You are on page 1of 11

1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Pagkakaroon ng identidad…paghahangad ng kaisahan…pagpapaunlad

ng bayan…ito ang pangkaraniwang nilalayon ng isang tao sa paggamit ng

isang wika na makatutulong sa kanya upang magkaroon ng malayang

pakikipagtalastasan at pagkakaunawan.

Sa larangan ng edukasyon, iisa ang layunin ng bawat guro, ang

maihatid nang maayos at malinaw ang lahat ng kaalaman na nais niyang

maibahagi sa kanyang mag-aaral sa anumang asignaturang kanyang

itinuturo. Subalit paano nga ba maihahatid ang mga kaalamang ito kung ang

pag-unawa ay kulang? Paano magkakaroon ng malayang

pakikipagtalastasan kung may balakid sa kanilang pagsasalita?

Sa ganitong pagkakataon kinakailangang maging mapamaraan ang

isang guro. Abutin ang lebel ng mga mag-aaral at akayin ang mga ito

patungo sa malalim na pagkaunawa at pagkatuto. Kailangang alamin ang

kanilang kahinaan at kalakasan upang maging matagumpay ang

pagkakamit ng parehong layunin.

Ang Pilipinas ay may sariling wikang Filipino subalit dulot na rin

marahil nang matagal at maraming dayuhang sumakop sa ating bansa ang

pagkakaroon natin ng iba‟t ibang wikang ginagamit. Ang mga ito ay bahagi na
2

talaga ng ating pamumuhay at pakikipagtalastasan. “Colonial Mentality”

kaisipang nakaangkla sa turo at epekto ng kanilang pananakop. Isa ang

“Modernisasyon” sa masasabing dahilan ng paghahalo ng dalawang wika

para makasabay sa kasalukuyang daloy ng komunikasyon. Kung kaya ang

paggamit ng puro at malalalim na salitang Filipino ay unti-unti na ring

nakakaligtaan.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang paggamit ng Wikang

Tagalog sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino tungo sa epektibong

pagkatuto ng mga mag-aaral sa Grade 7 ng Looc Calamba City.

Kaligiran ng Pananaliksik

“Paunlarin mo ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang

mapangalagaan ang sariling kaisipan at sa halip na magkaroon ng kaisipang

nayuyungyungan ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang malaya. Hindi dapat

pairalin ang kaisipang kolonyal, sa pamamagitan ng pambansang wika ay

mapangangalagaan ang kaisipang malaya at naiiwasan ang isipang

nanganganino sa wikang banyaga” Dr. Jose P. Rizal.

Ayon kay Dr. Ponciano B.P. Pineda dating Punong Komisyoner ng

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) “ang wika‟y yumayaman lamang kapag

ginagamit. Ang wikang Filipino, kung gagamitin ng sambayanan, lalo na sa

mga di-katagalugan sa encouragement ng kinauukulan ay kusa at natural na

yayaman at lalakas at magiging makapangyarihan”. Napatunayan na ito at


3

nananalig ang mamamayang Pilipino sa kakayahan na maitataguyod ang

pambansang kaunlaran tungo sa layuning pagpapayabong na rin ng ating

pambansang wika, ang wikang Filipino.

Kung sa nakaraan na mga henerasyon,masasabing hindi masyadong

malaki ang agwat sa pakikipagtalastasan. Subalit sa mabilis na pagbabago

ng panahon tila nagbabago na rin ang paraan ng pakikipagtalastasan ng mga

kabataan ngayon.

Ang bilinggwalismo ay matagal nang nakaugat sa karanasan ng mga

Pilipino. Bukod sa 170-192 lokal na buhay na lenggwahe , itinuturing na isa

sa pinakamatagumpay na linggwistik na pangyayari ang pagkatuto ng Ingles

ng mga Pilipino mula nang dumating ang mga Amerikano noong 1898. Dahil

sa pagtatakda na dapat Ingles lamang ang ginagamit sa paaralan (may

parusa kapag hindi ito ang ginamit) at paggamit ng Ingles sa mga dominyo ng

kapangyarihan (gobyerno, edukasyon, mass media, agham at teknolohiya,

mga propesyon, pakikipagkalakalan, ugnayang pangdaigdigan), naging

“functionally native” ang mga Pilipino sa Ingles.

