You are on page 1of 2

DAILY CUP: EPISODE 51 “MALASAKIT SA TEMPLO”

November 9, 2021 (Tuesday)

Intro: Bagong umaga, bagong pag-asa, Good morning and welcome to Talk Life
Channel and you’re watching Daily Cup, ang inyong Morning ka-kwentuhan, ka-
kulitin, kasama sa panalangin at pagninilay.
Ako po ang inyong kaDCUP Bro. Henz Dignosanto.

Ngayon po ay November 9, 2021 (Tuesday).


(spill)…

Kahapon nabanggit ko kung paanong magalit ang Panginoon. Ito’y hindi katulad ng
galit natin na kung minsan ay nagagalit tayo dahil galit tayo na nagtutulak sa atin
upang maghiganti at humiling ng Hindi maganda sa ating kapwa gaya ng “madapa
ka sana”.

PAANO KABA MAG MALASAKIT SA MAHAL MO?

Ihanda po natin ang atin pong mga sarili para sa mga pagbasa po natin ngayong
araw na ito.

GOSPEL: Juan 2:13-22

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pagtatalaga sa tinaguriang Simbahang Palasyo


ng Roma: ang Arkibasilika ni San Juan Laterano. Ito ay isa sa mga 4 na malalaking
simbahan sa Vatikano, at ang pinakamatanda sa siyudad. Ang pagdiriwang ng
Kapistahang ito ay nagbibigay-halaga sa Templo.

- TATLONG KLASE NG TEMPLO NA TINUTUKOY SA BIBLE??


 MAN MADE - ang templo bilang banal na tahanan ng Panginoong Diyos. Alam
natin sa kasaysayan, ang unang templo sa Jerusalem ay itinayo ni Haring
Solomon, at naging paninirahan ng Kaban ng Tipan ang templong ito. Subalit
ito’y nawasak nang sakupin ng Babilonia ang Juda. Ngunit nang bumalik ang
mga Hudyo mula sa pagkaalipin, hinangad ni Zerubabel na itayo ang
ikalawang templo para sa Panginoon. At sa loob ng 46 taon, ito’y pinaganda
ni Haring Herodes Magno.

 KATAWAN NI CRISTO - Nang tinanong ng mga Pariseo sa Ebanghelyo kung


anong kababalaghang gagawin nito upang patunay sa kanyang ginawang
paglilinis ng templo, sinabi ni Hesus na gibain nila ang templo, at itatayo nila
ito muli sa loob ng 3 araw. Sinabi ni San Juan na itinutukoy rito ay ang templo
bilang Katawan ni Kristo, na siyang naalala ng mga alagad nang si Hesus ay
muling mabuhay 3 araw pagkalipas ng kanyang kamatayan sa Krus, at sila’y
sumamapalataya sa Panginoon. Kaya ang Simbahan ay tinaguriang Katawan
ni Kristo, at madalas banggitin siya bilang Kasal kay Kristo. Dahil si Hesus ay
nag-alay ng buhay sa Krus at muling nabuhay para sa ikabubuhay ng
Simbahan. Kaya si Hesus ay ang itinutukoy ni Ezekiel sa Unang Pagbasa na
templo na kung saan umaagos sa kanang tagiliran ang tubig patungo sa apat
na dako. Ito ang pagdanak ng dugo at pag-agos ng tubig mula sa sinugatang
tagiliran ng Panginoon para sa bagong buhay ng buong sanlibutan, lalung-lalo
na ng Simbahan. Ito ay nangyari upang tayo ay ipagkaisa sa ating Diyos Ama.

 ATING KATAWAN - ang templo ay ang pananahan ng Espiritu Santo; bagkus,


tayo ang templo ng Diyos. Ito ang patotoo ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa
na ang ating katawan ay sagrado. Mas higit pa diyan ang buhay natin bilang
sagrado sapagkat ito’y biyaya at pamamay-ari ng Panginoong Diyos. Kaya
ang anumang paglalapagstangang ginagawa natin sa ating katawan ay isang
kasalanan laban sa kanya. Kabilang dito ang paghahamak ng ibang tao sa
pamamagitan ng pagpapatay, pang-aabuso, at iba pang pananakit.

ANG MALASAKIT NI CRISTO AY –


ANG TEMPLO – Ito ay larawan ng ating buhay na dati’y ang nananahan ay presensiya
ng Diyos. Ngunit dahil sa kasalanan ito’y parang naging isang maraming palengke.
Hindi naman natin sinasabi na masama ang palengke. Ito’y pagsasalarawan lang ng
paglapastangan at hindi paggalang sa tahanan ng Diyos.
Nagkaroon ng corruption ang templo at Nawala ang kasagraduhan nito.

Ganun kalalim ang pagpapahalaga ni Cristo sa atin bilang Templo ng Espiritu ng Diyos,
na kahit ang Kanyang sariling katawan ay handa niyang ialay para sa atin. Upang
gawing banal na muli. Kaya nga sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya tayo ay
muling naging isang katawan at hindi lang basta katawan kundi Katawan ni Cristo na
siyang pinananahan ng Espiritu Santo.

You might also like