You are on page 1of 2

Isang mapagpalang araw ang aking bat isa lahat. Ako si Ginoong John Andrew B.

Santos mula sa La
Consolacion University Philippines na naglalayong gamitin ang oportunidad na ito upang talakayin ang
mga kinahaharap ng bawat Pilipino ngayon panahon ng pandemya.

Buwan nang Enero sa Taong 2020 nang maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Lingid
sa kaalaman ng lahat na ang araw na iyon ay mabilis na lolobo ang mga kaso ng virus.

LIGTAS NA BALIK ESKWELA!


MASS TESTING NOW!
NASAAN ANG AYUDA?!
TUMINDIG PARA SA MGA MANGGAGAWA!

Iilan lamang iyan sa mga sigaw at panawagan ng iba=t-ibang tao sa gitna ng pandemya. Ang pandemya
ay isang bagay na tayong lahat ay nakararanas ngunit sa talumpating ito, ating makikita ang malubhang
epekto ng pandemya sa mga Pilipino lalo na sa kalusuga, edukasyon, at ekonomiya.

Narinig mo na ba ang mga katagang “Tayo ay nasa iisang dagat ngunit hindi lahat ay nasa iisang barko,
mayroong nasa kahoy na bangka, mayroong nasa balsa, at mayroon ding sarili lamang ang mayroon.”?
Bagaman lahat ay nakararanas ng epekto ng pandemya, hindi lahat ay pantay-pantay ang bigat ng
epekto nito. Ang karanasan natin bilang indibidwal ay hindi maaaring ihalintulad sa iba.

Ang pandemya ay nagdulot ng maraming isyu at problema sa bayan tulad ng isyung pang-ekonomiya
kung saan milyon-milyong tao ang nawalan ng trabaho, mapa-manggagawa o mga businessman,
nawalan ng pagkakataong makapaghanap buha. Labis na natamaan ang industriya ng transportasyon,
turismo at mga businesses, particular na ang maliliit na business dahil sa pagpapasara ng mga ito at
travel ban. Wala ring nagawa ang nakrarami kung hindi ang umasa sa panandaliang ayuda na ibinibigay
ng gobyerno sa mga bawat pamilya.

Isa pang isyu na hinaharap ng bansa ay ang kakulangan sa mga kagamitan para sa mga ospital at health
centers. Isa itong malaking isyu lalo na at umabot na ng higit sa dalawang milyon ang kaso ng COVID-19
sa Pilipino kung saan libo-libo na rin ang namatay. Nasa peligro ang mga buhay ng tao sa kamay ng di
makita at nakahahawang virus at nakamamatay na kalaban. Kaya inaanyayahan ang lahat na sumunod
sa payo ng mga eksperto;

 Parating magsuot ng mask


 Mag social distancing
 At higit sa lahat ay magpabakuna

Dumako naman tayo ang isyu sa edukasyon. Dulot ng lockdown at community quarantine na ipinatupad
para sa ating kaligtasan laban sa pandemya, ang mga mag-aaral at guro ay napilitang gumamit ng ibang
paraan ng pag-aaral at pagtuturo gaya ng Online at Modular Learnings. Naging matunog ang
#AcademicFreeze at #LigtasNaBalikEskwela dahil na rin sa pagiging di epektibo ng birtwal na pag-aaral
para sa lahat pagkat hindi lahat ay mayroong internet access at hindi lahat ay may kakayahang bumili ng
gadgets upang makapasok sa klase. Bukod pa rito ay marami ang hindi kayang sumunod sa mga aralin
dahil sa mahirap na set-up, bagaman magdadalawang taon na simula nang ipatupad ang new normal
set-up ng pag-aaral ay patuloy pa rin ang mga panawagn sa ligtas na balik eskwela.

Ang mga taon kung saan tayo ay nasa gitna ng pandemya ay tunay ngang napakadilim ngunit hindi tayo
dapat na mawalan ng pag-asa. Patuloy lamang tayong manalig at manalangin sa Diyos dahil darating ang
bukas na makikita nating muli ang liwanag. Hindi na natin kakailanganin ng mask sa paglabas ng bahay at
wala nang pangamba nab aka tayo ay tamaan ng hindi nakikitang kalaban. Tandaan na pagkatapos ng
ulan ay parating mayroong bahaghari.

MAGSUOT NG MASK

MAGSOCIAL DISTANCING

AT HIGIT SA LAHAT MAGPABAKUNA.

LALABAN TAYO!

You might also like