You are on page 1of 1

Sa hang̃ad na ang mg̃a librong NOLI ME TANGERE at

FILIBUSTERISMO, na kinatha ng̃Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang

magaling ng̃catagalugan, ang mg̃a doo'y sinasabing nagpapakilala ng̃tunay

nating calayaan at ng̃ dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán ng̃

ning̃as ng̃ ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong

ipalimbag ang isinawikang tagalog na mg̃a librong yaon, sa dahilang sa bilang

na sampòng MILLONG (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay

walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos ng̃ wicang castila na

guinamit sa mg̃a kinathang yaón.

Cung pakinabang̃an ng̃aking mg̃a calahi itong wagás cong adhica, walang

cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y

nacapaglicod acó sa Inang-Bayan.

Maynila, unang araw ng̃Junio ng̃taong isang libo siyam na raan at siyam.

SATURNINA RIZAL NI HIDALGO,

NENE

You might also like