You are on page 1of 22

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 9 - Ekonomiks

I.Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nasusuri ang ugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.

2. Nabibigyang halaga ang konsepto ng consumption at savings sa pag-iimpok.

3. Naipapakita ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, pagkonsumo at ang “7


Habits of a Wise Saver” sa pamamagitan ng iba’t-ibang pangkatang gawain na itatanghal ng
mga mag-aaral.

       II.        Nilalaman

Paksa:  Yunit III: Makroekonomiks

                           Aralin 3: Ugnayan ng Pangklahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan: Modyul para sa mga Mag-aaral

Pahina: 259-263

Mga Materyales:  mga kagamitang biswal, power point presentation, laptop, projector, pisara at
yeso

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1.Panalangin

            Magsitayo ang lahat.

Simulan natin ang araw na ito sa   (Ang mga mag-aaral ay magsisitayo upang
pamamagitan ng isang maikling panalangin. simulan ang panalangin)

 Francis, maaari mo bang pangunahan ang


pagdarasal?

2.Pagbati

Magandang Umaga 9-Gold!

Magandang Umaga rin po Binibining Cortel !


3.Pagsisiyasat ng Kapaligiran Welcome to 9-MARCOS Mabuhay!

Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga


kalat na nakikita sa inyong paligid. Matapos
pulutin ang mga kalat, mangyari na ayusin
ang inyong mga upuan. Pakitago ang mga
bagay na walang kinalaman sa ating (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat
asignatura. at aayusin ang kanilang mga upuan)

4.Pagtatala ng Liban

Xandro, mayroon bang lumiban sa klase


ngayon?

Magaling! Bigyan ang inyong mga sarili


ng  Edi wow clap!!!
Wala po. Ang lahat po ay naririto.

5.Balik-aral
            Bago tayo dumako sa ating (Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang
aralin   magkakaroon muna tayo ng balik aral. istilo ng pagpalakpak)

Ano nga ba ang tinalakay nating paksa noong


nakaraang pagkikita?

Mahusay! Sa pamamagitan ng pagsusukat ng


Pambansang Kita, nakakapagbigay ito ng
ideya patungkol sa antas ng produksiyon ng Ma’am, ang tinalakay po natin ay ang
ekonomiya sa isang partikular na taon at kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang
naipapaliwanag kung bakit mababa o malaki kita at kung paano ito naging batayan sa pag-
ang naging pag-unlad ng bansa. unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mayroon pa ba kayong ibang ideya?

Magaling! Salamat. Bukod sa kahalagahan ng


pagsusukat ng pambansang kita, ano pa ang
ating tinalakay?

Sa pamamagitan po ng paghahambing ng
Tama. Mahusay! Pambansang Kita sa loob ng ilang taon
nakikita po kung anong direksyon mayroon
ang ekonomiya ng isang bansa kung may
Paano nga ba nagkakaiba ang GNI at GNP?
pag-unlad na bang nagaganap.
Ang pagkakaiba po ng GNI at GNP.

Magaling! Ang Gross National Income ay Ang Gross National Income po ay sinusukat
tumutukpy sa kabuuang pampamilihang gamit ang salapi ng isang bansa samantala
halaga ng mga produkto at serbisyo na ang Gross Domestic Product ay sinusukat
nagawa ng mga mamamayan ng isang kasama ang mga kita ng mga dayuhan sa
bansa. Samantala ang Gross Domestic loob ng bansa.
Product naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihamg halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng
isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa.

Tunay na marami kayong natutunan sa ating


nakaraang talakayan. Ako ay humanga sa
ipinakita ninyong galing. Mahusay 9-
MARCOS. Bigyan ang inyong mga sarili
ng BONGGA CLAP !
(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang
istilo ng pagpalakpak)

B.Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


(PAGTAGLINETAGLINE-IN!)

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong Opo.


aralin. Handa na ba kayo? Ihanda ang sarili
para sa talakayan ngayong araw na ito. Pero
bago ang lahat tayo ay magkakaroon ng
isang laro. Kung saan ang bawat grupo ay
bibigyan ko ng materyales na magagamit
para sa ating boards up. Ang bawat pangkat
ay may itatalagang lider upang isulat ang
napagkasunduang sagot batay sa tagline na
makikita sa larawan sa projector. Kung sino
ang unang pangkat na makapagpakita ng
tamang sagot ang siyang makakakuha ng
puntos na idadagdag sa grado sa
pangkatang gawain. Matapos malaman ang
bawat sagot, isulat o tandaan ang mga ito
upang makatulong sa inyo sa pagsagot sa
mga ibabato kong ilang mga katanungan ukol
dito.

