You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
LAPUYAN, ZAMBOANGA DEL SUR

ULAT SA FILIPINO
Ang Filipino ay isa sa mga asignaturang dapat at nararapat ding linangin ng
mga mag-aaral sapagkat ito ay mahalaga sa bawat mag-aaral, dahil naipamalas nito ang
pagmamahal sa ating wika at magsisilbing gabay upang ating mahalin ang ating bayan, ating
wika at kung ano at saan ang ating pinanggalingan. Dahil wala tayo ngayon dito kundi dahil
sa ating mga ninuno na namumuhay sa pagmamahal ng bawat isa at sa bayan na kanilang
kinabibilangan.
Ang paaralang ito, Lapuyan National High School, ay isa sa mga paaralang
nagbibigay at nagtuturo ng pagmamahal sa wika at sa kulturang Pilipino. Dito nalilinang ang
ugnayan at respeto sa bawat isa dahil mahalaga ang pag-uugnay sa ating nakaraan sa ating
ngayon maging sa ating hinaharap.
Ang mga guro sa Asignaturang Filipino ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa 2019 na may adhikaing lalong pagyamanin ang lahing Pilipino at
palawakin pa ang paggamit ng wikang Filipino.Ito ay bilang tugon sa UNESCO na
International Year of Indigenous Languages (Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika)
ang taong 2019, pinagtibay ng KWF ang kapasiyan ng kalupunan Blg. 18-31 na naglalayon
na masiglang lumahok ang KWF sa pagdiriwang na ito; at ang kapasiyahan ng Kalupunan
Blg. 19-03 na nagtatakda ng temang Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino at
naglalayon na ilaan ang Buwan ng Wika sa Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi
para sa mga katutubong wika sa bansa.May lingguhang paksa sa loob ng isang buwang
pagdiriwang.
Ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang sumusunod:
1.Isahang Tinig
2.Pagsasaling Wika
3. Katutubong Sayaw
4. Malong Fashion Show
Dito ang mga mag-aaral ay nalilinang sila sa pagmamahal ng wika dahil sa ang mga
guro ay nagbibigay ng patimpalak upang maipamalas ang pagmamahal sa wika. Ginanap ang
paligsahan sa Pagsasaling Wika sa loob ng klasroom. Samantala nagkaroon rin ng pangwakas
na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019, ginanap noong Agusto 31, 2019 sa
hapon. Simple lamang ang pagdiriwang at nagkaroon rin ng paligsahan sa Isahang
Tinig,Katutubong sayaw at Malong Fashion Show.
Ang mga layunin ng mga guro sa Filipino ay mailinang at maituro ng mga guro ang
tamang pagmamahal sa ating bansa. Isinasaisip ng bawat isa na kung ano tayo ngayon, iyan
ay dahil sa ating mga ninuno noon. Kaya dapat lamang nating tangkilikin, linangin at mahalin
ang ating wikang pambansa.
Mga Gurong tagapayo sa Filipino:
1. Gng. Lilibeth V. Tumanda
2. Gng. Marichu Casil S. Olano
3. Bb. Michelou D. Tabada
4. Gng. Juvilyn H. Chan
5. Bb. Melody T. Maghilum

FILIPINO CLUB OFICERS


Pangulo: Tinglao, A.
Pangalawang Pangulo:Arsenia, K.
Kalihim: Lingating, Jemma
Tagapamayapa: 1.Avelino, C.
2. Imbing, Merry Grace
Tagapangalakal: 1.Leon, Jessamae
2.Serig,
Tagapagbalita:
Grade 7: Lahagan, A.
Grade 8:Condae, J.
Grade 9:Sagga, Frennie
Grade 10:Bartiana, I.
Senior High:
Leon, Jolina
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
LAPUYAN ZAMBOANGA DEL SUR

ULAT SA FILIPINO
SY. 2019-2020
ISAHANG TINIG
Katutubong Sayaw
Malong Fashion Show

You might also like