You are on page 1of 19

CHAPTER 1

Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binibuo ito ng mahigit pitong libong pulong nabibilang
sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa
Census of Population and Housing(CPH) na isinasagawa tuwing isang dekada ng Philippine
Statistics Agency(PSA). Ayon sa daos ng CPH noong 2000, may humugit-kumulang 150 wika
at diyalekto sa bansa.

1. Tagalog(5.4 milyong sambahayan)


2. Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano(3.6 milyong sambahayan)
3. Ilocano(1.4 milyong sambahayan)
4. Hiligaynon(1.1 milyong sambahayan)
5. Bikol/Bicol
6. Waray
7. Kapampangan
8. Pangasianan/Panggalatok
9. Maguindanao
10. Tausug

Wika
-mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan
-Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa

Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ay


pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan
ito’y naging language na siya na ring ginamit na katumbas sa Ingles.

Ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong


vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan
sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Paz, Hernandez, at Peneyra(2003:1)


-ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag ta mangayari ang anumang minimithhi o
pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunukasyon na epektibong
nagagamit.

Henry Allan Gleason Jr.


-isang lingguwista at propesor emeritues sa University of Toronto, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura.
Cambridge Dictionary
-ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog,salita at gramatikang
ginagamit sa pagkikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng
gawain.

Charles Darwin
-ang siyentipikong ay naniniwalang ang wiak ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o
pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika
ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.

Likas na kakayahang magsalita tulad na kakayahang natin sa paggakgak ng mga bata. Higit sa
lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito
ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.

Noah Webster
-Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pagsulat o pasalita.

Ang Wikang Pambansa


● 1934
○ Tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang
ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga
umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa subalit
sinasalungat ito ng maka-Ingles.
○ Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat
ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay
sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
ng Pilinas.

● 1935
○ Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nabigay-daan sa probisyong
pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng
1935.
○ Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming
talakayan kung anong wiak ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang
pambansa.
○ Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto
Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian
ng Wikang Pambansa
○ Ang wikang pipiliin ay dapat:
■ Wika ng sentro ng pamahalaan
■ Wika ng sentro ng edukasyon
■ Wika ng sentro ng kalakalan
■ Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan
● 1937
○ Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quzon ang
wikang Tagalog upang maging batayan Wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon

● 1940
○ Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134, nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga
paaralang pampubliko at pribado.

● 1946
○ Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili
ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga
wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt
Bilang 570.

● 1959
○ Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula
Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.

● 1973
○ Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal
noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging
probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3,
blg. 2:

● 1987
○ Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na
binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng
Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Sekyon 6 ang probisyon tungkol sa
wika na nagsasabing
○ Sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay
“nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya.”

Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Virgilio Almario(2014:12)
-Ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon.
-Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pagaaral sa mga eskuwelahan.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7


-”Ukol sa layuninng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikiang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,Ingles. Ang mga wikang pangrehiyon ay
pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang
panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika ay wikang panturo sa mga
paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga
mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Base Multi-Lingual
Education(MTB-MLE).

DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC


-”Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanansa mga unang baitang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo-kultural.”

CHAPTER 2
Monolingguwalismo
-ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isanagagawa sa mga
bansang England,Pransya, South Korea, at Hapon

Bilingguwalismo
Leonard Bloomfield(1935)
-isang Amerikanong lingguwista, ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa
dalawang wika tila ba ang dalwang ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang
ito ni Bloomfiled na maaring mai-kategorya sa tawag na “perpektong bilingguwal”

John Macnamara
-sumalungat kay Leonard, ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,pagsasalita,pagbasa at pagsulat.

Uriel Weinreich(1953)
-isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawnag wika ngang
magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay
bilingguwal.
Balanced bilingual
-ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap dahil karaniwang
nagagamit ng mga bilinggual ang wikang mas naangkop sa sitwasyon at sa taong
kausap.(Cook at Singleton)
-maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang
matatas sa lahat ng pagkakataon.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo


-makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa
bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wukang panturo sa mga paaralan at wikang
opisyal na iiral sa lahtta ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.

Ponciano B. P. Pineda
Ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surain ng Wikang Pambansa sa
pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang
bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education(BNE) bago pa umiral ang
Martial Law.

Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential
Commision to Survey Philippine Education(PCSPE) tungkol sa dapat katayuan ng Pilipino at ng
Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.

Resolusyon Bilang 73-7


- Bilingual instruction, na nagsasaad na “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng
pagtuturo.”

