FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK UNANG SEMESTRE,
LINGGO 7-8 Pangalan: KARELLE ARAMBALA Baitang at Seksyon: 12 – MARX Paaralan: AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL Petsa: 11 – 10 – 21 Guro: GENEVIEVE LIGTAS GO Iskor:
IV. Gaano na ang iyong Natutuhan
Panuto: Basahin at sagutin ang nasa ibabang katanungan. Isulat sa ibinigay na ispasyo. Tanong: Kung ikaw ay susulat ng isang talumpati, ano-ano ang dapat tandaan? Kung ako ay magsusulat ng talumpati ay narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati: - Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati ay ang paggamit ng uri ng wika at mga angkop na salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng iyong mga tagapakinig. - Maglaan ng oras upang maghanda ng magandang paksa. - Magsaliksik tungkol sa iyong napiling paksa. Maaari ring gumamit ng dating kaalaman o karanasan. - Gumawa ng pagbabalangkas ng ideya. Hatiin ang iyong talumpati sa tatlong bahagi: ang simula o introduksyon, katawan at katapusan o konklusyon. - Maging sensitibo. Isaalang-alang na kailangan mong kunin ang atensyon ng iyong mga tagapakinig. - Tandaan na isa sa mga katangian ng isang talumpati ay ang paggamit ng mga tayutay na nakakatulong sa pagganyak at panghihikayat sa iyong mga tagapakinig.
Iyan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang talumpati.
TAYAHIN 1. B 6. D 2. D 7. A 3. A 8. B 4. B 9. B 5. C 10.A