Nauunawaan ba? Nakakasunod pa ba?

        

      

Opo.
       
BPI

        

BDO

  

Landbank

Ano ang inyong napansin sa mga nakalap na


Metrobank
kasagutan?

Tumpak!  Ano ang unang pumapasok sa


inyong isip kapag naririnig mo ang salitang PAG-IBIG Fund
bangko?

Tama! Ano pa ang inyong mga ideya?


Mga halimbawa po ng banko.
Marami pong perang dinadala sa bangko.

Tama. Magaling! Sa bangko nila itinatago o


iniimpok ang kanila mga kinitang salapi.

Bukod sa pag-iimpok ng pera, saan o paano


ba natin ginagamit ang mga kinitang salapi?
Karaniwan po dito dinadala ng ibang tao lalo
Ibig sabihin ang pera ay ginagamit natin sa
na ng mayayaman yung mga salaping
papaanong paraan?
kanilang kinita sa tuwing sila ay sumesweldo.
Sa bangko po nila ito ipinapatago upang
magkaroon ng savings.

Tama!  Ang pera ang ginagamit nating upang


kumonsumo ng produkto at serbisyong
kinakailangan natin sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Kasama na rito ang ating mga
luho at nais mga bilhing bagay.

Samakatuwid ang salaping mula sa kita ng


tao ay iniipon at ito rin ang ginagamit na
panggastos.

Ginagamit po nating panggastos.

Ginagamit po natin ang pera sa pagbili ng


ating mga pangangailangan at kagustuhan.
C.Pagtalakay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-
ating aralin sa araw na ito? iimpok at Pagkonsumo po.

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na ito


ay patungkol sa Ugnayan ng Pangkalahatang
Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.

Ngayon ay aalamin natin kung papaano nga ba


nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at
pagkonsumo.

Sa inyong palagay, ang salapi ba ay maaaring


maubos?

Opo. Lalo na po kung hindi ito pinapalago.

Nauubos po kaagad ang pera dahil po sa


mataas na presyo ng bilihin.
Tama, ang pera ay maaaring maubos kaagad.
Saan nanggagaling ang pera at paano
nagkakaroon ng pera ang isang tao?
Madalas na ang pinanggagalingan ng pera
ay ang mga kita o sweldo po ng tao sa
Mahusay! Ito ay mula sa kita ng mga tao. Ano kanilang mga trabaho.
nga ba ang kita? Sa paanong paraan
nagkakaroon ng kita ang tao?

Tama! Napakausay! Natatandaan pa ang Batay po sa ating mga nakaraang talakayan,

konsepto ng kita. ang kita po ang salaping tinatanggap ng


mga manggagawa kapalit ng pagtatrabaho.
Ang kita ay maaaring gastusin sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao. O
yung tinatawag nating pagkosnsumo. Ano ang
pagkonsumo? Ito po ang pagbili at paggamit ng mga
produkto o serbisyo na magbibigay
kapakinabangan sa tao.

Magaling! Sa konsepto ng pagkonsumo ay


mayroon tayong tinatawag na impulse buyer.
Mayroon ba kayong ideya patungkol dito?

Isang uri po ng mamimili na gastadora.

Yung bili lang po ng bili, hindi iiisip na


kakailanaganin pa niya ng pera kinabukasan.
Tama. Kung mayroong mga taong nais mag-
Walang pakialam kung maubos man ito
impok mayroon ring mga impulse buyer, kung
kaagad.
saan basta may pera bili nalang nang bili
hanggang maubos ito. Kapagka wala ng pera,
saka maaalala ang kanyang iba pang
pangangailangan. Nabubuhay sila as one day
millionaire.

       

Subalit bukod sa paggastos ng pera, ano pa


ang ibang bagay na maaaring gawin sa pera?

Magaling! Ito ay maaaring itago sa bangko


upang maging savings. Dahil nabanggit ninyo
ang salitang savings alamin natin kung ano
ang kahulugan nito. Batay sa impormasyon sa
inyong aklat ayon kay Roger Farmer, ano ang
kahulugan ng savings? Iniipon po ito. Maaari po itong itabi o itago
sa bangko bilang savings.

May iba pa bang kahulugan na nabanngit?

Gaano kahalaga ang pag-iimpok?

Sinasabi niya po na ang savings ay paraan


ng pagpapaliban ng gastos.

