You are on page 1of 6

Pamagat: Paaralang Panghimpapawid sa Ikatlong Baitang

Paksa: Pagbibigay ng Paksa ng Kwento o Sanaysay

Format: School-on-the-Air

Length: 15 minutes

Scriptwriter: Nenita A. Bautista

Layunin: Pagkatapos makapakinig ng episode, ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay

inaasahang makapagbibigay ng paksa ng kwento o sanaysay.

___________________________________________________________________________

BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

1BIZ: MSC UP AND FADE UNDER

2HOST: Magandang araw mga ginigiliw kong mag-aaral sa ikatlong baitang! Maligayang pagdating sa

3 bagong normal ng edukasyon kung saan ka natututo habang nakikinig ka sa ere!

4 Ako ang inyong guro Nenita A. Bautista mula sa Gracia Elementary School, Dibisyon ng

5 Misamis Oriental, Rehiyon 10!

6BIZ: MSC UP AND UNDER

7HOST: Layunin natin pagkatapos ng inyong pakikinig, ay makapagbibigay kayo ng paksa sa kwento

8 o sanaysay.

9BIZ: MSC UP AND UNDER

10HOST: Kamusta ka ngayong araw? ⁽PAUSE) Sana lahat ay nasa mabuting sitwasyon. Ngayon, ang
11 kailangan mo lang gawin ay umupo at magrelax! Maging masaya habang nakikinig.
12 Sa episode na ito, matutukoy natin kung paano maibibigay ang paksa ng isang kwento o
13 sanaysay ⁽PAUSE) Handa ka na ba?
14BIZ: MSC UP AND UNDER

15HOST: Inuulit ko, ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa pagbibigay ng paksa sa kwento o

16 sanaysay

17 Alam nyo ba na madali lang malaman ang paksa ng isang kwento o sanaysay?
18 Ang paksa ay maaaring tao, bagy hayop o pangyayari.
19 May iba pang paraan para matukoy ang paksa o tema ng kwento o sanaysay.

1|Page
1 Una: ang paggamit ng pamagat
2 Halimbawa: Kwento ng Pagong at ng Matsing
3 Si Dr. Jose Rizal
4 Ang Kwento ni Maria Makiling
5 Iba Pang Halimbawa ng paksa
6 Mga dahilan sa labis na pagpupuyat ng mga mag-aaral
7 Kahalagahan ng pagiging laging handa
8 BIZ: MSC UP AND UNDER
9HOST: Ngayon mga bata, sabihin nyo ang paksa o tema ng aking kwentong babasahin sa inyo. Pero

10 bago yan, alamin muna natin ang mga kahulugan sa ilang mga di-pamilyar na mga salitang

11 nasa kwento.

12 Gagamitin ko sa pangungusap ang mga salita. Tulad ng…

13 manatili – Masarap sana ang manatili doon sa bukid at magpahinga.

14 Alam nyo ba ang ibig sabihin ng manatili? (PAUSE) Ang ibig sabihin ng salitang manatili ay

15 hindi na lang aalis.

16 hinati – Hinati ko ang tinapay at ibinigay ko kay Lea at Rina.

17 Ang ibig sabihin ng hinati ay piniraso na parehas ang laki o pinag dalawa ang isang bagay.

18 makalipas – Humina na ang bago makalipas ang isang oras.

19 dumaan na o natapos na ang kahulugan ng salitang makalipas

20 Ngayong alam nyo ang mga salitang manatili, hinati at makalipas ay maaari na tayong

21 makapag-umpisa sa ating kwento. Umpisahan na natin.

22 Ang Lagalag na Anak


23 Ang magsasaka ay may dalawang anak, ang bunso ay hindi nais na manatili sa bahay
24 ng kanyang ama kaya kinuha niya ang lahat ng kanyang mana mula sa ama. Kaya
25 hinati ng ama ang lahat ng kanyang ari-arian para sa dalawang anak. Ang bunsong

Page |2
1 anak ay kinuha ang lahat ng mana at nagpakalayu-layo.
2 Makalipas ang mahabang panahon, ang bunsong anak ay naghirap dahil napunta ang
3 lahat ng mana sa walang kabuluhang bagay. At wala siyang naisip na paraan para
4 mabuhay kaya nagtrabaho siya sa ibang tao dahil nangangailangan siya ng pera para
5 siya ay mabuhay.
6 Dumating ang mga panahon na naaalala niya ang kanyang buhay noong siya ay nasa
7 kanyang ama pa. Naaalala niya na ang kanyang ama ay nagpapakain sa mga
8 manggagawa habang siya ay malapit na sa kamatayan sa paghahanap ng makakain.
9 Humanap siya ng paraan upang balikan niya ang kanyang Ama. Noong nagkita sila ay
10 naawa ang ama at kinuha siya at niyapos at hinagkan. Sinabi niya sa kanyang ama na
11 nagsisisi at nanghihinayang akong tawagin mong anak dahil sa ginawa kong
12 kamalian.
13 Narito ang inyong pagpipilian. Alin kaya dito ang pangunahing paksa sa kwentong binasa?

