You are on page 1of 8

JOSE RIZAL BILANG SI DR.

JOSE PROTACIO MERCADO RIZAL y ALONZO


REALONDA

Sagisag sa Panulat:
Laong-Laan- ginamit sa pagsulat ng “Amor Patrio”
Dimasalang- ginamit sa pagsulat ng “La Vision de Fray Rodriguez”
P.Jacinto- ginamit sa pagsulat ng “Mga Alaala Ng Isang Mag-aaral sa Maynila”

Kapanganakan:
Hunyo 19, 1861 11-12 ng hatinggabi araw ng Miyerkules

Lugar ng Kapangakan:
Calamba, Laguna

Mga Magulang:
Ama: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro (1818-1898)
Isinilang sa Biñan, Laguna noong May 11, 1818.
Nag-aral sa Kolehyo ng San Jose sa Maynila.
Noong bata pa, lumipat na siya sa Calamba, Laguna upang maging magsasaka sa
asyenda ng mga paring Dominikano.
Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898

Ina: Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos(1826-1911)


Isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826
Nag-aral sa Kolehiyo ng Sta. Rosa
Namatay siya noong Agosto 6, 1911 sa Maynila.
Asawa: Josephine Bracken

Kamatayan:
Disyembre 29, 1896
11:00-12:00 n.g. – kinuha ni Rizal ang kaniyang oras para itago ang ginawang tula sa
loob ng isang lampara. Kailangan niya itong gawin para hindi makahalata ang mga
nagbabantay sa kaniya. Malalaman na ang naturang tula ay ang “Huling Paalam”.

Disyembre 30, 1896


5:00-6:15 n.u. - naghilamos si Jose, kumain ng agahan at ginawa ang mga personal na
Gawain.
Gumawa ng sulat para kay Josephine.
6:15-7:00 n.u. – naglakad si Jose sa lugar kung saan siya babarilin – Bagumbayan
(Luneta/Rizal Park)
7:00-7:03 – narinig ang tunog ng putok ng baril
Namatay si Jose Rizal sa batang gulang na 35 taong gulang.
MGA AKDA NI JOSE RIZAL

Noli at El Fili Nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipino noong


panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para sa
himagsikang Pilipino na nagbigay-daaan upang mawakasan ang mapaniil na paghahari
ng Kastila sa Pilipinas.

Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887,
sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig
sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13–17 sa Bibliya na
tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang
lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang
salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela
ni Jose Rizal.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madril, Espanya. Kalahati ay natapos bago siya
umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibañez
isang bantog na manunulat ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang Nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa
pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na
nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyahirahang taglay ng Simbahang Katoliko
na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga local na alkalde.

MGA PANGUNAHING TAUHAN SA NOLI ME TANGERE


 Crisostomo Ibarra
 Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang
nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
 Maria Clara
 Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan
ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si
Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
 Padre Damaso
 Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
 Kapitan Tiago
 Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
 Elias
 Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala
ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
 Sisa, Crispin, at Basilio
 Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
 Pilosopo Tasio
 Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego.
 Donya Victorina
 Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang
babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete
sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang
pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya.
 Ibang Tauhan
 Padre Salvi o Bernardo Salvi– kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
 Alperes – matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring
ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado
Pontipikal)
 Donya Consolacion – napangasawa ng alperes; dating labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali.
 Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa
Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.
 Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
 Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
 Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
 Lucas – kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy
na pagpatay kay Ibarra.
 Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
 Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria
Clara.
 Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na
kaagad na siya’y maisilang.
 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
 Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng
pagka-ekskomunyon si Ibarra.
 Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre
Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni
Elias.
 Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan
 Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
 Mang Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
 Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at
Kapitan Valentin; ama ni Sinang
 Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
 Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni
Ibarra sa alaala ng ama.
 Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni
Ibarra.
 Albino – dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

El Filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang


nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang
buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa
Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa
Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti


niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang
manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito
noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang
nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22,
1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan
at karapatan ng bayan.

