You are on page 1of 3

Chamber Theater

-Ipinakilala ni Professor Robert S. Breen ang chamber theater noong taong 1947.

-Isa siyang propesor na nagtuturo ng Oral Interpretation sa Northwestern University, Chicago.


-Ang chamber theater ay isang pampanitikang metodolohiya sa entablado kung saan ang isang dula ay
ginagamit at nananatiling tapat sa orihinal na tekstong pinagmulan ng isang dula. Pasalaysay at kasama
ang narasyon o pagsasalaysay sa pagsasagawa ng dula. Ang tagapagsalaysay ay maaaring makilahok sa
mga tauhang gumaganap at ang mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay.
-Ito ay isang dramatikong pagtatanghal ng isang uri ng panitikan sa pamamagitan ng dayalogo o script.
Kadalasang minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng stage props at nagpapahiwatig ng mga
setting. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw ng imahinasyon sa mga kilos
na wari ay binibuksan ang pinto at bintana.

-Ito ay may element ng dula at element ng salaysay.

Mga Elemento ng Dula

 Tema
 Iskrip
 Dayalogo
 Direktor
 Aktor
 Manonood
 Tanghalan
Mga element ng Salaysay

 Paksa/Tema
 Tauhan
 Tagpuan
 Banghay
 Tunggalian
 Kasukdulan
 Wakas

-Tulad ng dula, ito ay naitatanghal at nangangailangan ng mga taga-ganap at isang tagapagsalaysay.


-Ito ay may minimal lamang na tauhan at stage props.

Halimbawa ng stage sa isang chamber theater play.


(Halimbawa ang the Open Window, isang maikling kwento na nailimbag noong November 18, 1911 at
isinadula sa Palakasan 2019)

Mga Sangkap / Elemento ng Chamber Theater


Iskrip o dayalogo– ito ay tumutukoy sa sinasaulong linya ng mga aktres o actor nakalahok sa Chamber
Theater.
Paksa– Ito ang temang nakapaloob sa iskrip.
Aktor / Aktres– Mga taong gumaganap sa Chamber Theater
Tagapagsalaysay– Ang taong inatasan na magsalaysay sa linya ng bawat sitwasyon o pangyayari sa
isinasagawang pagbabasa.

Mga Dapat Taglayin ng isang aktres/ actor ng Teatro


1 .Magandang Tinig – ito ay pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng mga aktor na kalahok sa isang
chamber theater. Malinaw at wastong diin sa salita.
2. Tamang ekspresyon ng mukha
3.Tiwala sa sarili

You might also like