Datapwa‟t, mahalaga ring tukuying ang bilinggwalismo sa polisiya at

gawi ng mga Pilipino ay nagkaroon ng/mayroong iba‟t ibang porma, lalo na sa

edukasyon, mula sa Ingles bilang natatanging wikang panturo (dekada „40-

„50), hanggang sa pagtuturo ng partikular na asignatura (Agham at

Matematika) sa Ingles at partikular na paksa sa Filipino (Agham Panlipunan).

Hindi rin ganap na naisakatuparan at isinasakatuparan ang mga polisiya .


4

Kahit na nakasaad sa Konstitusyon ng 1987 na ang Filipino ang pambansang

wika, habang Filipino at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas, ayon kay

Gonzales (2003), hindi naman nalilinang ang Filipino para sa mga layuning

pangkatalinuhan.

Ang pagkatuto ay makakamit lamang kung may lubos na pagkaunawa

sa paksang tinalakay at pinag-aralan. Sa panig ng guro sa paanong paraan

mo ba gustong maunawaan at matuto ang iyong mga mag-aaral? Sa anong

wika ba ang sa palagay mo‟y higit na magiging epektibo at malaya ang

pakikipagtalastasan?

Sinasabing ang wikang Tagalog ay isa sa nangungunang 40 wika na

maraming nagsasalita. Sa katunayan, mayroong 24 na milyong tao sa buong

mundo ang gumagamit ng Tagalog bilang kanilang pangunahing wika at 60

milyon naman ang gumagamit nito bilang kanilang pangalawang wika.

Ayon na kay Nolasco (2010) isa sa pangunahing dahilan ng paglaki ng

drop-out rate sa elementarya ay ang hndi pagkakaintindi ng mga mag-aaral

sa kanilang guro. Sa cognitive aspect ng mental development ng mga bata

hirap sila sa pag-intindi sa Ingles kung sila ay pinalaki sa wikang Tagalog.

Gayundin lalo itong mas magiging mahirap sa mga di-Tagalog ang unang

lenggwahe.

Dahil sa suliraning ito tinangka ng mananaliksik na alamin ang

kalaghayan ng paggamit ng Wikang Tagalog sa pagtuturo ng asignaturang


5

Filipino tungo sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Grade 7 ng

Looc National High School Calamba City.

Batayang Teoretikal

Ayon kay Reevesz, isang propesor sa Amsterdam, Germany ang

“Teorya ng Pakikisalamuha” ay ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang

wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang

wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa

kaniyang kapwa.

Malinaw na isinasaad sa teorya ng pakikisalamuha ni Reevesz na ang

pinakamahalagang gamit at layunin ng wika ay ang pakikisalamuha. At sa

ating pakikisalamuha sa loob o labas man ng paaralan dito tayo makakakuha

nang mas malawak na impormasyon at nakapagbabahagi nang mas

maraming opinyon. Ang silid-aralan ay isa lamang napakaliit na lugar kung

tutuusin pero mula sa maliit na ito manggagaling ang isang mahusay at

aktibong mamamayan gamit ang wikang kanyang kinasanayan.

Sa kasalukuyang panahon, walang pinipiling edad ang pakikisalamuha

natin sa ating kapwa. At dito makikita agad kung anong lahi o saang lugar

siya nagmula. Minsan pa nga maging ang ugali at pagkatao ay masasalamin

na rin sa kanyang pananalita.

