You are on page 1of 2

AGENDA

-talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na


pagpupulong.
-nakasaad dito ang mga askiyon o rekomendasyong inaasahang
pag-uusapang sa pulong.
-ibinibigay sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong.

LAYUNIN NG AGENDA
-Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga pkasang tatalakayin
at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon.
-ito ay mahalaga upang organisado at tuloy-tuloy ang pag-
uusap.
-Upang maiwasan ang mga pagtatalo ng mg kasali sa isang
pagpupulong o pag-uusap.
-Ang agenda ay mahalaga upang makitang sinuri at plinano ang
gagawing pagpupulong dahil nakahanda na ang mga dapat
kailangang pag-usapan
-Mahalaga ito dahil napaglalaanan ng sapat na oras at panahon
ang bawat usapin sa pag-uusap at pagpupulong dahil upang
hindi masayang ang oras at panahon ng bawat isa.
-Upang matalakay ang mahahalagang usapin sa pagkamit ng
mga mithiin at layunin ng isang pagpupulong.
Mahalagang ideya
Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na
nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano mararating
nang mabilis ang patutunguhan

TANDAAN
Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsible sa
pagsulat ng agenda.

Kahalagahan ng paghahanda ng agenda ng agenda


-masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang
lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksiyon

EPEKTO NG HINDI PAGHAHANDA NG AGENDA


-Mawawal sa pokus ang mga kalahok, na nagdudulot sa tila
walang katapusang pagpupulong
-umuunti ang bilang ng dumadalo sa pulong
-tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang
panahon ng mga kalahok

You might also like