MGA PANGUNAHING PANAUHAN


 Simoun – Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
 Isagani - Ang makatang kasintahan ni Paulita
 Basilio - Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
 Kabesang Tales - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
 Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
 Ginoong Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin
ang takbuhan ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na
manananggol sa bayan nila
 Ben-zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan
 Placido Penitente - Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning o pampaaralan
 Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari
 Padre Fernandez - Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
 Padre Florentino - Ang amain ni Isagani
 Don Custodio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
 Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila
 Juanito Pelaez - Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa
kilalang angkang may dugong Kastila
 Makaraig - Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
 Sandoval - Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga
mag-aaral
 Donya Victorina - Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin o ni Paulita
 Paulita Gomez - Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
 Quiroga - Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas
 Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
 Hermana Bali - Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
 Hermana Penchang - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni
Juli
 Ginoong Leeds - Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
 Imuthis - Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si
Padre Salvi.

Mi Ultimo Adios
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal

Ang Mi último adiós o Huling Paalam ay isang tulang likha ng pambansang bayani ng
Pilipinas na si Jose Rizal. Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila sa mga
pangunahing wika ng daigdig tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo,
Malayo, at marami pang iba. Gayon din, naisalin din ito sa iba’t ibang wikain sa
Pilipinas, tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuanon,
Hiligaynon, at iba pa.

Kasaysayan ng Tula
Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon
sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng
pagbaril sa kanya, Disyembre 29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming
ginawa noong mga huling araw ng kanyang buhay. Marami siyang tinanggap na bisita:
ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine Bracken at ang mga prayleng
humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi pang ibinigay niya
ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre 29.
Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong
araw ng kanyang pagbaril.
Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang
pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay
Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan
pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa
tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila.
Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi
Ultimo Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa
tulong ni Jose Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga
kababayan at kakilala ang mga sipi nito.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi último adiós bilang pamagat ng
nasabing tula noong ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa
Bilibid, Maynila. Ang kanyang ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La
Independencia" noong Setyembre 1898.
Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay
napapunta naman kay Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta
siya sa Hong Kong. Nang mamatay si Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y
hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan sa isang taong tagaroon na humingi
ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa pamahalaan. Nagbayad nga
ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas.
Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado
noong Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa
mga tanyag na salin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H.
Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa
Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa Ingles.
Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-
uusapan sa Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May
nagpanukalang dapat upang mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino.
May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa
wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last Farewell") upang
patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng tula) at
lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.
Sobre la Indolencia de los Filipinos
Isang sanaysay ni Dr. Jose Rizal tungkol sa katamaran ng mga Pilipino. Isinulat ito
upang bigyang liwanag at pagsusuri ang katamaran ng mga Pilipino. Dito ipinaliwanag
ni Rizal na ang dahilan ng pagiging tamad ng mga Pilipino ay kanilang pagkakasangkot
sa giyera ng mga Espanyol at ang turo ng mga prayle na kapag mahirap ay madaling
mapupunta sa langit. Binigyang-diin pa niya na ang kulang at mali-maling edukasyon
ang dahilan upang isispin ng mga Pilipino na sila ay mababang lahi kumpara sa iba at
hindi na naghahangad na umangat pa…

Filipinas Dentro De Cien Anos

Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon (ThePhilippines a Century Hence)