Maaari ka bang kumita kapagka ikaw ay nag-


Opo. Ayon naman po kina Meek, Morton at
iipon?
Schug, ang ipon o savings ay kitang ginamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan.

Ang mga perang nakatabi ay maaaring


madagdagan pa. At upang may magamit na
Tama. Mahusay! Mayroon tayong tinatawag salapi sa panahon na lubos itong kailangan.
na investment kung saan ito ay ipon na
ginagamit upang kumita. Sa tingin ninyo,
papaano nagkakaroon ng economic
investment?
Opo, dahil nadadagdagan po ang savings
Tama. Ang isang tao ay maaaring maglagay habang tumatagal.
ng kanyang ipon sa mga Financial
intermediaries. (Ang guro ay may ipapakitang
pigura)
Sa pamamagitan po ng paglalagak ng pera
sa isang negosyo.

Batay sa nakitang impormasyon sa pigura,


paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga
konseptong nakikita sa pigura?

Mahusay ang naging pag-obserba batay sa


inpormasyon sa pigura. Ang Financial
Intermediaries ang siyang tagapamagitan sa
nag-iipon ng pera at sa nais umutang o
magloan. Kung saan, sa mga Financial
Intermediaries dinadala ng mga taong nag-
iimpok ang kanilang pera. Samantala ang mga
umuutang o borrower ay maaaring gamitin
ang nahiram na pera sa pagbili ng ari-arian o di
kaya ay para maging dagdag na puhunan sa
kanilang negosyo.

Kung ikaw ay mag-iimpok, itatago mo ba ito sa


bangko o gagawa ka nang iyong sariling
alkansiya?

Magaling. Kung itatago nang matagal na


panahon sa alkansiya ang pera, maaaring Ang nag-iimpok at nangungutang ay
lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon.
Bukod dito, maaari itong magdulot ng nakabase sa mga Financial Intermediaries.
kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan.
Mas mabuti na ilagak ito sa matatag na
bangko o iba pang Financial Intermediaries
upang bumalik sa pamilihan ang salaping
iniimpok.

Upang higit na malaman kung paano mas


magiging wais at matalinong indibidwal na
nag-iimpok. Ating talakayin ang 7 Habits of a
Wise Saver. Iiisa-isahin natin ang mga
naturang gawi, kung saan kayo ang
magbibigay ng mga ito at ipapaliwanag ito
base sa inyong pang-unawa. Maaari ring
magbigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa
mga ito. Handa na ba kayo?

Tama. Mahusay! At karagdagan, alamin kung


sino ang may-ari ng bangko at sino ang mga
namamahala nito. Sumunod, ano ang
pangalawang gawi ng isang wise saver?
Mas pipiliin ko po na mag-ipon sa bangko
kaysa sa alkansiya. Sa bangko mas ligtas
Mahusay! Isa pang mahalagang bagay na
ang pera at maaari itong dumami.
dapat tandaan ang isa pang mahalagang
bagay dapat basahin at unawain ay ang term
at condition ng bangko upang di malito sa
mga patakaran at proseso na mayroon ang
naturang bangko. Iba pang gawi na dapat
taglayin ng isang wise saver?

Mahusay! Ito rin ay mabisang paraan upang


makaiwas sa mga mapagsamantalang
kalakaran ng bangko.

Ang una po ay kilalanin ang iyong bangko.

Magsasaliksik po ako sa internet upang


malaman ang katayuan ng bangko kung ito
Magaling! Ano ang kasunod?
ba ay nalulugi o maayos naman ang
pamamalakad.

Ang sumunod po ay alamin ang produkto ng


iyong bangko. Ang unang bagay na dapat
malaman ay kung saan inilalagay ang mga
Eksakto! Ano pa ang ibang gawi? Mayroon
perang iimpukin. Ito po ay maaaring
pang natitirang dalawa.
ipagatanong sa mga namamahala ng
bangko.

Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa


iyong bangko. Dapat na piliin ang ankop na
bangko upang itugma ang serbisyo sa
pangangailangan ng nag-iimpok. At dapat
Mahusay! Karagdagang impormasyon, ang ring klaruhin ng mabuti ang mga sinisingil at
kahulugan nito ay Philippine Deposit Insurance bayarin ng bangko.
Corporation.  Ano ang panghuling gawi ng
wise saver?

