You are on page 1of 1

“Filipino at mga Katutubong

Wika sa Dekolonisasyon ng
Pag-iisip ng mga Pilipino”

PANAHON NG KATUTUBO
Mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Ang Panitikan nila'y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, salawikain at awiting-bayan na anyong
patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan
at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

PANANAKOP NG KASTILA
Dumating ang mga Kastila dala ang tatlong Gs - God, Gold ,
and Glory. Pangunahing layunin nila ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapa-bantog sa
pamamagitan ng pagdargdag ng kanilang nasasakop. Dalawa
ang panitikan sa panahong ito una ay pamaksang
pananampalataya at kabutihang-asal at ang pangalawa
naman ay ang panitikang panrebolusyon.

PANANAKOP NG AMERIKANO
Sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila,
naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila
noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino,


edukasyon naman sa mga Amerikano. Sa panahong ito isinilang
ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa
Ingles at Tagalog.

PANANAKOP NG HAPON
Panahong ito sa kasysayan ng bansa at ng panitikan ang
tinaguriang Gintong Panahaon ng Panitikang Filipino dahil
higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at
pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa
mga ito.

KATUTUBO & INDEGENOUS PEOPLE


OF THE PHILIPPINES

You might also like