Professional Documents
Culture Documents
Pest
Pest
Ninuno
I spend my wellness break with cleaning,i clean our house also cleanse my mind
because of negativity so that my mind even my environment is fresh
When I hear the word administration, the first thing that comes to mind is
administration related to running a specific project or activity, how they manage
or supervise its execution.
COMMENT SA SOSYALIDAD
P-Hindi na talaga mawawala ang pagkakaroon nang negatibong pagtingin sa
pulitika.Una na rito ay ang pagbanggit sa bidyo ang salitang pami-pamilya ,hindi
maiiwasan na hindi ko ito iugnay sa isang kilalang pamilya na patuloy na
nanunungkulan sa isang bayan,meron pa ngang tanong maliban sa isa itong political
dynasty ,ito rin ba ay isang family business dahil labing pitong miyembro ang may
posisyon sa pamahalaan hindi tuloy maiwasan na magtanong kung ang pagtakbo ba nila
ay para sa bayan o para sa kapangyarihan at sariling kapakanan.Pangalawa ay ang
hindi pagtupad sa mga binitawang pangako noong panahon ng kampanya na madalas ay
puno ng mga mabubulaklak na salita na nagbibigay sa ating sarili ng pag-asa.
Mahalagang matalakay ang ganitong usapin sa kadahilanang ito ay kaakibat sa
kasalukuyang kinakaharap pa rin natin na suliraning panlipunan, nababalutan pa rin
ang katiwalian sa loob ng gobyerno, isang hadlang naman sa pagalam ng mga
nangyayari sa lipunan ay ang patuloy na pagiging mang-mang, nananatili tayong bulag
sa tunay na itsura ng lipunan. Isa lang ang payo ng karamihan, magparehistro at
pagaralan ang kalakaran ng mga kandidato, ilaban ang karapatan na
taglay upang makagawa ng pagbabago. Nagsisimula mismo sa ating sarili ang
pagbabago, mabuting ipalaganap ang malinaw na kaisipan, matibay na paniniwala sa
katotohanan.
L- Batas,kailan nga ba tama sundin and batas at bakit mali ang hindi sumunod
dito.Ang batas ay siyang nagiging balanse upang hindi maging magulo ang mundo
ngunit minsan ang batas rin ang ginagamit upang ang buhay ng isang tao ay maging
magulo,halimbawa na lamang nito ay ang mga mayayaman na nangangamkam ng lupa sa mga
mahihirap na magsasaka. Madalas ang batas ay hindi parehas kung ang usapin ay batay
sa antas ng pamumuhay ,kung kaya't mahalagang malaman natin at ating iensayo ang
ating karapatan bilang tao,mag-aaral,at indibidwal ng lipunan.