Hunyo 19,1974
-ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad
ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974.
● Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga
wikang Pilipino at Ingles
● Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Filipino (Social Studies/Social
Science, Work Education, Character Education, Health Education at Physical
Education.
● Ingles (Science at Mathematics)

Ducher at Tucker(1977)
-napatunayan nila ang biasa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng
pag-aaral.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya
naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal.

Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon


para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at grades (1-3). Tinawag itong
MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilinggual Education

Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang
Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based-Multilingual
Education(MTB-MLE)
Lingua Franca
-Tagalog
-Kapampangan
-Pangasinense
-Ilokano
-Bikol
-Cebuano
-Hiligaynon
-Waray

Apat na iba pang wikain


-Tausung
-Maguindanaoan
-Meranao
-Chavacano

Mga idinagdag
-Ybanag(Tuguegarao City, Cagayan at Isabela)
-Ivatan(Batanes)
-Sambal(Zambales)
-Aklanon(Aklan,Capiz)
-Kinaray-a(Antique)
-Yakan(Autonomous Region of Muslim Mindanao)
-Surigaonon(Surigao City)

(L1) Maliban sa mga nasabing unang wika


(L2) Filipino
(L3) Ingles

Pangulong Benigno Aquino III


“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the World. Learn
Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.

CHAPTER 3
Homogenous
Ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika
Heterogenous
-Pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang dalik panlipunan tulad ng edad,hanapbuhay o
trabaho, anatas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar. Ipinapakita
ng iba’t ibang salik panlipunang ito ang heterogenous ng wika.

BARAYTI NG WIKA
Dayalek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga taong mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring gumagamit ang mga tao
ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono.

Idyolek
Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring
pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang
paggamit ng wika.

Sosyolek
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan dimesiyong sosyal
ng mga taong gumagamit ng wika. Grupo ng iba’t ibang uri o klasificasyon ng mga mamamayan
● Wika ng mga dukha
● Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
○ Wika ng mga beki o gay lingo
○ Conyospeak
○ Jejemon o jejespeak

1. Churchill para sa sosyal


2. Indiana Jones o nang-indyan o hindi sumipot
3. Bigalou o malaki
4. Givenchy o pahingi
5. Juli Andrews o mahuli

Etnolek
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong group. Ang salitang etnolek ay
nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.
Register
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsaalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Halimbawa
● Mga salitang jejemon
● Mga salitang binabaliktad
● Mga salitang ginagamit sa teks
● Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga doktor

Pidgin at Creole
Ang pidgin ay uusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkainndihan dahil di nila alam ang wika ng isa’t isa.

Creole, tawag sa wika na wikang katutubo ay nahahaluan na ng impluwensya at


bokabularyo ng wikang espanyol. Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o
unang na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin.

CHAPTER 4
Lingua Franca
-Ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan.
Sa Pilipipinas, itinuturing ang Filipino na lingua franca. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng
Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong 1989, napatunayan na:
-92% Filipino
-51% Ingles
-41% Cebuano

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, “Ang Wikang Filipino ay ang katutubong wikang
ginagamit sa Metro Manila, Pambansang Punong Rehiyon, at sentrong urban sa arkipelago, na
ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.”

Durkheim(1985)
-isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang
mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan.

W.P Robinson
-isang lingguwista, ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and Social
Behavior(1972)
1. Pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at
ugnayan.
2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.

Michael Alexander Kirkwood Halliday(M.A.K Halliday)


-isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinabahagi niya sa nakararami ang kanyang
pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa
mundo ng lingguwistika ang pupular niyang modela ng wika, ang systemic functional linguistics.
Marami-rami na rin ang natangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin
nito sa ating buhay, isa na rito si M.A.K Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na
mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Languange(Exploration in
Language Study)(1973)

Instrumental
-Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipagugnayan sa iba. Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin.

Regulatoryo
-May gamit ding regulatori ang wika na nanganaghulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga
ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

Inter-aksiyonal
-Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa,
ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal.

Impormatibo
-ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon, ito naman at may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paarang pasulat
at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis,
panayam at pagtuturo.

Jakobson(2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na parran ng paggamit ng wika.

● Pagpapahayag ng damdamin(Emotive)-saklaw nito ang pagpapahayag ng mga


saloobin,damdamin at emosyon
● Panghihikayat(Conative)-ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap
● Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(Phatic)-ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan
● Paggamit bilang sanggunian(Referential)- ipinakikita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating
ng mensahe at impormasyon.
● Paggamit ng kuro-kuro(Metalingual)-ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay komento sa isang kodigo o batas.
● Patalinghaga(Poetic)-saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

Roman Jakobson
-ay isa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa
mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog sa functions of
language ang kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics.

Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo kung paano ito gamitin

CHAPTER 5
Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat.
● Genesis 2:20-”At pinangalananng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa
himpapawid, at ang bawat ganid sa parang”.
● Genesis 11:1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bibliya(Ang Tore ng Babel)

Ebolusyon
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang maga tao ay
nagkakaroon ng mas sopistikadong pagiisip. Umunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng
mga bagay na kakailanganin nila upang mabuhay.

1. Teoryang Bow-wow
-Nagkaroon ng wika ang tao dahil ginagaya nila ang tunog na nilikha ng mga hayop.
2. Teoryang Ding-dong
-Ginagaya ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid.
3. Teoryang Pooh-pooh
-ang tao ay nakalikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin
4. Teoryang Yo-he-yo
-Nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang
nagtratrabaho
5. Teoryang Ta-ta
-Ayon sa teoryang ito, ang kampas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila
6. Teoryang Yum-yum
-Ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay
nakakaya niyang gumawa ng tunog mula sa kanyang labi.
7. Teoryang Ma-ma
-Nagmula ang wika sa mga pinakamadaling pantig ng pinakamahalang bagay.
8. Teoryang Coo-coo
-Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng sanggol.
9. Teoryang Babble Lucky
-Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
10. Teoryang Sing-song
-Iminungkahi ng linguwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, pangliligaw sa iba at iba pang mga bulalas-emosyunal.
11. Teoryang Hey you!
-Iminungkahi ng linguwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao sa wika.
12. Teoryang Yoo he yo
-Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond(2003) na ang tao ay natututong
magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
13. Teoryang Hocus Pocus
-Ayon kay Boeree(2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Panahon ng mga Katutubo
Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropologo kung paano
umusbong o saan nagmula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas.
1. Teorya ng Pandarayuhan

-Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry
Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Dr. Henry Otley Beyer
na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas.
● Negrito
● Indones
● Malay
Napabulaanan ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng
Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng isang
bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

Ang natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa Pilipinas ang
tao kaysa sa Malaysia na sinasabing siyang pinanggalingan ng mga Pilipino.

Tinatawag na Taong Tabon(Tabon Man) ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinataynag
nanirahan ang mga unang tabon ito sa yungib ng Tabon may 50,000 taon na nakararaan.
Kasama sa mga nahukay na labi ng Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz,
isang uri ng quartz gayundin ang mga buto ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang
mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran.

Pinatunayan din nina Felipa Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National
Museum na ang bungong natagpuan ay kumaktawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas.

Ayon din sa kanilang ginwang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong
Peking(Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java(Java
Man) na kabilang sa Homo Erectus.
Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto
ng paang sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan.
Tinawag itong Taong Callao(Callao Man) sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang
nakalilipas.

2. Teorya ng Pandarahuyan Mula sa Rehiyong Austronesyano

-Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian.


Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang “south wind” at
nesos na ng ibig sabihin ay “isla”.

May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay
Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang mga Austronesian ay
nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng
kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng
rehiyon.

Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang mga Austronesian ay
nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.

Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito, isa lang ang tiyak na ang mga Pilipino ay isa sa
mga pinakaunang Austronesian. Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang
unang nakatuklas ng bankang may katig. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago ang
pamamaraan ng paglalayag ng mga Pilipinong siyang naging dahilan upang kumalat ang lahing
Austronesian sa iba’t ibang panig ng daigdig tulad ng
● Timog-Silangang Asya
● Australia
● New Zealand
● Timog Africa
● Timog Amerika
Ang mga Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice
terracing na tulad ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue. Naniniwala rin ang lahing ito sa
mga anitong naglalakbay sa kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa mga patay sa isang
banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.

May sinusunod silang pamamaraa ng pagsulat na tinatawag na baybayin. May mga


ebidensiyang magpapatunay sa paggamit ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang
● -biyas ng kawayan
● -dahon ng palaspas
● -balat ng punongkahoy
● -dulo ng matutulis na bakal(lanseta)
sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Pinatunayan ito ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang Relacion de las
Islas Filipinas(1604).

Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog
na mga mananakop na Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng diyablo.
Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal iyon sa
pagpapalaganap nila ng pananamplatayang Katoliko.

Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik(17)- tatlong patinig at apat na katinig.


Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/. Kung ang patinig ay bibigkasin
ng may kasamang patinig na /e/o/i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samanatalang tuldok
sa ibaba naman kung nais isama ay /o/o/u/.

Ang baybayin ay gumagamit ng dalawing guhit na pahilis(//) sa hulihan ng pangungusap.

