You are on page 1of 1

“Sanhi at Epekto ng pagsusugal”

Sa buhay natin hindi mawawala ang pagka-panalo at pagka-talo. Ang bawat


taya nang tao ay may tagumpay. Maraming pagkakataon ang ating kailangan
upang maging matagumpay. Kung tayo ay magsisikap meron paring pag-asang
makaahon at makabalik sa tamang daloy ng pamumuhay. Ang buhay ay parang
sugal ito ay walang kasiguraduhan.

Ang sugal ay patuloy na nanunuot sa ating lipunan. Maraming Pilipino ang


nakadepende ang kanilang kabuhayan sa pagsusugal. Ito ay bahagi na ng kanilang
pamumuhay. Madaming sanhi ang pagsusugal dahil ito ay nakadepende sa
pangangailangan ng indibidwal. Maaring pang-pinansiyal na suporta o kakulangan
ng pera at hanapbuhay ang mga sanhi nito. Ang katotohanan ay ang mga epekto
ng labis na pagsusugal ay napakalawak at kasama ang sikolohikal at emosyonal
na mga problema na mas mahirap sukatin. Ang mga problemang nauugnay sa
kanila ay kadalasang hindi agad natutukoy. May epekto itong maganda at hindi
maganda. Maaring magka-utang, pagkaubos ng mga naipong pera, paggawa ng
illegal na kilos, insomnia, pagiging adik sa sugal at iba pa.

Hangga't may naghahalo ng mga numero sa anumang paraan para


makuha ang tamang kumbinasyon, mananatili ang pagsusugal sa bokabularyo ng
mga tao.

You might also like