You are on page 1of 1

APRIL IBAÑEZ MACARIO BEED-III

Subukin natin!

Gawin ito.

1.Anong sitwasyon sa buhay estudyante na nakatulong sa iyo sa paggamit ng wika ? Gaano


kahalaga ang wika para sa iyo? Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay na pormal ,
bumuo ng sariling pamagat, salita’y hindi bababa sa 100.

Filipino: Wikang Natatangi

Sa tuwing ako'y nakikipag usap sa aking mga kaklase o kaya'y guro ay ginagamit ko ang wikang
Filipino at bilang isang mag aaral responsibilidad at isa ako sa may kakayanan na itaguyod ang ating
pambansang wika at mapanatili itong buhay sa kalooban ng bawat Pilipino. Ang Buwan ng Wika ay
isang pagkakataon na ipakita ang pagmamahal at respeto sa sariling wika pati na rin sa mga taong
lumaban para sa kalayaan.
Napakahalaga nito sapagkat ito ang wika na ating kinagisnan at tayo ay nakatira sa Pilipinas kung
kaya't nararapat lamang na gamitin natin ang wikang Filipino at hindi kung anumang banyagang
wika, ang wikang Filipino ang instrumentong ginagamit natin para sa komunikasyon. Ang
pagsasalita at paggamit ng ating pambansang wika ay isang uri ng pagpapahayag ng ating
pagkakakilanlan kaugnay ng ating kultura, ito ay nananatiling mahalaga pa rin dahil iniuugnay nito
ang mga Pilipino. Ang tamang paggamit ng wikang Pilipino ang nagsisilbing haligi para sa pag-unlad
natin bilang isang bansa, higit pa sa susunod na henerasyon ng Pilipinas.

2. Ano ang Implikasyon ng iba’t ibang teorya sa pagkatuto ng wikang Filipino?

Ang mga teorya ay may mga batayan kung kaya't naiuugnay ito sa pagkatuto ng wikang Filipino, ang
pagkatuto ng wika ay may yugto-yugtong proseso kong saan pinag-aaralan ang wika sa isang
paraang organisado at sistematiko: organisado kung saan may pangkat na nagpapatupad ng wikang
sinasalita ng isang bansa; sistematiko kung saan may sistema ang isang bansa kong paano gagamitin
ang wika.

You might also like