You are on page 1of 1

Sa ating masigasig na ulong guro, _______________________________, sa ating

masisipag at mahuhusay na mga guro nk KES, sa ating mga estudyante, mga


panauhin, at sa lahat ng naririto, isang marubdob na pagbati ng isang mapagpalayang
umaga!

Muli na naman nating ipinagdidiriwang ang Buwan ng Wika sa buwan ng Agosto


kasabay ng temang: Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Ang isang bansa ay may 5 katangian. Ito-ito ay ang Lahi, Kultura, Pamahalaan,
Kasaysayan at Wika.

Ang wika o lengguwahe ay dala ng mayaman na kasaysayan at isla-islang heograpiya


ng bansa. Ito ay parte ng ating pagkakakilanlan at nagbibigay depinisyon sa ating
pagkapilipino. Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, ang Pilipinas dulot ng isla-
isla nitong heograpiya, ay may 186 wika, ngunit sa kasulukuya’y may 182 na lang rito
ang buhay.

Ayon kay Virgilio Almario, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, itinutuon
ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa mga katutubong lengguwahe dahil unti-unting
napapabayaan dulot ng globalisasyon. At kung tuluyang mapababayaan, maaari pang
maglaho nang tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika, tila may isang tahanan o
kamalig ng ating alaala at tradisyon ang mawawala at di na mababawi kailanman.
Kaya’t kailangan itong sariwain at pahalagaan tulad ng pagdiriwang ginagawa tuwing
buwan ng Agosto.

Bukod pa riyan, an gating wikang Pambansang Filipino ay isang simbolo ng ating


pagkakaisa. Binubuo man ang Pilipinas ng iba’t-ibang tribo, paniniwala at kultura,
gayunpaman, tayo’y binubuklod ng iisang wika na nagsisilbing tulay sa ating
pagkakaunawaan bilang mga Pilipino sa isang soberanya.

Maraming Salamat, at magandang umaga sa ating lahat.

You might also like