Professional Documents
Culture Documents
Akademik Linggo 1
Akademik Linggo 1
PERPETUAL HELP
SYSTEM DALTA
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
1st Semester, School Year 2021 – 2021
ARALIN 7 - SAGOT
Ang character sketchay isang anyo ng sanaysay na naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa
isang tao, hayop, bagay, o lugar tungo sa isang impresyon o kakintalan, o kaya’y insight o
kabatiran.Ito ay nagsisimula sa paghahanay ng mga naoobserbahang datos tungkol sa paksa, at
pagkatapos, pinatitingkad ang isang mas malalim o di-lantad na katangian nito.Marahil nakilala
ito bilang character sketch dahil binibigyang-diin nito ang charactero mga katangiang panloob na
tinataglay ng isang indibidwal o bagay.*Mas karaniwang gawan ng character sketch ang mga tao.
Sa hayop, maaring ilarawan ang kaaya-ayang ugali nito; sa bagay, maaaring ang personal na silbi
nito sa siang tao; at sa lugar, maaaring ang natatanging kahalagahan nito sa isang pamayanan.Sa
pagpili ng paksa, isaalang-alang ang dalawang bagay:Una, pumili ng paksa na pamilyar sa
manunulat. Para magawa ito, kailangang kilalang kilala ng manunulat ang paksa upang
mapalinaw niya ang katanginan o kalikasan ng paksa.
Alabang-Zapote Road, Pamplona 3, Las Piñas City, 1740 Philippines • Tel. No.: (02) 871-0639
www.perpetualdalta.edu.ph
Las Piñas Campus