You are on page 1of 2

DAILY CUP: EPISODE 52 “HEALED AND RUN”

November 10, 2021 (Tuesday)

Intro: Bagong umaga, bagong pag-asa, Good morning and welcome to Talk Life
Channel and you’re watching Daily Cup, ang inyong Morning ka-kwentuhan, ka-
kulitin, kasama sa panalangin at pagninilay.
Ako po ang inyong kaDCUP Bro. Henz Dignosanto.

Ngayon po ay November 10, 2021 (Wednesday).


(spill)…

ANO ANG GINAGAWA NG ISANG TAONG MAY UTANG NA LOOB?

Ihanda po natin ang atin pong mga sarili para sa mga pagbasa po natin ngayong
araw na ito.

GOSPEL: LUKE 17:11-19

 HIT AND RUN. Ito daw yung tawag sa mga taong nakasagasa at hindi
pinanagutan yung nadisgrasya. Hindi lang ito sa applicable sa disgrasya sa
kalsada kundi pati sa mga nabuntis na hindi pinanagutan. At pwede rin ang
terminong ito sa mga inutangan at tinakbuhan.

 EAT AND RUN. Ito naman para sa mga matapos makinabang ay o makakain
sa handaan ay tatakbo na paalis. Pwedeng dahil nagmamadali at
understandable ang lakad, pero minsan dahil sa pagkain lang habol sa
handaan.

 HEALED AND RUN. Ito naman yung sa Ebanghelyo natin ngayon kung saan
may sampung ketongin na pinagaling ngunit isa lang ang nagbalik upang
magpasalamat sa Panginoon. And take note: ito’y hindi pa nila kalahi dahilsa
ito’y isang Samaritano. Hindi ba minsan kapag tayo’y nakatatanggap ng
himala napapa-thank you LORD tayo?? Pero imbis na mapalapit sa Panginoon
ay sila pa ay napalayo. Parang istorya ng mga taong matapos pagpalain ng
Diyos ay kinalimutan ang Diyos.

 HEALED AND RUN TOWARDS JESUS. Napaka ganda ng response ng


Samaritanong ito dahil sobrang pasasalamat niya sa natanggap niyang
himala. Imagine ang makaroon ng ketong ay di biro. Isolated ka sa maraming
tao, iakw pa magsasabi na ikaw ay marumi para lumayo ang mga tao,
pandidirihan ka, hindi mo pa mayayaka p ang iyong pamilya. Kaya laking
tuwa ng Samaritanong ito at sobrang pasasalamat niya sa Panginoong dahil
hindi lang maganadang kalusugan ang naibalik sa kanya kundi pati buong
pagkatao.

KAPAG NAKARARANAS NG HIMALA, MATUTONG MAGPASLAMAT AT MAS LALO PA


NAWANG MAPALAPIT SA PANGINOON IMBBIS NA PAPALAYO

You might also like