You are on page 1of 3

ANG BAGONG ALPHABETONG PILIPINO

Dahil sa patuloy na pag-unlad at pagdami ng salita kinakailangang muling baguhin at


magkaroon ng panibagong alpabeto upang umakma sa hinihingi ng pagkakataon at panahon.
Hanggang sa makabuo ng alpabeto na ipinalit sa Abakadang Tagalog. Ito ay kilala sa rawag na
Alpabetong Pilipino na binuo ng tatlumpu’t isang (31) titik o letra.

A B C CH D E F G H I J K L
LL M N N NG O P Q R RR S T U V W X Y Z
Subalit ang mga sumunod na titik lamang ang mga ginamit sa pagbaybay ng mga karaniwang salita:

ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTU
VWXYZ
Ngunit ayon sa mga nagreporma nito, ang bagong walong dagdag na letra na (c, f, j, ῇ, q, v, x, z)
ay tatagagin sa paraang pa-Abakada o pa- Ingles.

ANG 2001 REVISYON SA ALPABETONG PILIPINO


Bilang pagpapatunay na ang bansang Pilipinas ay patuloy na umunlad, muli sa ikaapat na
pagkakataon ay nagkakaroon ng pagreporma sa alpabetong Filipino kasama na ang mga
tuntunin sa paggabay nito. “2001 Revisyon ng Alfabetong Pilipino” sa pangunguna ng KWF.

Ang dahilan ng pagreporma ay:


1. Hindi pagtupad sa kautusang pangkagawaran ng 1897;
2. Mahigpit at nakalilito ang tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra;
3. Hindi umaakma at nalilimitahan ang gamit ng walong dagdag na letra para sa mga
pangalan patangi, teknikal at mga salitang kultural
4. Nakaalarma rin ang iba’t ibang disenyo at Sistema ng paggamit o ispeling mula sa mga
institusyong pang-edukasyon (PNU, UP, DSLU, MLQ, PUP, PLM, UST, Ateneo, at iba pa)
at mga propesyonal dahil sa walang malinaw na tuntunin sa paggamit ng karaniwang
salita, at
5. Iba’t ibang pagpapakahulugan o interpretasyon sap ag-iintelektwalisa sa wikang Filipino
ayon sa kani-kanilang paniniwala
ANG BAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO
Ang 2009 bagong gabay sa ortograpiyang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano
sumulat ng mga Pilipino sa kanilang wikang Pambansa.
Ang ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng 28 na letra at binibigkas sa tawag- Ingles sa ῇ
(enye) na tawag sa Kastila.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
“ey” “bi” “si” “di” “i” “ef” “ji”
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
“eych” “ay” “jey” “key” “el” “em” “en”
ῇ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
“enye” “enji” “o” “pi” “kyu” “ar” “es”
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
“ti” “yu” “vi” “dobol yu” “eks” “way” “zi”

ANG MGA TUNTUNING PANLAHAT NA PATNUBAY AYON SA 2009 GABAY SA


ORTOGRAPIYANG FILIPINO
TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY
1. Pasalitang Pagbaybay, paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipinno
Pagsulat Pagbigkas
Salita bata /bi-ey-ti-ey/

Nanay /en-ey-en-ey-way/
Pantig pa /pi-ey/
Kla /key-el-ey/
Akronim
PMA (Philippine Military Academy) /pi-em-ey/

NPC (National Power Corporation) /en-pi-si/


Daglat
Bb (binibini) /kapital bi-bi/
G. (ginoo) /kapiyal ji/
Inisyal ng Tao

JLS (Jose Laderas Santos) /jey-el-es/


CJC (Carlo J. Caparas) /si-jey-si/
Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/
PSAWF (Pambansang Adbokasyon ng Wikang Filipino /pi-es-ey-dobolyo-ef/

Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika


Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eynch-tu-o/

You might also like