Tunay na mahalaga ang wika sa ating pakikipagtalastasan at sa kabila

ng ating pagkakaiba-iba, dito tayo makikilala at ito rin ang magiging sandata
6

ng bawat isa sa kanilang pag-unlad sa buhay. Ito ay dapat magsimula sa

paaralan sa gabay ng mga guro gayundin ang mga magulang.

Batayang Konseptwal

Nakapag-iisang Baryabol Di nakapag-iisang Baryabol


Profayl ng mga tagasagot

 Kasarian
 Edad
 Wikang gamit sa
Tahanan
 Natapos ng Magulang

Salik Pangguro

1. Pamamaraan sa
Pagtuturo
Marka ng mga mag-aaral sa
 Talakayan
Filipino (Ikalawang Markahan)
 Pag-uulat
 Pangkatang
gawain

2. Kagamitan

 Sipi ng
kwento/akda
 Biswal eyds
 Multi-media

Figyur 1. Paradima ng Pag-aaral.

Makikita sa Figyur 1 ang nakapag-iisang baryabol na kinapapalooban ng

mga profayl ng tagasagot at salik pangguro samantala sa di-nakapag-iisang

baryabol ay ang marka ng mga mag-aaral sa Filipino sa Ikalawang Markahan


7

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglayong alamin ang paggamit ng Wikang

Tagalog sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino tungo sa epektibong pagkatuto

ng mga mag-aaral sa Grade 7 ng Looc National High School Calamba City.

Sa pag-aaral na ito ay binigyang katugunan ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral hinggil sa:

1.1 kasarian

1.2 edad

1.3 wika sa tahanan

1.4 natapos ng magulang?

2. Ano ang salik pangguro hinggil sa pamamaraan ng pagtuturo ayon

sa talakayan, pag-uulat at pangkatang gawain?

3. Ano ang salik pangguro hinggil sa kagamitan sa pagtuturo tulad ng

sipi ng kwento/akda biswal eyds at multi-media?

4. Ano ang marka ng mga mag-aaral sa Grade 7 sa asignaturang

Filipino sa ikalawang markahan?

5. Ang profayl ba ng tagasagot at salik pangguro ay may kaugnayan sa

kanilang marka sa asignaturang Filipino?

6. Epektibong pagkatuto ba ang nakamit ng mga mag-aaral ng Grade 7

ng Looc National High School Calamba City gamit ang Wikang Taga- log sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino?


8

Haypotesis

Ang profayl at salik pangguro ay walang kaugnayan sa marka ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tutugon sa ilang suliraning kinakaharap ng

mga guro at mag-aaral upang malaman ang paggamit ng wikang Tagalog sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino tungo sa epektibong pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Grade 7 ng Looc National High School Calamba City.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Sa makabagong kurikulum ng edukasyon, malaking bahagi

ng marka ay mula sa partisipasyon sa klase. Upang makamit ang inaasahang

marka kailangang maibahagi nila ang kanilang mga opinyon at saloobin na

may kinalaman sa paksang pinag-aaralan nang walang balakid sa kanilang

pagsasalita o pagpapahayag. Ang pagkakaroon ng kalayaan na gamitin ang

wika kung saan sila kumportable upang makasali sa talakayan sa klase ay

malaking tulong sa pagkamit nang maayos na marka.

Guro. Lahat ng guro ay nagnanais na maibahagi ang kanilang

kaalaman sa mga mag-aaral. Upang magkaroon ng isang buhay at masiglang

talakayan sa loob ng silid-aralan kailangang mabatid niya ang angkop at

epektibong wika na kanyang gagamitin para sa mas mabilis at matagumpay

na pagtuturo.
9

Magulang. Bawat magulang ay may malaking bahagi rin sa pagkatuto

ng kanilang mga anak kung kaya sa tahanan pa lamang ay dapat nababatid

at nagagabayan na nila ang kanilang mga anak sa wikang angkop at dapat

gamitin sa iba‟t ibang asignatura. Kailangang maging modelo o huwaran din

sila sa paraan ng kanilang pagsasalita at pakikipag-usap sa iba pang

miyembro ng pamilya upang sa gayon ay mamulat ang kanilang mga anak na

nag-aaral kung paano,kailan at saan dapat gamitin ang wikang kanilang

nalalaman.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang paggamit ng Wikang Tagalog sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino tungo sa epektibong pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Grade 7 ng Looc National High School.

