You are on page 1of 14

3

Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 5
Pangngalang Di- Kongkreto
Mother Tongue– Ikatatlong Baitang
Self – Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5: Pangngalang Di-Kongkreto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cherry Ann B. Osumo, Lorna L. Villanueva, Kristine Joy M. Garcia,


Rahima K. Pagocag, Arnie L. Bedaño, Angela B. Placencia,
Katherine Fe M. Almeranes
Editor: Grace C. Pastolero , Julie S. Pascual, Diana June M. Palabrica
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tongala, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Agabai S. Kandalayang, Aida S. Delon
Tagaguhit: Emman Dwight J. Tuyan
Tagalapat: Emman Dwight J. Tuyan
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Dr. Carlito D. Rocafort - OIC - Regional Director
Rebonfamil R. Baguio - OIC- Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI - Assistant Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESO VI- - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – REPS, MTB- MLE
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura - EPS In Charge of LRMS
Ricky S. Dalida – Division ADM Coordinator
Rebella S. Dulay – EPS , MTB - MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/


Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paarala.

ii
Alamin
Maligayang araw sayo mag aaral! Kumusta ka sa araw na
ito? Nagagalak ako sa iyong ipinakita sa nakaraang aralin. Ako
ay nakakasiguro na makakaya mo ulit sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito. Sa modyul na ito, malalaman at maiintindihan
mo ang mga sumusunod na layunin:

Most Essential Learning Competency:


 Identifies and uses abstract nouns.(MT3G-Id-E-2.1.4)

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 identifies and uses abstract nouns.
Subukin

Panuto: Tukuyin ang pangngalang di- kongkreto sa pangungusap


at isulat sa loob ng kahon sa sagutang papel.

1. Ang pagsisikap ni Dona ay para sa kinabukasan ng anak


niya.
2. Linggo ng gabi nang dumating ang bagyong Pablo na
nagdulot ng pangamba sa buong bayan.
3. Ang kasipagan niya ay walang katulad.
4. Puno ng lungkot ang kanyang naramdaman nang namatay
ang kanyang Nanay.
5. Balang araw ay masusuklian din ang katapatan mo.

Balikan

Panuto: Gamit ang salitang nasa ibaba ibigay ang panlapi,


salitang – ugat , at ang nabuong salita. Isulat ang sagot sa kahon
sa sagutang papel.

1. magtanim
2. kumain
3. basahin
4. diligan
5. umawit
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang kuwento.Pansinin mo


ang mga salitang mas pinaitim. Ano ang iyong napansin? Ano
kaya ang tawag dito? Sagutin atisulat sa sagutang papel
pagkatapos basahin.

Papasukin Po Ninyo Ako


(Let Me Get In by Florita R. Matic)
Isinalin sa Tagalog ni: Rahima K. Pagocag

Ang aking pangalan ay Pussy. Isang malikot at maliit na pusa.


Masaya akong naglalaro ng tagu-taguan kasama ang aking
mga kapatid. Nakakaramdam ako ng pagmamahal, kasiyahan,
at pagkasabik sa tuwing kalaro ko sila.
Isang araw, nakakita ako ng magandang hardin na may iba’t
ibang kulay ang bulaklak. Gusto kong maramdaman ang
kasiyahan na dulot ng ganda nito kaya naman sinabi ko sa
aking mga kapatid na, “ Tayo na’t maglaro doon sa hardin ng
tagu-taguan”. Pero ang naging sagot lamang nila ay, “Oh! hindi
tayo puwede lumabas sabi ni Nanay.” Sila ay takot na takot na
lumabas ng bahay.
“Sige kung ayaw ninyo, ako na lang ang lalabas. Huwag
ninyong sasabihin kay Nanay na lumabas ako. Babalik din ako
kaagad,” ang naging habilin ko sa kanila.
“ Oh! iyon ay kasinungalingan, hindi namin kayang gawin iyon,”
ang sabi nila.
Hindi ako nakinig sa kanila. Sa halip, tumakbo ako nang mabilis
papunta sa hardin. Tumakbo ako sa hardin ng Rosas. Umakyat
ako sa mga maliliit na puno. Nagtago ako sa matataas na mga
damo. Masayang naglaro sa malawak na hardin. Nang ako’y
nauhaw, uminom ako ng tubig na naroroon sa hardin.
Hanggang sa ako ay nakatulog dahil sa pagod. Gabi na ng
ako’y magising.
“ Meow...meow....meow.... Pilit ko silang tinatawag,
hanggang sa tuluyan na akong napaiyak pero ni isa wala
akong nakitang kasama at wala ni isa sa kanila ang nakarinig
sa akin. Tumakbo ako papunta sa aming tahanan pero ang
aming pintuan ay sarado na.
“Meow...meow....meow....Papasukin po ninyo ako, pero
walang nakarinig sa akin.”“Hindi ko sana sinuway ang aking
Nanay, hindi na ako uulit pa,” ang nasabi ko sa aking sarili
habang nanginginig sa sobrang lamig.

Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na mga salita mula sa


kuwentong “Papasukin Po Ninyo Ako”.Pag- aralan ang mga salita
sa hanay A at B.
Hanay A Hanay B
pusa pagmamahal
hardin kasiyahan
bulaklak pagkasabik
bahay takot

Suriin ang nasa hanay A at hanay B


Aling hanay ng mga salita ang maaaring makita o mahawakan?
Aling hanay naman ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan o naaamoy?

a. Kongkretong Pangngalan- Ito ay mga pangngalang


tumutukoy sa mga bagay na maaari nating mahawakan o
makita gamit ang ating limang pandama.

Halimbawa: kanin ampalaya


bulaklak damit

b. Di- kongkretong pangngalan- Ito ay tumutukoy sa bagay na


hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naamoy
katulad ng katangian o damdamin.

Narito ang mga halimbawa ng mga pangngalang di- kongkreto:

pagdadalamhati kasipagan
Ngayon, alam mo na ba kung ano ang di- kongkretong
pangngalan? Kung ganun, ihanda ang sarili sa mga sumusunod
na gawain para sa iyo. Pagbutihin mo para masagot mo ito nang
tama lahat.

Pagyamanin

Maaari mo na bang tukuyin ang mga pangngalang di-


kongkreto mula sa iyong binasang kuwento?

Gawain 1:

Panuto: Isulat ang tsek ( √ ) kung ang pangngalan ay di-


kongkreto at isulat naman ang ekis ( x ) kung hindi. Ilagay
ang sagot sa sagutang papel.
1. pagtitipid
2. pusa
3. kabayanihan
4. bulaklak
5. pag- ibig
Isaisip

Panuto: Buuin ang talata. Pumili ng sagot sa loob ng kahon at


isulat sa sagutang papel.

katangian nahahawakan di-kongkretong pangngalan

Ang (1)______________________ ay tumutukoy sa bagay na


hindi nakikita, naririnig,(2) ______________, nalalasahan o naamoy
katulad ng (3)____________ o damdamin

Isagawa

Subukin ulit natin ang iyong galing.


Panuto: Isulat ang angkop na di- kongkretong pangngalan sa
mga patlang na tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang tamang
sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

kasipagan kalungkutan kalusugan


kabayanihan pag-aalala

1. Nagpamalas ng ___________ si Angel Locsin noong


sinalanta ng lindol ang Mindanao.
2. Nakaramdan ng labis na __________ si Rosa nang nawalay
sa pamilya.
3. Ang _____________ ni Maria ay naging tulong para
maparami niya ang kanyang mga halaman .
4. Dapat nating alagaan ang ating _________ ngayong may
pandemic.
5. Labis ang ____________ ni Riena sa anak na hindi nakauwi.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang di- kongkretong pangngalan sa sumusunod


na mga pangungusap.Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Labis ang pagkayamot ni Rahib nang hindi dumating ang


hinihintay niya.
a. pagkayamot
b. dumating
c. Rahib

2. Nakakapanibago ang katahimikan ng Barangay Lapu-lapu


ngayong araw.
a. katahimikan
b. nakakapanibago
c. Barangay Lapu-lapu

3. Ang pagmamahal ng nanay sa anak ay walang katulad.


a. anak
b. nanay
c. pagmamahal
4. Ang katapatan ng aking kasambahay ay unti-unting
nawawala.
a. nawawala
b. katapatan
c. kasambahay

5. Ang kabutihan ni Rohama sa kapwa ay hindi nagbabago.


a. Rohama
b. kabutihan
c. nagbabago

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng pangungusap gamit ang di- konkretong
pangngalan batay sa larawan at salitang ibinigay.

kalinisan
1. _____________________________________________________.

pagtanda
2. ______________________________________________________.
MTB grade 3 Learner’s Material page 33, 39-40
MTB grade 3 Teacher’s Guide page 37, 40-43
Sanggunian
Subukin
Isagawa:
1. pagsisikap
2. pangamba
1. kabayanihan
3. kasipagan
2. kalungkutan
4. lungkot
3. kasipagan
5. katapatan
4. kalusugan
Balikan
5. pag-aalala
1. mag , tanim ,magtanim
2. um, kain, kumain
3. hin, basa, basahin
Tayahin:
4. an, dilig, diligan
5. um, awit, umawit
1. pagkayamot
2. katahimikan
PAGYAMANIN
3. pagmamahal
Gawain 1:
4. katapatan
5. kabutihan
1. √
2. x
3. √
4. x
5. √
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like