You are on page 1of 2

Buwan ng Wika Sample Script for Emcee

POSTED BY: MARCH 1, 2020

Sa ating minamahal na Punong-guro, _______________, mga kapwa ko guro,mga


minamahal na magulang ng aming mga mag-aaral, sa mga mga-aaral at sa inyong lahat,
magandang umaga.

Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang


mabalik tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng WikangPambansa,
Manuel Luiz Quezon. Siya ang naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisaang ating
bansa sa pagtalaga ng isang pambansang wika, ang Filipino.

Sa taong ito, ang Paaralang Elementarya ng __________ ay nakikiisa sa buong bansa


na ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang, “Filipino Wika ng Karunungan”.

Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaring tumayo tayong lahat upang makinig sa


isang panalangin mula kay __________________. at manatiling nakatayo para sa
pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni
_____________.

******

Ngayon naman ay makinig tayo sa isang Pambungad na Pananalita ni
_______________. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

******

Maraming salamat, ____________ para sa iyong pagbukas ng pagdiriwang na ito.

Sa puntong ito, making naman tayo sa mensahe ng ating _______________. Bigyan


po natin siya ng masigabong palakpakan.

*****

Maraming salamat, _____________. Talaga namang


____________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________________________________.

At dahil tayo nga ay binubuksan ang pagdiriwang ng buwan ng wika, mayroon pong
maghahandog sa ating ng isang awit. Siya po ay nagmumula sa ikaapat na baitang. Ito
ay walang iba kundi si _____________.

*****

Maraming Salamt, _____________. Tunay ngang nakakabighani ang boses ng isang


Pilipino.

Ngayon naman, makinig naman tayo sa pagtalakay ng tema na “Filipino Wika ng


Karunungan”. Para mas malaman natin ang ibig sabihin ng temang ito, tatalakayin ito
ni ___________________. Bigyan po nating siya ng masigabong palakpakan.

*****
Maraming salamat po, _____________. Tunay nga namang napakahalaga ng
paggamit ng ating sariling wika sa pag-aaral ng mga bagay na dapat matutunan upang
tayo ay maging isang mabuting mamamayan.

Tatawagin ko naman ngayon ang ikalawang magbibigay sa atin ng inspirasyon sa


pamamagitan ng isang awit. Ito ay ihahandog sa ating ng isang mag-aaral na galling sa
unang baitang. Bigyan po natin ng palakpakan si__________________.

******

Maraming Salamat, _____________. Kahit maliit pa si ______________,


naipapakita na niya ang kanyang talent sa pag-awit. Tunay ngang napakatalento ng
Pilipino.

Para naman sa katapusan ng programang ito, makinig tayo sa pangwakas na pananalita


ni __________________, guro sa unang baitang.

*****

Maraming salamat Ma’am.

Ngayon naman, sabay sabay nating awitin at sayawin ang isang awit na magpapaalala sa
atin sa ating pagiging Pilipino.

You might also like