You are on page 1of 3

Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan

- kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon
ng Espanyol.
- Ang tiyuhing si Alejo ang nanging unang guro ni Marcelo. Kumuha siya ng
kursong Latin sa kolehiyong paaralan ni Ginoong José Flores. Lumipat siya sa
Colegio de San Jose at doon ay tinamo ang Bachiller en Artes (Bachelor of Arts).
- Ipinagpatuloy ni Marcelo ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kumuha siya ng Pilosopiya at kursong abogasya. Nasuspinde siya sa
unibersidad nang makipagtalo siya sa kura ng San Miguel ukol sa bayad sa
binyag noong 1869. Siya ay nakulong ng tatlumpong araw. Ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral noong 1878. Natapos niya ang kurso noong 1881.

Sagisag sa Panulat:
- Plaridel
- Pudpoh
- Piping Dilat
- Siling Labuyo
- Kupang
- Maitalaga
- Dolores
-
Kapanganakan:
Agosto 30, 1850

Lugar ng Kapangakan:
Cupang, Bulacan

Mga Magulang:
Ama: Julian Hilario del Pilar
- Tatlong beses na nagging gobernadorcillo
- Naglingkod din bilang official del mesa ng alkalde mayor
Ina: Blasa Gatmaitan kilala sa bansag na Blasica
Asawa: Marciana H. del Pilar

Kamatayan:
Hulyo 04, 1896
namatay si del Pilar sa sakit na tuberkulosis sa gulang na 45

Graciano Lopez y Jaena

- Kinikilala bilang isang lider ng kilusang repormista, manunulat, peryodista, at


orador. Maraming historyador ang kumikilala sa kaniya bilang isa sa “tungkong
kalan” o triumvirate ng Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at Marcelo
H. del Pilar.
- Pumasok siyá sa seminaryo ng Iloilo at nag-ambisyong maging doktor.
Sinubukan niyang pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi
pinahintulan sapagkat walang handog na Bachiller en Artes ang kaniyang
seminaryo. Nabigyan siyá ng pagkakataóng matuto sa ospital ng San Juan de
Dios, ngunit kinailangang bumalik sa Iloilo dahil sa kagipitang pinansiyal.

- Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa edad 18) at La Hija del Fraile ay
isiniwalat niya ang mga pagmamalabis ng fraileng Español. Nagalit ang mga
fraile at ipinadakip siyá. Tumakas siyá patungong España noong 1879 at naging
masigasig sa Kilusang Propaganda. Dito siyá sumikat bilang isa mga
nangungunang orador,manunulat, at tagapagsalita ng mga repormistang Filipino.
Sinubukan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng
Valencia ngunit hindi rin ito tinapos.

- Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La Solidaridad noong 1889 at naging


unang editor nitó. Tinipon niya noong 1891 ang kaniyang mga akda at nilimbag
bilang Discursos y Articulos Varios (Mga Talumpati at iba pang Lathalain).

Sagisag sa Panulat:
- Bolivar
- Diego Laura

Kapanganakan:
Disyembre 18, 1856
Lugar ng Kapanganaka:
Jaro, Iloilo

Mga Magulang:
Ama – Placido Lopez
Ina – Maria Jacobo Jaena
Asawa –

Kamatayan:
Enero 20, 1896 sa Barcelona, España sa sakit na Tisis
Hindi na naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí.

Antonio Luna

- ang Filipinong heneral na namunò sa hukbong sandatahan ng Himagsikang


Filipino at pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya
bilang pinakamahusay na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siyá rin ang
nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si
Juan Luna.
Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng
panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siyá sa España
ng parmasyutika. Hinangaan siyá ng mga Europeo sa kada- lubhasaan sa mga
sakit sa tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad
ng Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La
Solidaridad sa ilalim ng sagisag na “Taga-ilog.”

- Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip


siyá noong 19 Agosto 1896 at ipinatapon sa España dahil napaghinalaang
tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása ibang bayan, pinag-aralan niya ang
sining ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa Filipinas nang
Digmaang Filipino-Americano at hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang
heneral Itinatag din niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang
pangunahing itinuro niya sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos ang
Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military Academy.
Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang
kapusukan, kahigpitan, at tagumpay sa mga labanan ay marami ang nainggit sa
kaniya

Sagisag sa Panulat:
Taga-ilog

Kapanganakan:
Oktubre 29, 1866

Lugar ng Kapanganaka:
Urbiztondo, Binondo Manila

Mga Magulang:
Ama – Joaquin Luna de San Pedro
Ina – Laureana Novicio-Ancheta
Asawa –

Kamatayan:
Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng
ipinatawag siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá ng mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan
Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa hukbo.
Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo
ang hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes ang nagsabing “Isa
lámang ang heneral ng mga Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.”

You might also like