You are on page 1of 2

FILIPINO 10 SESYON 4

GABAY TP 2021-2022
El Filibusterismo
Kaligirang Pangkasaysayan
Kabanata 1-2

Totoo bang nasa ika-4 na sesyon na? Sadyang kaybilis ng panahon. Ilang linggo na
lamang ay magtatapos na ang unang semester. Kaya naman bilang pagtatapos ay
salabungin at tuklasin ang makulay na buhay ni Simoun, ang mga mag-aaral gaya
nina Basilio, Isagani, Juanito atbp., ang kasalukuyang kalagayan nina Donya
Victorina, Kapitan Tiyago at Maria Clara ng nobelang El Filibusterismo.

Ano pa ang hinhintay mo tara nang simulan ang paglalakbay sa mundo ng mga
tauhang ito. Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan upang matukoy
ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Gat Jose Rizal na nagsilbing inspirasyon
upang mabuo niya ang nobelang ito. Basahin mo na rin ang mga kabanata 1-2.
Naku sadyang kapana-panabik naman!

FILIPINO 10 SESYON 4
KARD TP 2021-2022

BURADOR SA PAG-UULAT NA GAGAWIN!

Natatandaan mo pa ba ang tinola sa unang kabanata? Ang pag-uulayaw sa asotea


nina Crisostomo at Clara? Tila bumabalik na ang mga alaala ng mga pangyayari sa
Noli Me Tangere, dapat lang dahil kailangan mo iyan para sa pagtalakay ng El
Filibusterismo at sa gawaing ito.

1. Lumikha ng burador (draft) ng pag-uulat tungkol sa itinakdang kabanata sa


nobelang El Filibusterismo (itatakda ng guro sa klase).
2. Tiyaking ang lalamanin at bibigyang diin sa pag-uulat ay ang sumusunod:
a. ang mga tauhan at papel na kanilang ginampanan sa kabanatang iuulat
b. mahahalagang pangyayari
c. kaisipang nakapaloob
d. kaugnayan ng kaisipan sa kasalukuyang panahon
3. Alalahanin na ang gagawing pag-uulat ay sa loob lamang limang (5) minuto
kaya isaalang-alang ang haba ng mga datos na kakalapin.
4. Tiyaking sa paggawa ay angkop ang mga salitang ginamit, wasto ang baybay
at mga bantas.
5. Isagawa sa Google docs gamit ang font na Arial at may size na 11.
6. Sa pagpapasa ay huwag i-PDF sapagkat ito ay itatama pa ng guro.
FILIPINO 10 SESYON 4
GAWAING PAMPAYAMANG-ISIP TP 2021-2022

Kabanata ng buhay ko
Kahit na taong 1887 pa nailimbag ang Noli Me
Tangere, patuloy pa rin natin itong binabasa at pinag-
aaralan sa kasalukuyan. Bakit?

Una, upang mabatid natin ang pinagdaanan at


naging kasaysayan ng ating lahi; ikalawa, upang
kilalanin at patuloy na hangaan ang ating
pambansang bayani; at ikatlo, upang maiugnay natin
sa kasalukuyang lipunan ang mga kaisipang
mahihinuha sa akda.

Mula sa mga kabanata ng Noli Me Tangere ,


pumili ng isa na maihahalintulad mo sa iyong sariling
karanasan. Dapat kapapalooban ito ng 3 talata at
naglalaman ang bawat talata ng 5-10 pangungusap.
Maaaring gumuhit o maglagay ng larawan bilang
disenyo. Ilagay ang iyong gawa sa google docs at i-
upload sa google classroom sa Filipino.

FILIPINO 10 SESYON 5
ALTERNATIBONG GAWAIN TP 2021-2022

Animnapu’t Apat
Mula sa iyong mga alaala sa pagbasa ng Noli Me Tangere, lilikha ka
ng doodle na magsisilbing sarili mong interpretasyon sa lahat ng iyong natutuhan
sa nobela at dahil may 64 na kabanata ito, kinakailangan sa numero 64 mag-
uumpisa ang iyong doodle. Ipaliwanag ang iyong nilikha sa loob ng 5
pangungusap. Maging malikhain!

Mamarkahan ang iyong gawa batay sa nilalaman, wastong pagkakabuo at


pagkamalikhain ng guhit. Isagawa ito sa kahit na anong app at i-upload sa google
classroom sa Filipino.

You might also like