Panahon ng mga Espanyol

Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Ayon sa mga
Espanyol, nasa kalagayang “ barbariko, di sibilisado, at pagano” ang mga katutubo kung kaya’t
dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga tio sa pamamagitan ng kanilang
pananampalataya.

Ngunit naging malaking usapin ang wikang gagamitn sa pagpapalawak ng Kristiyanismo.


Naniniwala ang mga Espanyol noong panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng
katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.

Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalaganap ng


Kristiyanismo. Ang mga prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino.
Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng mga
pamayanan.

Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa pat na orden ng misyonerong Espanyol na pagkaraa’y


naging lima.
● Agustino
● Pransiskano
● Dominiko
● Heswita
● Rekoleto

Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo, mayroon na ang mga itong sariling wikan
ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipagkalakalan, ngunit pinigil nila. Sa loob ng maraming
taon, sinikil nila ang kalayaan ng mga katutubong makikipagkalakalan sa ibang lugar upang
hindi na rin nila magamit ang wikang katutubo. Kahit inalis ang restriksiyong iyon, hindi pa rin
nila magawa ang pag-alis-alis at paglipat-lipat ng bayan dahil sa takot sa prayle, more at
maging sa mga tulisan.

Upang maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong


Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nakita nilang mas madaling
matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang
sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung
ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.

Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika,


katekismo at mga kumpesyonal para sa mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika.

Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit naman ito nasunod.
Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
Sina Carlos I at Felipe II naman ay naniniwalang kailangan maging bilingguwal ng mga
Pilipino.

Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.

Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong Marso 2, 1634. Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos II ay
lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya
ng parusa sa mga hindi susunod dito.

Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda saisa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaraalang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik dahil sa pananakop ng mga
Espanyol, namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito ,
maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo.

Nagkaroon din ng kilusan ang mga propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang
wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.

Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “Isang Bansa,
Isang Diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga
sanaysay, tula,kuwento, liham at mga talumpating punumpuno ng damdaming makabayan.

Jose Rizal
-ay naniniwala na ang wika ay malaking bagay upang mapagbuklod ang kanyang kababayan.
● Noli Me Tangere
-ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng
Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at
ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko
● La Solidaridad
-opisyal na pahayagan noong panahon ng himagsikan.
● El Filibusterismo
-inaalay sa tatlong martir na pari , lalong kilala na GomBurZa o Gomez, Burgos at
Zamora.

Masasabing ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino ay nang pagtibayin ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyal na wika ang Tagakig bagama’t
walang isinasaad na ito ang magiging wikang pambansa ng Republika.

Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo, isinaad sa


Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal. Sa mga nangangailangan
lamang ng wikang Tagalog ito gagamitin, ang papamayani ng mga ilustrado sa asembleyang
konstitusyonal ang naging pangunahing dahilan nito.

CHAPTER 6
Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang lagdaan ni Pangulong Sergio Osmena ang
isang proklamasyong nakasulat sa Ingles noong Marso 26, 1946 na may pamagat
“Designating the Period form March 27 to April 2 of Each Year ‘National Language
Week.’”

Isinasaad na naturang Proklamasyon Blg. 25 na ang panahon mula Marso 25 hanggang Abril
2, taon-taon ay magiging “Linggo ng Wika” bilan pagsunod sa Batas Komonwelt Blg. 570 na
nagsasaad na kailangan gumawa ag gobyerno ng mga nararapat na hakbang tungo sa
pagsulong wikang pambansa.
Saklaw ng petsa ng Linggo ng Wika ang pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar, isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino. Noong ika-26 ng Marso, 1954 naglabas ng
Proklamasyon Blg. 12 ang Pangulong Ramon Magsaysay na may pamagat na
“Nagpapahayag na Linggo ng Wikang Pambansa ang Panahong Sapul sa ika-29 ng Marso
Hanggang Ika-4 ng Abril Bawat Taon.” Nakasulat ang proklamasyon sa wikang Pilipino

Panahon ng mga Amerikano

Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikanong sa


pamumuno ni Almirante Dewey.
Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa
edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika 21- ng Marso,
1901 na nagtatag ng mga paaaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing
panturo.
Hindi naging madali paraa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-aaral sa
ikauunawa nila ng tinatawag na tatlong R( Reading, wRiting at aRithmetic). Hindi maiwasan
ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral.

Naging dagilan uto upang ang Superindente Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng
rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.
Pinagtibay nmana ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng
mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol.

Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at
Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral. Nag sumunod na taon may ipinakilalang
bill sa Asembleya na nagmumungkahi sa paggamit ng mga diyalekyo sa pambayang paaralan
ngunit ito ay hindi napagtibay.

Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular at tanging Ingles lamang gamitin nang mapalitan ang
direktor ng Kawanihan ng Edukasyon.

Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumnod ang grupong kinilala sa tawag na
Thomasites.

Noong taong 1931, ang Bise Gobernador-Heneral George Butte na siyang Kalihim ng
Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular
sa pagtuturo sa unang apay na taong pag-aaral. Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging
wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wikang tahanan.
Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw.

Henry Jones Ford, iniulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng
milyon-milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mabisang mapalitan
nito ang Espanyol ay mga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles ay sinasalita ay
kay hirap makilala na Ingles na nga.”

Ganito rin ang obsebasyon nina Propersor Nelson at Dean Fansler(1923) na maging ang
mga kumukuha ng mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.

Sa sarbey na ginawa nina Nejeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commission na


pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga
kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi malilimutan paglabas nila ng
paaralan.
Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925
Monroe Survey Commision. Sa kadahilanang maraming bata ang humihinto sa pagaaral sa
loob ng limang tao. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipino
noong 1933-1935, ang sistemang Amerikano ng edukasyonn ngunit tinanggap din niyang
wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag hindi kailangna mag-Ingles.
Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal, naging pagksa ang pagpili sa wikang
pambanda. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na
maging wikang pambansa.

Ang panukala at sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng


Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo XIV,
Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa
noong Nobyembre 13, 1936.

Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntuning magiging batayan sa


papili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang
gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.

Panahon ng mga Hapones

Sa panahong ito ipinatupad nila nag Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal
nna wika ang Tagalog at ang wikang Hapones(Nihonggo). Upang maitaguyod din ang
patakarang militar ng mga Hapones pati na rin ang propagandang pangkultura, itinatag ang
tinatawag na Philippine Executive Commision na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad
ang komisyong ito ng pangkalahatang kautusn buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces
sa Pilipinas.

Ang mga nasipagtapos ay binibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa
wikang Nihonggo. Ang katibayan ay may tatlong uri
● Junior
● Intermediate
● Senior
Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas. Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng
kapisanang ito. Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito.

Noong panahon ng mga Hapones naging masigla ang talaayan tungkol sa wika. May tatlong
pangkat
● Pangkat ni Carlos Ronquillo
● Pangkat Lope K. Santos
● Pangkat ni N. Sevilla at G.E Tolentino
Bagama’t malilit na bagay lamang ang kanilang mga di napagkakasundan ay tumawag ito ng
pansin.

Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng
Wikabg Pambansa noong panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa
mga Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa
siya ng kanyang tinawag na “A Shortcut to the National Language.” Iba’t iabng pormularyo
ang kanyang ginawa upang lubos na matutuhan ang wika.

Panahon ng Pagsasarili hanggang Kasalukuyan

Ito ang panahon ng Liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4
1946.Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570

Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan.Dahil bumabangon pa lamang


ang Pilipinas nang mga panahong iyon,sumentro sa mga gawaing Pang ekonomiya ang mga
Pilipino. Naramdaman pa rin ang impulwensiyang Pang ekonomiko at panlipunan ng mga
Amerikano.

Noong Agusto 13 ,1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog,ito ay
naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B.
Romero ang dating kalihim ng edukasyon.Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at
nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos
ay ipalimbag na sa wikang Pilipino. Noong 1963,ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa
titik nitong Pilipino.Ito ay Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 s. 1963 na nilagdaan ni
Pangulong Diosdado Macapagal.

Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas,iniutos niya, sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s. 1967, na ang lahat ng epidisyo,gusali at tanggapan
ay pangalanan sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kahilim Tagapagpaganap Rafael Salas ang
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nagutos na ang mga ulong-liham ng mga
tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino.Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.

Ipinagutos din na ang pomularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng


pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.Ang Memorandum Sirkular Blg 199 (1968) naman ay nag
tatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaang dumalo sa mga seminar sa Pilipinong
pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok lingguwistika ng
kapuluan.

Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg
187 na na nag-uutos sa lahat ng kagawaran ,kawanihan,tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaang gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maari sa Lingo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon.

Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim
Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s.1974 ng mga
panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.

Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng
bagong batas ang Constitutional Commision. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang
kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong
Aquino isinulong ang paggamit ng wikang Filipino. Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang
Batas 1987.

Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg 13-39 ay nagkasundo ang
kapuluan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino; Ang Filipino ay ang katutubong
wika na ginagamit ng buong Pilipinas bilang wika sa buong kapuluan.Sapagkat isang wikang
buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook
at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa
paaraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing
katagian at kailangang karunungan mula sa katutubong wika ng bansa.

You might also like