You are on page 1of 2

PANGAWALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT

S.Y. 2021-2022
FILIPINO 8
Guro: Ren Denver Renato L. Dequiña II
Name: _____________________________________ Date: ______________
Year and Section: __________________________ Score: _____________
I: Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at isulat
naman ang mali kung ito ay nagsasaad ng kasinungalingan.
1. Ang saknong ay ang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Tugma, magkakatunog na salita sa hulihan ng bawat taludtod.
3. Kailangang alam ng makata o sumusulat ng tula ang anyo ng tulang isusulat.
4. Hindi na kailangang pumili ng tema na nais maging pokus o tuon ng tula.
5. Bago sumulat ng tula, kinakailangang maging pamilyar sa mga nilalaman ng tula.
6. Ang talinghaga o kariktan ay tumutukoy sa linya o hanay ng mga salita sa tula.
7. Kinakailangang may kaisahan ang mga saknong ng tula.
8. Alamin kung para kanino o sino ang target ng isusulat na tula.
9. Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
10. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas Eugenio ang balagtasan.
11. Ang balagtasan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang pasayaw.
12. Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang mambabalagtas na nagtatalo sa isang
paksa at isang lakandiwa na nagpapadaloy ng palitan ng katwiran.
13. Isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas noong 28 Marso 1924.
14. Ikinulong noon si Francisco Balagtas Eugenio dahil sa ilegal na balagtasan laban sa mga espanyol.
15. Karaniwang itinatanghal ang balagtasan sa entablado.
II: Panuto: Tukuyin kung ang mga pangungusap ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagsalungat.
1. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga pahayag na iyan.
2. Sadyang hindi patas ang batas sa mga mahihirap at walang kapangyarihan.
3. Tama ngang hindi dapat maniwala kaagad sa mga pangako ng politiko.
4. Maling-mali ang pananaw ng ilan na hindi maaabuso ang isinagawang batas na iyan.
5. Hindi ako sang-ayon sa naging pasya ng aming pinuno na unahin ang ibang bagay kaysa sa
pandemyang ito.
6. Hindi ko gusto ang sinabi ng nanay mo na pangit ako.
7. Ako ay nasa iyong panig dahil ako ay naniniwala na ang manok ay kamag-anak ng mga dinosaur.
8. Suportado ko ang iyong opinyon dahil saksi ako sa hirap na ating dinanas sa mga mayayaman na
iyan.
9. Mali ang iyong pahayag na may mahal akong iba dahil kahit kailan hindign hindi mawawala ang
aking pagmamahal sa iyo.
10. Hindi ako sang-ayon sa gusto mong mag alaga ng itik.
11. Dapat lamang na ipaglaban mo ang inyong pagmamahalan kahit grade 8 ka at grade 7 lang siya.
12. Hindi ako papayag na manligaw ka na anak dahil bata ka pa at malayo pa ang iyong mararating sa
buhay.
13. Gawin mo lang ang gusto mo anak, nandito lang kami ng iyong itay para suportahan ka sa abot ng
aming makakaya.
14. Ayokong mag pulis ka anak.
15. Sige, kung yan ang iyong nais ay susuportahan kita bilang iyong kaibigan.

III: Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ba ay naganap, nagaganap, o magaganap.


1. Ipinagluto ako ni Sabrina ng aking paboritong ulam.
2. Alam ko na mamahalin mo rin ako.
3. Opo, pupuntahan ko po mamaya.
4. Wag kang maingay kasi natutulog si mama.
5. Naglalaba ako dahil ako ay masipag at mabait na anak.
6. Maglalaba ako bukas kung wala akong pupuntahan.
7. Ano Rodrigo? Nabili ba ni Dondon yung ice cream na pinapabili ko?
8. Binaril ng pulis yung holdaper sa kanto.
9. Sumama ako sa bundok.
10. Huwag kang magulo dahil nagtatahi ako.

You might also like