You are on page 1of 1

20 Chanel St.

Longos, Malolos Bulacan


Oktubre 02, 2021

G. Michael Reymundo
Manedyer, Lucky Nine Inc.,
5th Flr. Robinsons Galleria
EDSA, Quezon City

G. Michael Reymundo,
Magalang ko pong ipinaaalam na ang liham na ito ay upang ipakilala ang aming produkta na
may potensyal na mailagay sa inyong store. Ito ay ang Moringa Oleifera Supplements, na isang
produktong gawa sa Moringa Oleiferana o Malunggay na may maraming benepisyo sa katawan;
mayroong calcium na nagpapatibay ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Ito rin ay mayaman sa iron
na nagpapadami ng dugo upang maiwasan ang pagkulang sa duo o anemic. Mayroong anti-oxidants na
lumalaban sa stress at pagpapabagal ng pag-edad ng katawan. Pandagdag din ng bitamina sa mga
malnourished na nagpapalakas ng katawan. Hindi lamang iyon, nakakatulong upang maibalanse ang
blood sugar. Nagpapalakas ng resistensya ng katawan upang malabanan ang kanser. Ang produktong ito
ay ipamili sa inyong mga panindahan at bilang presyong panimula, ito ay maaaring mabili sa halagang
100 piso lamang ang isang bote ng Moringa Oleifera Supplements.

Inaasahan ko ang magandang tugon mula saiyo.

Lubos na gumagalang,

John Andrew B. Santos

You might also like