ayon sa isang guro taong (2019), dahil dito ay
nawawala ang pagiging maka-pilipino ng mga kabataan dahil nabaling na ang kanilang atensiyon sa mga
dayuhang kaalaman, kaysa sa pagkatuto muna ng maka-pilipinong mga kasaysayan katulad ng
mitolohiyang Pilipino.
Abenina, J.K.M.V., Agoba, R.J.V.C, Alcaide, R.R.R., Llose, B.P.dR., Lucero, J.M.P., Taroc, B.F.L.,
Gime, A.V. (2020 May). Ang Mitolohiyang Filipino sa Panahon ng Industriyalisadong Panahon:
Posisyon at Pananaw ng mga Piling Paaralan sa Pilipinas. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary
Research Vol. 8 No.2. Balakid ni Bathala.

Sumasalamin ito sa problema ng pagkilala ng mga kabataan sa mitolohiyang filipino. Ayon sa mga
opinyon ng mga guro at mag-aaral mas ma lalawak pa ang pagkausisa ng mga estudyante kung ang
mitolohiyang filipino ay matatalakay sa mga paaralan at kung ito ay mailalagay sa kuriklum. Ayon pa sa
kanila mas magiging interesado pa ang mga mag aaral kung matatalakay pa ito ng mas malalim.
Sinusuportahan naman ito ng mga guro at sinabing “If students were to learn more about sa mga bagay na
ganito (mitolohiya), mas mapapahalagahan nila yung kultura natin.” Ito ang kanilang personal na
panayam, Set. 6, 2019.

Abenina, J.K.M.V., Agoba, R.J.V.C, Alcaide, R.R.R., Llose, B.P.dR., Lucero, J.M.P., Taroc, B.F.L.,
Gime, A.V. (2020 May). Ang Mitolohiyang Filipino sa Panahon ng Industriyalisadong Panahon:
Posisyon at Pananaw ng mga Piling Paaralan sa Pilipinas. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary
Research Vol. 8 No.2. Gising si Bathala.

Narito ang ilan sa mga sinabing rason ng mga mag-aaral kung bakit nais nilang mas tukalasin pa ang
mitolohiyang filipino. Nais pa nilang makilala ang mitolohiyang filipino dahil ito ay sumasalamin sa ating
kultura at natutuwa silang pag aralan pa ang mga bagay na tungkol dito. Gusto pa nilang malaman ang
mitolohiyang filipino sa kadahilanang ito ay mayaman at mahalaga, ito rin ay bahagi ng ating kultura at
pagkakakilanlan. Gusto nilang mas maintindihan ang tradisyon nating nakabatay sa mitolohiya.Kahit ang
mga guro ay sumasangayon sapagkat ito ay magagamit din sa development at improvement society. Ayon
pa sa mga guro mayroon na tayong sariling paniniwala at kwentong mitolohiya bago pa tayo sakupin ng
ibang nga bansa mga ninuno.” (personal na panayam, Set. 3, 2019).

Evasco, E.Y. (2000, January-June). Sa Pusod ng Lungsod: Mga Alamat, Mga Kababalaghan Bilang
Mitolohiyang Urban. Humanities Diliman.

Lahat ng mga tauhan ng kababalaghan sa mitolohiyang Pilipino ay nakatulong sa pagpapalaganap ng mga


modernong alamat sa lungsod. Dangan nga lamang, nag-iiba na ang pangalan ng mga tauhan ng mga
alamat sa lungsod at kadalasan ay wala pang tiyak na pangalan kundi mga payak na bansag:
“masasamang espiritu”, “kaluluwa”, “kaluluwang ligaw”, “kaluluwang hindi matahimik/maghihiganti”,
“multo”, o “kampon ng kadiliman.” Gayunpaman,mapapansing magkakahawig sa ilang katangian at
gawain ang mga tauhang mitolohikal, sinauna man o moderno. Patunay ito sa ugnayang nagbibigkis sa
tradisyon ng ating katutubong panitikan sa kasalukuyang panahon at sa pagkakasalin ng salaysay sa daloy
ng ating kasaysayan. Dagdag pa rito, masasabi ring sa mga yugtong ang ilang mga Pilipinong taga-bukid
o bundok ay nagsisilikas patungong lungsod, taglay pa rin nila ang tinatawag na katutubong memorya o
panitikang-bayan na kanilang inihahasik sa urbanisado, cosmopolitan, at maunlad na lunan.

You might also like