You are on page 1of 7

WRECK IT RALPH TRANSLATION

So, saan mo siya eksaktong dadalhin?

Tutal galing siya sa arcade game, iniisip kong bagay siya sa distrito ng mga laro.

Oh hindi, hindi, hindi. Masamang ideya yan. Delikado ang mga larong ‘yon at binubulok ang

utak mo. Bakit hindi natin siya ipadala sa medyo kakaiba at malayo sa larong iyon? Tingnan

natin. Pampamilyang sites, mukhang ligtas doon. At isa siyang prinsesa, kaya naman paano

kung ipadala natin siya sa isang munting pink na kastilyo?

Gusto ko ‘yan! Sige, dalhin na lang natin siya sa pinakabagong pop-up ang “OhMyDisney.com”!

Jeez-Louise, nakakabaliw ang lugar na ‘to! Whoa!

Hanggang sa walang hanggan!

Huh, hindi nga? Mga princess at cartoon? Baduy.

Uy. Dahan-dahan lang.

Oh, ‘di ‘yon ang ibig kong sabihin. Oras na para sa trabaho!

…at para sa huling tanong, inilalarawan ako ng kaibigan ko bilang?

Matalino, nakakatawa, o mabait.

Mabait, siguro?

Base sa sagot mo, ang iyong prinsesang BFF ay, si Snow White!

Naniniwala ako na ang pagkakaibigan natin ay magiging pinakaperpekto sa lahat.

Uy, gusto mo makilala BFF ko? Si Wreck-It Ralph. Pindutin mo ‘to para makita mo ang bago

niyang bidyo. Salamat!


Uhm. Sa Captain America First Avenger, tumutukoy ang Red Skull sa Yggdrasil, ang world tree,

tagapagtanggol ng karunungan at pananalig. Totoo po ba, sir, na kayo ang tagapagmana ng

punong ‘yon?

Ako si Groot!

Okay. Okay, maraming salamat.

Uhm, ano po ang hitsura ng Drax?

Ako si Groot.

Salamat.

Conifer ka ba o puno ng fruit berry?

A…

Sandali, ako na rito. Siya si Groot, ako si Vanellope. Pindutin mo ‘to para magkita kayo ni

Wreck-It Ralph! Sisiw naman nito.

May permiso ka ba sa pop-up na ‘yan? Bawal ‘yan dito. Sumama ka sa'min, bata!

Palayo na siya!

Dito.

Ooh, pasensya na po!

Hoy! ‘Di ka ba nagbabasa? Cast members lang dito!

Parang dito siya dumaan. Tara. Roger that. May dumaan bang bata rito?

Tumatakbo rito na parang nawawalang manok.

Nakita niyo na riyan? Wala. Baka pumunta siya sa Airbud memorium. Tara, tignan natin.
Uh, kumusta?

Whoa! Whoa! Handa ‘kong magpaliwanag. Uh, prinsesa rin ako!

Huh, ano?!

Oo! Prinsesa Vanellope von Schweetz ng Sugar Rush von Schweetzes? Alam kong pamilyar

kayo sa’min, nakakahiya naman kung hindi pa.

Anong klaseng prinsesa ka?

May mahiwaga ka bang buhok?

Wala

Mahiwagang kamay?

Wala

Nakakausap mo ba’ng mga hayop?

Hindi.

Nilason ka ba?

Hindi!

Isinumpa?

Hindi!

Dinakip o inalipin?

Hindi! Okay lang ba kayo? Tatawag ba ‘ko ng pulis?

Kung gano’n sa tingin ko nakipagkasundo ka sa isang mangkukulam sa dagat, kung

saan kinuha niya ang boses mo kapalit ng mga paa?


Hindi! Diyos ko po! Sinong gagawa no’n?!

Nakaranas ka na ba ng halik ng tunay na pag-ibig?

Eww! Barf!

May problema ka ba sa iyong ama?

Eh wala nga akong nanay!

Kami rin wala!

At ngayon para sa pinakaimportanteng tanong: Akala ba ng mga tao na isang makisig na lalaki

ang lumutas ng iyong mga problema?

Oo! Eh ano naman?

Isa siyang Prinsesa!

Sinong gumawa ng bestida mo? Hindi pa ako nakakita ng katulad nito.

Ah, itong luma na 'to?

Oh, gusto ko rin ng ganyan.

Kahit ako!

Ako rin!

Astig!

Pinakamaganda sa lahat!

Gusto ko rin!

Kukunin ko ang daga ko para dito!

Gan’to pala ang pakiramdam. Mabuhay Prinsesa Vanellope, ang reyna ng ginhawa.
Sa lahat ng kung ano-anong bagay sa mundo, ‘di ko akalain na makakapagsuot ako ng tunay

na… ano nga ulit ang tawag? Ah, Oo. T-shirt.

Minsan kong pinangarap na makapagsuot ng T-shirt….

Whoa, whoa, whoa, whoa, whoa! Teka, anong nangyayari?

Uh, Kumakanta siya.

Oo, pero may musika at may ilaw at…, nakita niyo rin ‘yon, ‘di ba?

Ganyan ang nangyayari kapag umawit ang prinsesa tungkol sa kanyang pangarap.

Oh, ‘di pa ‘yan nangyari sa akin, kahit isang beses.

Bakit hindi mo subukan? Ano ba talaga ang gusto mo? Umawit ka tungkol do’n.

Ah, oh, sige. Kaya ko ‘yan. Uhm, tingnan natin. Oh, manibela. Oh, manibela. Oh, yea! Gusto ko

ng manibela. Durudo-boop-wawp

Uh teka, maraming dapat ipaliwanag. Mmmhh.. ‘yong manibela na kinakanta mo-- metapora ba

‘yon?

Ah, hindi hindi. Hindi ‘yon metapora. Ano kasi, gusto ko talaga ng manibela. Baka siguro

sintunado lang ako.

Siguro. Pero minsan ‘di ka makabubuo ng kanta kung ‘di ka pupunta sa ibang lugar para mag-

isip.

Epektibo sa’min ang paghahanap ng tubig at tumitig do’n.

Ano?

Oo! Gusto ko tumitig sa balon.

Ako tumititig sa dagat.


Inuman ng kabayo.

Bula ng sabon.

Teka, sinasabi n’yo bang ‘pag tumitig ako sa tubig…

Mahalagang tubig.

Oo, tama, mahalagang tubig. Tititig ako sa mahalagang tubig, at kakanta ako nang mahiwaga

tungkol sa'king pangarap?

Siyang tunay!

Mm-hmm…

Mukhang imposible, mga prinsesa, pero salamat.

Limang minuto, mga prinsesa. May isa pang "Which Disney Princess are you?" na pagsusulit

makalipas ang limang minuto.

Sige, salamat.

Mukhang kailangan na nating magbestida ulit mga prinsesa.

Nagagalak akong makilala ka, Vanellope.

Galingan mo sa pagbuo ng iyong kanta.

Och. Lang may yer lum reek, and may a moose ne'er leave your girnal with a tear drop in his

eye. Haste ye back, me lassie!

Uh-huh. Ano raw sabi niya?

Hindi namin alam.

Hindi namin siya maintindihan.


Kabilang siya sa ibang istudyo.

Ah.

You might also like