You are on page 1of 2

Ang panunuring pampelikula 

ay pagsusuri o kririsismo ng isang pelikulang napapanood o natanghal,


kung saan ay pinag-aaralan ang bawat element – ang kwento, pagdidirek at pagkakaganap ng mga
aktor / aktres, ang sinematograpiya, ang mensaheng inilalahad at iniiwan sa manonood – at ang
kagalingan ng bawat isa sa mga ito.

                Dito ay masasabi ang kalakasan at kamalian ng bawat punto. Nakapaloob din ditto ang personal
na reaksyon ng manunuri at maaaring isama ang mga detalyeng makapagpapatibay sa naiwan sa iyong
reaksyon. (kung ano ang ispesifikong pangyayari na nagkaroon ng impact sa iyo)

 Ang manunuri ng pelikula

Ang pelikulang pilipino ay itinatag noong Mayo 1,1976, upang suriin ang mga pelikulang Pilipino,
pasiglahin ang dayalogo ng mga manonood at ng industriya ng pelikula.

                 Paano sa pagsusuri ng pelikula?

·         Pinag-aaralan ang mga tunguhing makapagpapahusay sa pelikula.

·         Linangin ang kaalaman sa tungkulin ng pelikula bilang midyum ng ekspresyon at komunikasyon.

·         Pagkilatis ayon sa mabisang pagsasanib ng nilalaman at pamamaraan.

·         Pagkilala sa pelikulang may higit na makabuluhang nilalaman na walang kinikilingan

 Nilallaman

Itinuturing na higit na mahusay ito kung makatotohanan ang paglalarawan ng kalagayan ng tao mula sa
pananaw at kung ito ay tumatalakay sa karansanan na makahulugan sa higit na nakararaming
manonood.

 Pamamaraan

Itinuturing na masining ang isang pelikula kung nagamit ng mga filmmaker at napagsanib nang malikhain
ang iba’t ibang element ng pelikula – direksyon, dulang pampelikula, pagganap, sinematograpiya,
disenyong pamproduksyon, musika, editing at tunog.

 Pinakamahusay na pelikula

Nagpapakita ang pelikulang ito ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang element ng pelikula, sa antas
na di napantayan ng ga pelikulang kahanay nito.

 Pinakamahusay na director

Epektibo siya kung matagumpay sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula. Magawa nyang ipabatid
ang kanyang pagkaunawa sa material sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang
element ng pelikula.

 Pinakamahusay na dulang pampelikula

Epektibo ito kung may makabuluhang nilalaman o karanasang sinusur. Ito binabalangkas sa paraang
orihinal ayon sa pangangailangan ng midyum ng pelikula.

 Pinakamahusay na pagganap
Sa isang pelikula , epektibo ito kung matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mga
manonood sa tauhang kanyang inilalarawan, nilinawan sa mga motibong nagpapakilos sa mga tauhan, at
maging saksi sa mga ugnayang personal at sosyal ng tauhan.

You might also like