Professional Documents
Culture Documents
Mga Panalangin
Mga Panalangin
Mahabagin at mapagmahal na Ama, / nagsusumamo kami sa Iyo / upang hilingin ang Iyong
patnubay laban sa COVID-19/ na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng maraming buhay.
Tunghayan Mo kami nang may pagmamahal /at Ipag-adya kami ng Iyong mapaghilom na
kamay /mula sa takot sa karamdaman at kamatayan. /Itaguyod mo kami sa pag-asa /at
patatagin sa pananampalataya.
Gabayan Mo ang mga dalubhasang naatasan /na tumuklas ng mga lunas at paraan /upang
ihinto ang paglaganap nito. /Nagpapasalamat kami sa mga bakunang naisulong /sa
patnubay ng Iyong mga kamay. /Pagpalain Mo ang aming mga pagsisikap /na mawakasan ng
mga bakuna ang pandemya sa aming bayan.
Dumudulog kami sa Iyong patnubay,/ Mahal na Ina ng Diyos. /Pakinggan Mo ang aming mga
kahilingan sa aming pangangailangan, /at ipag-adya Mo kami sa lahat ng kasamaan,
/maluwalhati at pinagpalang Birhen. AMEN.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaIyo. Bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ng Iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin Mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y
mamamatay. Amen.
MANALANGIN TAYO..
Panginoon naming Diyos / kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa / ng Iyong mahal na
grasya / ay yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel / ay nakilala namin ang
pakakatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo / pakundangan sa kanyang pagpapakasakit at
pagkamatay Niya sa krus / ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli /
sa kaluwalhatian sa langit / sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. AMEN.
Mahal na Birheng Maria sa Bundok ng La Salette , Ikaw ay Anak, sa halip amin itong maibsan.
at mga nagawang kasalanan ng sanlibutan. Hinatid mo sa mga ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan mo, ang mga
tao sa pamamagitan ng mga bata ang mensahe ng pagbabalik- biyayang aming kinakailangan.
loob at pagpapahalaga sa pagsisimba kapag araw ng Linggo. …para sa simbahan at sa bayan, para sa aming pamilya at
mahal sa buhay
…sa patuloy naming pagsuway sa mga aral ng Anak mo, ang makarating kami sa langit na tahanan. Amen.
sa Iyong Anak.
…upang aming pagpahalagahan ang pagdiriwang ng Banal na
Misa.
…upang aming talikdan ang aming mga kasalanan.
…upang lumayo kami sa mga tao, lugar at pangyayari na
magdadala sa amin sa pagkakasala sa Iyo.