You are on page 1of 2

SANAYSAY

(Tungkol sa Pakikipagpanayam ko sa aking Lola)

“Lingguwistikong komunidad ito ang nagsisilbing tatak at simbolismo


ng ating kultura at komunidad”. Isa din ito sa mga pinakamahalagang
bahagi ng kultura at kasaysayan ng isang lugar ang wika. Mahalaga ang
ginagampanan ng wika sa komunidad sapagkat dahil sa wika ay
nagkakaunawaan ang bawat isa sa pagkakaisa at pagtutulungan din sa isang
komunidad nalalagpasan ng bawat tao ang kanilang sariling interest at sa
komunidad din nalinang ang wikang ipinaglaban.

Sa pakikipagpanayam ko sa aking lola maraming akong nakuhang


mga impormasyon tungkol sa kanilang buhay at sa mga nararanasan nila sa
buhay. Sabi ng lola ko nakatira sila dito sa Sapad, Lanao del Norte ay
mahigit 50 years na at ang kanilang trabaho ay magsasaka lamang. Ang
mga magsasaka sila yung nagpoporsige para tayo’y mabigyan ng makakain
sa araw-araw. Pagkatapos sabi din ng aking lola na ang ginagamit nila na
wika sa Sapad, Lanao del Norte ay Bisaya kasi ito raw ang nakasanayan
nila at para nadin daw ra magkakaintindihan sila lahat sa anumang dapat
nilang ipahiwatig sa isa’t-isa. Bagama’t, tinanong ko nadin ang aking lola
na “Bago sila dumating dito sa Lanao, saan sila nakatira dati “sabi niya sa
Negros Occidental daw at nakatira sila doon ay matagal na at ang kanilang
trabaho doon ay magsasaka lamang tulad ng trabaho nila sa Lanao,
nabanggit din niya na may bodega o tindahan na naglalaman na mga bigas
nagtitinda daw sila ng mga bigas doon. Pagkatapos ang ginagamit din nil
ana lingguwahe ay para sila’y nagkaintindihan ay Bisaya at Ilonggo,
nagbigay din siya nang isang salita gamit ang Wikang Ilonggo. Ito ang
kaniyang binigay sa halimbawa “Diin ka makadto” yan ang salitang pang
Ilonggo at ang ibig sabihin niyan sa Bisaya ay “Asa ka moadto” at sa
tagalog naman ay “saan ka pupunta” at nabanggit din ng lola kona dapat
ang wika ay ito’y pahalagahan dahil isa ito sa ating kayamanan na mayroon
tayo didto sa mundo.

Ang pagpapanayam sa ating pamilya, kaibigan o sa mga kakilala natin


o hindi man ay sobrang importante para malaman din natin kung ano ang
kwento ng kanilang buhay at sa aking pakikipagpanayam sa aking lola ay
marami akong nakuhang impormasyon na hindi kopa nalalaman. At
mayroon din akong nakuhang aral sa mga sagot ni lola, saan man tayo
nakatira o ilang beses man tayo naglipat-lipat ng bahay/lugar ang
importante ay buo tayo at higit sa lahat ay nagkaisa tayo sa anumang bagay
na ating hinaharap dahil nga ang lingguwistiko ay tumutukoy sa pag-aaral
ng isang wika ng isang partikular na komunidad o lahi. Kaya nga ang
lingguwistikong komunidad ay ang nagsisilbing tatak at simbolismo sa
ating buhay.

You might also like