Professional Documents
Culture Documents
Buod
Buod
Ang huling pelikula na nakita ko ay ang Four Sister’s and A Wedding na tungkol sa isang
pamilya. Sa pamilyang Salazar may apat na babaeng magkakapatid na naghahanda ng handog
para kay Hesus sa pagsapit ng Pasko. Ang mag apat na babaeng magkakapatid ay humuhiling ng
isang baby brother ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at
maturing nila itong bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso nilang
kapatid na si CJ. Napakalapit nila sa isa’t isa at sa pag lipas ng mga taon ang limang
magkakapatid ay may mga kanya kanya ng trabaho at mga sarili ng desisyon.
Si Teddie ang panganay sa limang magkakapatid na isang guro sa Espanya na nasama sa mga
gurong nawalan ng trabaho kung kaya’t napilitang mamasukan bilang kasambahay. Ikinahiya
niya ang kaniyang naging trabaho at inilihim ito sa pamilya niya. Si Bobbie naman ay nang dahil
sa pagkakawalay sa kanilang ama ay napilitan si Bobbie na mangibang-bansa upang magtrabaho
at matulungan ang kaniyang pamilya sa mga gastusin kung saan tiniis nito ang lumbay ng
pagiging mag-isa. Sa kabilang dako, si Alex ay isang aktres na gustong-gusto ang kanyang
ginagawa. Sa kabila ng maliit na sahod na kinikita kada taping ay pinagpatuloy ni Alex kung ano
ang hilig niyang gawin. Sumunod naman si Gabbie na siyang isang guro sa paaralan dito sa
Pilipinas. Siya ang naninirahan kasama ang kanilang nanay at siyang nag-aalaga rito. Kasama rin
nila sa bahay ang bunsong si CJ, isang makulit ngunit mapagmahal na anak at kapatid.