Ang unang bahagi ng sanaysay na ito ay tungkol sa pagsulyap sa nakaraanng Pilipinas.
Dito, ipinakita ni Rizal ang mga pagbabago na naidulot ng pagkasakopng Pilipinas sa
Espanya. Kung saan, ang dating pinuno sa Pilipinas ay napasailalimsa mga dayuhan
dahil na rin sa pag-asang pag-unlad mula sa mga mananakop.Unti-unting naisantabi at
nalimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga katutubongtradisyon, mga awitin, tula at
mga paniniwala nang sa gayon ay mayakap ang mgabago at dayuhang doktrina, na sa
totoo'y hindi naman nila naiintindihan. Ikinahiyaat tinanggihan ng mga Pilipino ang sarili
nilang kultura. Hinangaan at pinuri ng mgaPilipino ang anumang bagay na banyaga
hanggang sa nagapi ng dayuhan angkanilang puso at diwa. Lumipas ang mga taon,
ang relihiyon ay nagpakitang gilasdin kung saan ginamit ang pagsamba sa Diyos upang
akitin at sa huli'y pasunurin atmapasailalim ang mga Pilipino sa kagustuhan ng mga
dayuhan. Nang makuha angloob ng mga Pilipino ay itinuring na parang hayop, inalisan
ng kaisipan atdamdamin at ginawang mga alipin upang pagsilbihan ang mga dayuhan
saikauunlad ng Espanya. Muling nabuhay ang natutulog na damdamin ng mgaPilipino
dahil sa mga pasakit at panghihiya na kanilang naranasan. May ilangdamdaming
nagising sa katotohanan sa mga kahayupan at paniniil ng mgadayuhan dahil na rin sa
patuloy na pag-alipusta at pagsasamantala na unti-unti aygigising sa lahat.Sa bahaging
ito makikita ang obserbasyon ni Rizal sa pananakop ng mgaKastila sa Pilipinas.
Ipinakita niya ang naging epekto nito sa mamamayan at samga pinunong Pilipino.
Ipinakita ang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipinosimula ng mamuno ang mga
Kastila. At umaasa si Rizal na magigising atmamumulat ang mga Pilipino sa
katotohanan at kasamaan ng mga dayuhan.Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa
kabiguan ng mga kolonyal na patakaranng Espanya sa pagpapaunlad sa Pilipinas.
Sinabi dito ang kalagayan ng Pilipinas satatlong-daang taon na nakalipas simula ng
panahong iyon (1889). Para sa mganagnanais ng kalayaan ng kanyang bansa, ang
bayan ay may tiyak na kalayaannoon. Para sa mga nakasaksi naman ng kaguluhan at
di pagkakaunawaan,nararapat lamang na tanggapin ng buong pagsang-ayon ang
anumang magaganapsa hinaharap. Ayon sa mga liberal na Kastila, ang kalagayan ng
Pilipinas sakasalukuyan (1889) ay katulad pa rin ng dati, walang pinagbago subalit para
samga prayle ay nagkaroon ng pag-unlad. Ang pamamahala ng mga kastila saPilipinas
noong una ay hindi madali ngunit nagpatuloy pa rin sila upangmapamahalaan ito.
Mayroong pwersang-militar, mabagal na komunikasyon sapagitan ng Mexico at
Espanya at ang paglalakbay ay delikado dahil ang dagat aypinamumugaran ng mga
pirata at mga kaaway ng Espanya

A la Jueventud Filipina
Sa kabataang Pilipino

Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo


Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang
gantimpala sa timnpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario,
sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga Kastila’t
katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng
mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala.
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang
damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at
linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa
ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang


“Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang
mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.

Josephine Bracken (1895-1896)


Si Josephine ang huling babae ng kanyang buhay. Siya ang maituturing na legal na
asawa ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish, ngunit siya ay isinilang
sa Hong Kong. Dulce extranjera ang bansag ni Pepe sa kanya.
Paano nagkakilala?
Si Bracken, na noo’y 18 anyos, ay naglayag papuntang Dapitan upang samahan ang
kanyang ama-amahan na si George Taufer na magpatingin ng mata kay Rizal.
Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga. Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang
dalawa. Nanirahan sila sa Barangay Talisay sa Dapitan.
Hindi boto ang mga kapatid na babae ni Rizal kay Josephine sapagkat diumano’y
tauhan siya na pinadala ng mga prayle para matyagan si Pepe. Gayunpaman, hindi
natinag ang relasyon ng dalawa. Nang makabalik si Josephine sa Dapitan mula sa
pamamalagi niya sa pamilya Rizal sa Maynila, inareglo ni Pepe ang ang kanilang
pagpapakasal. Nakipag-usap siya kay Padre Antonio Obach ngunit ayon sa paring ito,
ikakasal lamang niya ang dalawa kapalit ng retraksyon ni Rizal. Sa kabila nito, itinuloy
ng dalawa ang kanilang pagpapakasal kahit walang basbas ng simbahan. Nagkaroon
ng anak si Pepe kay Bracken, subalit patay ang bata pagkasilang. Pinangalan ni Rizal
ang kanyang anak na ito na Francisco.
Paano nagwakas ang relasyon?
Binitay si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos nito’y bumalik si Josephine sa Hong Kong
sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900. Nagkaroon
siya ng anak dito at pinangalanang Dolores.

You might also like