Ingatan ang bank records at siguruhing up-


to-date. Palaging i-update ang passbook at
Mahusay! Huwag agad maniniwala sa mga mga CTD (Certificate of Time Deposit) sa
alok ng mga taong di mo pa naman lubusang tuwing gagawa ng transaksyon sa bangko.
kilala. Naunawaan ba? Mayroon ba kayong At ipaalam kaagad sa bangko kung
mga katanungan? mayroong pagbabago sa contact details
upang maiwasan na maipadala ang
sensitibong impormasyon sa iba.

Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng


bangko at sa awtorisadong tauhan
nito. Huwag dapat mag-alinlangan na
magtanong sa mga tauhan ng bangko ng
magpakita ng identification card at humingi
palagi ng katibayan ng transaksyon.

Alamin ang tungkol sa PDIC deposit


insurance. Ang PDIC ay gumagarantiya ng
hanggang Php500, 000 sa deposito ng
bawat depositor. Ang investment product,
dinayang account, at depositing nagmula sa
hindi ligtas at unsound banking practices ay
hindi kabilang sa segurong ibinibigay ng
PDIC.

Maging maingat. Lumayo sa mga alok na


masyadong maganda para paniwalaan.
Upang makaiwas sa mga taong
mapanlamang sa kapwa.
Wala po.

D.Pangkatang Gawain:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon ay tutungo na tayo sa inyong
pangkatang gawain. Ang lahat ba ay nasa
kani-kaniyang pangkat na kinabibilangan?
Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko
muna sa inyo ang mga pamantayan kung sa
paanong paraan ko mamarkahan ang
presentasyon ng bawat grupo. Ang bawat
pangkat ay bubunot ng kanilang paksang
ipapakita at bibigyan sila ng lima hanggang
walong minuto upang ito ay kanilang
paghandaan.

Una at Ikalawang pangkat

ROLE PLAY

(Magtatanghal ng isang maikling dula na


nagpapakita ng mga halimbawa ng 7 Habits
of Wise Saver)

Ikatlong Pangkat

POSTER MAKING

(Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita


nila ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita,
Pag-iimpok at Pagkonsumo. Ito ay
ipapaliwanag nila sa klase.)
Ikaapat na Pangkat

TULA-RAP

(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng tatlo


hanggang limang saknong, kung saan
pagkatapos ng tula ay gagawan rin ito ng rap
na bersyon. Ito ay patungkol sa ugnayan ng
kita, pag-iimpok at pagkonsumo)

Ikalimang Pangkat

LIKHAWIT

(Lalapatan ang musika ng paggalaw ng


katawan sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito
ay patungkol sa ugnayan ng pangkalahatang
kita, pag-iimpok at pagkonsumo.)

E.Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1.Batay sa ating pinag-aralan, paano mo ngayon
masasabi na magkaka-ugnay ang
Ang salapi po na galing sa kita ng isang tao
pangkalahatang kita, pag-iimpok at
ay maaaring ipunin at gamitin sa pagbili ng
pagkonsumo? Tama. Mahusay
ating mga pangangailangan at kagustuhan.

2.Kung ikaw ay mag-iimpok, saan mo ito ilalagak?


Kung ako po ay mag-iimpok, ito po ay aking
Sa bangko ba o sa alkansiya?
iipunin sa bangko sapagkat higit po itong
makatutulong sa negosyo at pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

IV.Pagtataya

A.Isulat ang salitang SAVINGS kung ito ay may kinalaman sa pag-iimpok atEXPENDITURES naman


kung ito ay paraan ng pagkonsumo o paggastos.

_______1. Laptop

_______2. PAG-IBIG Fund

_______3. Landbank

_______4. Burger

_______5. PNB

B.Ilagay sa patlang ang salitang“WERPA” kung ang ipinahahayag ay tama at “PETMALU” naman


kung ito ay mali.
_______1. Maaring makipagtransaksiyon sa labas ng bangko at di kilalang tauhan ng bangko.

_______2. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.

_______3. Iwasan na mag-update ng mahalagang impormasyon sa bangko at ingatan ang mga


bank records.

_______4. Unawain kung saan inilalagak ang mga perang iyong iniimpok.

_______5. Kilalanin kung sino ang may-ari ng bangko at  pati na rin ang mga taong namamahala
nito.

V.Kasunduan

1. Paano nagaganap ang konsepto ng implasyon?

2.Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng Price Index? Lagyan ng paliwanag o kahulugan ang bawat uri ng
Price Index na nakalap.

Sanggunian: Ekonomiks, Modyul para sa mga Mag-aaral

Pahina: 275-279

You might also like