Ang mga mag-aaral na ginamit bilang tagasagot sa pag-aaral na ito ay

may kabuuang dalawandaan at limampo (250) na pinili sa pamamagitan ng

purposive sampling sapagkat ang mga mag-aaral na pinili ay anim na

seksyon lamang sa kabuuang siyam na seksyon na pawang tinuturuan ng

mananaliksik. Gayundin, ang mga mag-aaral na piniling tagasagot ay

nagmula sa ibang lugar at mayroong ibang wikang ginagamit sa tahanan

maliban sa wikang Tagalog.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Para sa lubos na pagkaunawa sa pag-aaral na ito, sinikap ng manana-


10

liksik na bigyang kahulugang operasyonal at konseptwal ang mga

mahahalagang salitang ginamit dito.

Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay hango sa pamilya ng Malayo-

Polynesian na nagmula sa mga kawikaan sa Timog-Silangang Asya gaya ng

Indonesia. Ang wikang Filipino ay kabilang sa sub-pamilyang Malay bilang

sangay na Tagala.

Tagalog. Ang Tagalog naman ay isa sa pangunahing wikang katutubo

sa Pilipinas. Ang mga Pilipino noon ay may sarili ng alpabeto at sistema ng

pagsulat na kilala sa tawag na “baybayin”.

Ang Tagalog ay kinilala lamang bilang isang uri ng katutubong salita o

dayalekto. Subalit sa ibang bansa ang Tagalog ay mas kilala bilang wikang

pambansa ng Pilipinas at ikinasasama ito ng loob ng mga hindi Tagalog.

Taglish o Engalog. Ang Taglish o Engalog ay isang uri ng wika na

nagmula sa Maynila mula sa mga wikang Ingles at Tagalog , ang mga opisyal

na wika sa Pilipinas. Dito nagmula ang Coño English, Jejenese,

at Swardspeak.

Bilinggwal. Mga indibidwal na gumagamit ng dalawa o higit pang

lenggwahe (o mga diyalekto) sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at

pakikisalamuha sa kanilang kapwa.

Bilingguwalismo. Isang penomenong pangwika na tahasan at puspu-

sang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang


11

malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paanong ang lipunan ay

nakapag-aambag sa debelopment ng wika.

Komunikasyon o Pakikipagtalastasan. Isang proseso ng pagpapalit

an ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng

karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling

pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang

komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa.

Wika. Ang wika ay kabuuan ng mga kataga, salita, parirala, sugnay o

mga pangungusap na maaaring taglay na kahulugan at nagiging

makahulugan sa lahat ng pagkakataon. Ito ay kasangkapan ng tao sa

pakikipaglatastasan, pakikipagpalitang-kuro, damdamin at paraan ng

pakikipag-unawaan sa pamamagitan ng balita, tudling at pahayag sa

anumang saklaw sa lipunan maging sa kaliit-liitang pamayanan, bayan,

bansa o sandaigdigan man.

Dayalekto. Iba‟t ibang wika o lenggwahe na ginagamit ng mga taong

nagsasalita ayon sa lugar at grupo na kinabibilangan

Pamamaraan sa Pagtuturo. Pagkakaroon ng kahandaan at katalasan

ng isip sa pagbibigay kaalaman sa tinuturuan tumutukoy rin ito sa iba‟t ibang

istilo o gawain ng guro upang maging epektibo ang pagtuturo.

Kagamitan sa Pagtuturo. Tumutukoy sa mga materyal na inihahanda at

ginagamit ng guro upang maging mabisa at epektibo ang kanyang pagtuturo.

You might also like