You are on page 1of 2

Gawain 3: Malikhaing Pagsulat

Panuto: Gumawa ng isang Talumpati tungkol sa kasakuluyang isyu sa inyong lokalidad.


Gawing patnubay ang gabay sa pagsulat ng talumpati. Isulat sa ibinigay na ispasyo.

Edukasyon Ngayong Pandemya


Dahil sa nakamamatay na COVID-19, maraming bagay ang nagbago,
kabilang na ang sistema ng edukasyon sa bansa. Ayaw namang ihinto muna ang
pasukan ngayong taon kaya naman humanap na lamang ng alternatibo ang
pamahalaan upang kahit papaano ay may matutuhan pa rin ang mga mag-aaral.
Ngunit ang biglaang transisyon mula sa face to face classes mula sa blended
learning gamit ang mga modyuls at online classes ay nagturo ng aral hindi
lamang sa mga mag-aaral kung hindi sa buong sistemang pang-edukasyon sa
bansa.

Tinuro ng pangyayaring ito na maraming bahagi ng akademya ang tila


hindi naging handa. Mukhang mas marami ang nasanay na sa kalidad ng
edukasyon na mayroon na lamang sa bansa. Lumabas na maging ang Department
of Education ay hindi handa sa mga ganitong kaganapan. Patunay nito ay ang
mga kamailan sa modules at sa mga materyales at bidyo na ginagawa ng DepEd
na napuna rin ng maraming mag-aaral at magulang. Napagtatakang maraming
mali sa mga konseptong itinuturo kahit na dapat ay bihasa na ang mga ito sa
usaping ito dahil lagi naman nilang itinuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Talaga namang maraming aral ang ibinigay ng pandemya at bagong


sistema ng edukasyon sa bansa sa ating lahat. Dapat laging maging handa at
laging ibigay ang kahusayan sa edukasyon, may pandemya man o wala.

IV. Gaano na ang iyong Natutuhan


Panuto: Basahin at sagutin ang nasa ibabang katanungan. Isulat sa ibinigay na ispasyo.
Tanong: Kung ikaw ay susulat ng isang talumpati, ano-ano ang dapat tandaan?
Kung ako ay magsusulat ng talumpati ay narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati:
- Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati ay ang paggamit ng uri ng wika
at mga angkop na salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng iyong mga
tagapakinig.
- Maglaan ng oras upang maghanda ng magandang paksa.
- Magsaliksik tungkol sa iyong napiling paksa. Maaari ring gumamit ng dating
kaalaman o karanasan.
- Gumawa ng pagbabalangkas ng ideya. Hatiin ang iyong talumpati sa tatlong bahagi:
ang simula o introduksyon, katawan at katapusan o konklusyon.
- Maging sensitibo. Isaalang-alang na kailangan mong kunin ang atensyon ng iyong
mga tagapakinig.
- Tandaan na isa sa mga  katangian ng isang talumpati ay ang paggamit ng mga
tayutay na nakakatulong sa pagganyak at panghihikayat sa iyong mga tagapakinig.

Iyan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang talumpati. 

TAYAHIN
1. B 6. D
2. D 7. A
3. A 8. B
4. B 9. B
5. C 10.A

You might also like