You are on page 1of 3

“TEKSTONG PERSUWAYSIB”

Bilang isang kandidato sa pakamayor ng ating bayan, kahit ito po


ang kaun-unahang beses na papasok ako sa politika, sinisiguro ko sa
inyo na hindi kayo magsisisi. Makikipagtulungan ako sa ating mga
barangay gayundin sa aking mga kapwa opisyales upang mapatupad ang
mga ihahain naming mga programa.
Matagal na nating gusto ang magkaroon ng lider na magiging
tagapagligtas at tagapagtanggol ng ating bayan, ang magtutustos sa
kakulangan at pangangailangan ng pamahalaan at mga mamamayan, at
ang lulunas sa matagal nang lumalalang kahirapan. Mahabang panahon
na ang lumipas, ngunit mukhang magtitiis pa ang mga “Boss ng Bayan”
sa bunga ng mga palpak at depektibong serbisyo ng mga ilang nagdaang
namuno, nagsilbi, at naglingkod para sa ating cuidad. Kaya ngayon ako
po ay kumakandidato para sa ika-uunlad nang ating bayan, ang mga
plataporma ko ay talagang makakatulong sa inyo at sa lahat, isusumpa
ko na kung ako ang inyong pipiliin ay hindi lamang uunlad ang ating
bayan, makikilala rin ito sa buong bansa, nasisisgurado ko ito dahil
matagal ko na itong pinaghandaan at pinag-isipan.
Isa akong kandidato na bukas sa lahat ng isyu at problema ng
komunidad, maari nyo rin akong lapitan kung kayo ay nangagailangan,
nakikisabay din ako sa kung ano man ang gusto at hilig nang aking mga
mamamayan. Kaya ano pa, minsan lng kayo makakakita nang mayor na
ganito at iba sa lahat, naiiba ako sa lahat nang kumandidato dahil bukas
ako magisip sa mga bagay bagay at tumatanggap ako ng pagtatama,
ugaling wala sa ibang mga kumakandidato.
Nasa inyong mga kamay ang desisyong ito kaya iboto nyo ang
nararapat, isipin nyo nang mabuti ang inyong bobotohin dahil baka
magsisi kayo sa huli, ngayon palang ako’y nagsasabi na, nasa inyo nang
harapan ang kinabukasan ng ating bayan. Maraming salamat po sa
pakikinig.
“MAIKILING AKDA”
PAMAGAT: “Nasa Huli ang Pagsisisi” By: Kathleen Claire Montefalco

Maganda ngayon ang sikat nang araw sa bayan nang Ligada, maririnig mo ang tunog nang
ibon at halamang sumasayaw sa ihip hangin. Marami rin ang mga batang nagsisitakbuhan at
nagpapalipad nang sarangola, ngunit iba ito sa batang si Francis nanunuod lang siya sapagkat
natatakot siyang makihalubilo dahil mahirap lang sila at baka laitin lang siya, kahit laki lang
silang mahirap matalino at masunurin siyang bata at higit sa lahat ay napakasipag niya kahit
sa murang edad.

Dalawa nalang sila nang kaniyang ina dahil may pamilya nang iba ang kaniyang ama at
halos lahat nang makakaya niyang trabaho ay pinapasukan niya, kaya minsan lang siya
nakakapagpahinga at nakikitanaw sa kapwa niya mga bata. Ngunit may mga kaibigan naman
siya kaso nasa eskwelahan pa sila, at siya naman ay nagtrabaho sa araw na iyon kaya hindi
siya nakapasok. Nang dumating ang kaniyang mga kaibigan ay napagdesisyunan nilang
maglaro, dahil wala pa naman ang kaniyang ina ay sumama na siya sa kanila. Habang
naglalaro napagtanto ng mga kaibian niya na may pasa siya, “Ano iyan tanong nila”,
kinakabahang tinago niya ito, “Ahh wala lang ito”, makikiusyoso pa sana sila ngunit
dumating naman ang ina ni Francis kaya dali dali siyang umuwi.

Ngunit sa kabila nang matatag at masipang na si Francis ang hindi alam nang mga kaibigan
niya ay sinasaktan pala siya nang kaniyang ina at pilit na kinukuha ang kaniyang kinita sa
trabaho. Walang ginagawa ang kaniyang ina kundi uminom, manglalaki at magwaldas nang
pera, at nagagawa niya iyon dahil sa paghihirap ni Francis. Halos araw araw kung galit ang
kaniyang ina ay sinasakitan siya nito, walang magawa si Francis dahil siya ay bata palang at
mahal niya ang kaniyang ina kahit ganon siya, dahil naniniwala itong mabait ang kaniyang
ina dahil hindi siya nito ipinahulog nung nagbubuntis pa ito, kaya ang ginawa niya ay mag
trabaho para sakanila kahit hindi nito nakikita ang kaniyang halaga.

Napapadalas na ang pananakit nang ina ni Francis sa kaniya, kahit masakit ang kaniyang
katawan ay pursigido parin siyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Araw-gabi walang
inisip si Francis kundi ang kalagayan nang kaniyang ina, palagi itong unang bumabangon at
magluto dahil tulog pa dahil sa alak ang ina. Sa araw na iyon habang tulog pa ang ina ay
inisip niya ang kaniyang naipon na itinago sa poste nang kawayan para hindi makita nang ina
at iwaldas nanaman sa alak, sa lahat lahat nagkakahalga ito nang sampung libo, pinasok niya
ito sa wallet na gawa sa dahon nang niyog na kaniyang ginawa, at pinangalanang ‘Para Kay
Inay’ iniipon niya iyon para sana sa kaniya ngunit gusto niyang surpresahin ang ina sa araw
na iyon. Iniinda lang ni Francis ang kaniyang pasa kahit masakit ito, at nag-aral parin siya.
Sa araw rin na iyon ay nalaman niya na siya ang valedictorian sa kanilang klase. Sapagkat
ang hindi niya alam ay bibigay na ang kaniyang katawan dahil sa impeksiyon sa sugat dahil
sa pananakit nang ina. Dinala siya sa ospital ngunit huli na ang lahat. Nalaman ito nang ina
at pinuntahan ang bangkay nang anak at napagtanto na mag-isa nalang siya at kung gaano
kahalaga ang kaniyang kaisa-isang anak. Binigay sakaniya ang natitirang gamit ni Francis at
nakuha nang atensiyon niya ang may nakasulat na “Para Kay Ina” binuksan niya ito at
umiyak dahil kahit pagod at sinasaktan niya ito ay siya parin ang iniisip ni Francis, ngunit
huli na ang lahat at pinagsisisihan niya ang kaniyang mga ginawa.

You might also like