14 A. Ang magsasaka B. Ang Dalawang Anak C. Ang Lagalag na Anak

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 Tungkol saan ang kwento ang kwento?

17 Mahusay! Ang paksa sa aking binasa ay Letter C. Ang Lagalag na Anak

18 Sa iyong palagay, tama ba yung ginawa ng lagalag na anak? (PAUSE)

19 Nagkamali man siya, ang importante ay natututo siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali.

20 Katulad nyo rin, kung mayroon kayong nagawang mali, matuto kayong humingi ng patawad.

21 Ang salitang “sorry” ay hindi dapat kalimutan kung tayo ay nagkakamali.

22BIZ: INFOMERCIAL MSC

23 Nakabisita ka na ba sa inyong paaralan?

24 Namiss nyo na ba ang inyong guro at mga kaklase?

25 Paalala lang kung lalabas ka ng inyong bahay, magpaalam sa magulang.

Page |3
1 At ang inyong kalusugan at nasa inyong mga kamay. Para iwas sa sakit lalo na sa COVID19,

2 Panatilihing malinis ang kamay, maghugas palagi at huwag kalimutang isuot ang inyong

3 facemask lalo na kung kayo ay lalabas ng bahay.

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

5HOST: Sa pagbibigay ng paksa, palaging tatandaan ang tanong na “Tungkol saan ang binasa” at

6 mahalaga ring malaman mo kung tao, bagay o pangyayari ba ang pinag-uusapan sa iyong

7 binasa.

8BIZ: MSC UP AND UNDER

9 Para sa huling gawain, kuhanin ang inyong notbuk at bolpen para sa ating maikling

10 pagsusulit. Alamin ninyo ang paksa ng aking babasahin ilang sandali lang pagkatapos ng

11 maikling tugtog.

12BIZ: MSC UP FOR 5 SECS

13 Ang Boracay ay isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas. Maganda at kahali-halina

14 ang maputing buhangin at malinis na tubig dagat. Maraming Pilipino at mga dayuhan ang

15 pumupunta dito tuwing tag-init upang mag swimming. Paraiso ang tawag ng mga dayuhan sa

16 isla ng Boracay dahil sa angking kagandahan nito.

17 A. Ang mga buhangin sa dagat

18 B. Maraming Pilipino sa Boracay

19 C. Ang dagat sa Boracay

20 D. Ang Kagandahan ng Boracay

21 May ibat-ibang hugis, kulay at amoy ang mga bulaklak. May malalaki at maliliit na

22 bulaklak ang tumutubo sa baging. May tumutubo naman sa punong kahoy, mayroon namang

23 tumutubo sa palumpong. Tunay na maraming uri ng mga bulaklak dito sa ating bansa.

24 A. Amoy ng bulaklak

25 B. Maliit at malalaking bulaklak

Page |4
1 C. Uri ng mga bulaklak

2 D. Mabangong bulaklak

3 Ang polusyon sa hangin at pagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Maruni at

4 masangsang ang mga amoy ng hanging nagmumula sa tabing ilog, dagat at dalampasigan.

5 Ang maitim na usok na nagmumula sa sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Ang walang

6 tigil na pagbuga ng usok ng mga pabrika, ang nagpapadilim ng kalangitan.

7 A. Ang Polusyon sa Kapaligiran

8 B. Polusyon sa Kalawakan

9 C. Polusyon sa Hangin

10 D. Polusyon sa Tubig.

11 Oras na para alamin kung tama ba ang inyong kasagutan.

12 Unang sagot: D - Kagandahan ng Boracay

13 Ikalawang sagot: C - Uri ng Bulaklak

14 Ikatlong sagot : A – Polusyon sa Kapaligiran

15BIZ: MSC UP AND UNDER

16RADIO TEACHER: Natutunan nyo na ang pagbibigay ng paksa. Mahusay ang ginawa mong

17 pakikinig at pakikilahok sa mga gawain. Palagi lang tatandaan, ang bawat kwento o

18 sanaysay na mababasa ay may pangunahing tema o paksa. Madali itong makilala

19 kung pakikinggan o babasahing mabuti ang mga detalye at impormasyon lakip dito.

20 Hanggang dyan lang muna tayo. Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang

21 mas maunawaan nyo ating aralin ukol sa Pagbibigay ng Paksa sa kwento at sanaysay,

22 basahin nyo at sagutan ang worksheet ng mga pagsasanay tungkol sa pagbibigay ng

23 paksa upang lalo kayong mahasa sa pagkilala sa paksa ng isang kwento o sanaysay.

Page |5
1 Kung mayroon kayong katanungan, huwag mag atubiling magpadala ng mensahe sa

2 pamamagitan ng Facebook o messenger, pwede rin naman tawagan ang guro. Huwag

3 kalimutang ipasa ang inyong mga Learning Modules sa itinakdang araw ng inyong guro.

4BIZ: MSC UP AND UNDER

5HOST: Ako ang inyong guro, Nenita A. Bautista, nagpapaalala sa inyo na palaging mag-aral

6 na mabuti, ito ang magiging daan natin para magkaroon ng magandang kinabukasan. Paalam!

7BIZ: MSC UP THEN OUT

8 -END-

Page |6

You might also like