You are on page 1of 9

1 1

MANAGEMENT and DEVELOPMENT TEAM


Schools Division Superintendent : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor : Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Remylinda T. Soriano, Ed.D
CID LR Supervisor : Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II – Lady Hanna C. Gillo
CID –LRMS PDO II – Albert James P. Macaraeg
Editors : George B. Borromeo, DEM - Public Schools District Supervisor
Teofilo R. Norombaba, Ed.D – Public Schools District Supervisor
Writer: Rizalina V. Castro
Illustrator: Christine Anne V. Castro
Lay out Artist : Rizalina V. Castro
Isang araw, galing si Nanay sa palengke…

Nanay, tutulungan ko na po
kayo sa inyong mga dala-dala.

Salamat anak. Pakilagay na


lang sa mesa at ako na ang
mag-aayos.

Tiningnan ni Shammy ang mga pinamili ni Nanay.

Wow! Ang dami naman nitong


mga gulay at prutas.
Oo anak. Kailangan
natin ang mga
sariwang gulay at
prutas lalo na ngayong
may pandemya.
Kailangang manatili
tayong malakas at
malusog.

Inilagay ni Shammy ang mga basket sa mesa.

Wow! Lahat po yata


ay paborito ko.

Naku anak, bago mo kainin


ang mga iyan ayhugasan mo
Opo nanay. muna ha.
Habang inilalabas ni Nanay ang mga prutas…
Nanay, kanina po sa online class
namin, itinuro po sa amin ni Gng
Perez ang Ordinal Numbers.

Talaga anak! Ano ba ang


Ordinal Numbers?

Ang ordinal numbers po ay ginagamit upang ipakita


ang posisyon o kinalalagyan ng isang bagay . Ang 1st,
2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th hanggang 10th ay
mga halimbawa ng ordinal numbers.

Sige nga anak, ipakita mo nga sa akin kung


paano gamitin ang ordinal numbers?
Pagkatapos ng ilang sandali…

Hayan po nanay!
Napagsunod-sunod ko na
po ang mga prutas na
aking huhugasan.

Ang galing mo naman


Shammy. Nilagyan mo na rin
pala ng posisyon gamit ang
ordinal numbers na 1st
hanggang 10th.

Opo. Para alam ko


po kaagad kung alin
ang unang kong
huhugasan.
Tingnan mo naman itong mga
gulay sa mesa. Sabihin mo sa
akin kung anong gulay ang
pang-anim o 6th

Ang gulay na pang-anim o


Oo tama ka!
6th ay bocolli. Tama po ba?
Ano naman ang posisyon ng sitaw?
Hmm… Ang sitaw po
ay pangatlo o 3rd !

Mahusay ka
Shammy.

E, ano naman ang posisyon ng


repolyo? Ikasampu o 10th po!
Alam mo ba kung bakit
Shammy ang pangalan mo? Talaga po! Kaya po
Kasi ikaw ang pansiyam na pala Shammy ang
apo ng mga lolo at lola mo. pangalan ko kasi
pansiyam po ako sa
magpipinsan.

Oo Shammy,
tama ka!

Maraming salamat din


Alam mo anak, po Nanay sa patuloy
natutuwa ako dahil po ninyong paggabay
marami kang at pag–aalaga sa
natutuhan sa iyong akin.
online class.

At masayang niyakap ni Shammy ang kanyang Nanay.


Mula sa ibaba, kulayan nang wasto ang
scoop ng sorbetes ayon sa isinasaad sa
pangungusap.

1. Kulayan ng asul ang 1st scoop.


2. Kulayan ng dilaw ang 9th scoop.

3. Kulayan ng dilaw ang 3rd scoop.


4. Kulayan ng pula ang 2nd scoop.
5. Kulayan ng asul ang 4th scoop.
6. Kulayan ng pula ang 8th scoop.

7. Kulayan ng asul ang 10th scoop.


8. Kulayan ng pula ang 5th scoop.

9. Kulayan ng dilaw ang 6th scoop.


10. Kulayan ng asul ang 7th scoop.

Ang mga bilang na 1st hangang 10th ay


tinatawag na_____________________
___________________________________

Kung nagawa mo ang gawain nang


wasto ikaw ay MATHerrific!

You might also like