You are on page 1of 2

“Wika”

Alam nating lahat na ang wika ay higit na mahalaga para sa ating mga Pilipino. Marami ang
dahilan kung bakit masasabi natin na ito ay may malaking papel saating lipunan, at pati na rin sa
bansang Pilipinas. Bilang isang mamamayang Pilipino, simula’t pagkabata ay wikang tagalog na ang
ating kinalakihan, bago pa man natin makilala ang ibat-iba pang uri ng lenggwahe. Dahil dito ay
natuto tayong makipag usap sa ibang tao, hindi lang iyon kundi ang makipag palitan ng
impormasyon sa ating kapwa, makipagkaibigan, at maayos na maibahagi ang ating nasasaloob na
damdamin sa ibang tao.
Inyong mapapansin na dahil sa ating lenggwahe ay nagpapanatili ng bawat isa ang kaayusan
sa ating paligid at nagkakaroon tayo ng maayos na koneksyon sa bawat isa. Sa madaling salita, ang
wika ay isang malaking tulong upang mapanatili ang mga damdamin ng kultura, at pagkabansa ng
isang bayan. Kung ating babalikan ang nakaraan, ang wikang pambansa ay nagbigay ng malaking
kontribyusyonsa ating bayan. Ito ang nagsilbing lakas ng mga Pilipino at naging panangga laban sa
mga nagtangkang sumakop sa ating bansa.
Ang kasaysayan ng Pilipinas ang siyang magsasabi kung paano nga ba ito naging mahalaga
para sa atin, marapat ay siyang kilalanin at alamin ang sinapit ng mga ninuno natin at magbigay
kaalaman sa delubyo na sinapit ng ating lipunan noon, lubos na nararapat silang luwalhatiin ng ating
bansa sapagkat sila ang nagdadala sa kapayapaan at kalayaan ng sangkatauhan ng Pilipinas. ‘Di
maitatanggi na sa kasalukuyang panahon ay nanganganib na ang ating wika bagkus natatabunan na
ito ng wikang banyaga dahil sa iba’t-ibang interes na ng henerasyon sa kasalukuyan.
Sa kadahilanang pag-iidolo sa ibat-ibat palabas, teleserye, kanta o di kaya’y libro tayong mga
Pilipino ay nalilimutan ang sariling atin at mas tinatangkilik nang aralin ang ibang linggwahe na nag
reresulta sa lalong pagkalimot natin sa sarili nating wika. Maging ang ibang diyalekto o paraan ng
pagsusulat ay nawawala na sa ating mga isipan dahil sa paglipas ng panahon o di akma na takbo na
ng ating lipunan bagamat lumalaki na ang ating interes sa ibang wika dahil ito ay mas napapanahon.
Malungkot man isipin ngunit sa kapanahunan ngayon ay nakakaligtaan na nating tangkilikin
ang sariling wika, wikang ating unang binigkas, wikang ating unang minahal, wikang nagsilbing
sandata sa ating pakikibaka sa araw-araw na pamumuhay. Isa pa sa mga nagiging epekto ng
kasalukuyang sitwasyon sa ating wika, ay ang sakim na gobyerno. ‘Di maitatanggi ang
makapangyarihang dulot ng ating wika sa paglalaban sa ating karapatan at hustisya sa mga
nagaganap na karahasan at di pantay-pantay na pagtrato sa ating mga Pilipino.
Gamit ang ating wika ay nakakapag-pahayag tayo ng malaya at may dignidad. Sa paraang ito
ay naitataas natin ang bandera ng bansang nasa bingit na ng kamatayan. Ang mga nakasaad sa taas ay
iilan lamang sa mga mahahalagang katotohanang ikamumulat ng bawat mamamayang Pilipino.
Nabiyayaaan tayo ng isang wikang kay ganda, isang wikang malaya tayong maipahayag ang saloobin
at nagbibigay ng likas na aral sa ating buhay. Maiigi na nating pahalagahan at ingatan ang sariling
wika, dahil ito ay instrumenting dadalhin natin sa bawat hakbang na tatahakin. Mahalin at tangkilikin
ang sariling atin, upang manatili itong buhay at bughaw sa hinaharap.

You might also like