You are on page 1of 3

DAILY CUP: EPISODE 52 “PAGDATING NG PANAHON”

Intro: Bagong umaga, bagong pag-asa, Good morning and welcome to Talk Life
Channel and you’re watching Daily Cup, ang inyong Morning ka-kwentuhan, ka-
kulitan, ka-good vibes at ang inyong kasama sa panalangin at pagninilay.
Ako po ang inyong kaDCUP Bro. Henz Dignosanto.

Ngayon po ay November 11, 2021 (THURSDAY)


May mga bagay na minsan gusto nating imani obra katulad ng panahon dahil gusto
agad natin makamit ang mga bagay bagay. Kaya nga gumagawa na ang tao ng
maraming kapamaraanan para mapabilis o maging instant lahat. Sometimes
convenient pero may mga pagkakataong may disadvantage.

ANO BA ANG HINIHINTAY MO PAGDATING NG PANAHON?


e.g.
PAgdating ng panahong yayaman ako, gaganda ako, magkakatrabaho ako,
makakabayad din ako, makakalaya din ako, mag-aasawa din ako, magugustuhan
niya rin ako.

Kaso sa panahong ngayon ang tao puro sana all nalang. Hehehe
Wala na yung motivation na “somedt down the road…” I’ll be buy a new house etc.

Ihanda po natin ang atin pong mga sarili para sa mga pagbasa po natin ngayong
araw na ito.

GOSPEL: LUKE 17:20-25

Ang buhay natin sa mundo ay may mga naktakda nang design for every season.
Alam natin kung kelan iinit, kung kelan lalamig at kung kelan tayo maghahanda
dahil alam na natin ang takbo ng panahon. Sa pamamagitan din ng calendar
nagagawa nating magplano sa buhay natin. Bata pa nga lang ang mga bata alam na
natin kung saan natin siya ipipasok na eskwela.
Sa bawat circumstansiyadin ng buhay natin may kanya kanya ding ng panahong.
Sabi nga sa aklat ng mangangaral, (3:1- ).

May Takdang Panahon para sa Lahat


3 Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay;


ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.


Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling;

ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo.


Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa;

ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang.


Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito;

ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.


Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon;

ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon.


Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi;

ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita.


Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot;

ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.

At lahat yan nadaanan ng ng mundong ito.

Ako nga po eh diko akalaing makakapagtapos ako ng pag-aaral sa kabila ng mga


dagok sa buhay. Ang mga magsasaka bago sila umani ay kinakailangan munang
umani.

Ang Diyos ay mayroon ding panahong o timeline. Bagay na di sakop ng ating


jurisdiction. Ipinapahayag Niya lamang sa tao ang Kanyang plano dahil tayo ang
makkinabang nito. Alam Niya kung kalian ito ieexcecute kaya hindi natin trabaho
na ito’y madaliin. Pwede kang mag express ng kasabikan ngunit ang tulad ng mga
unang Christians ang prayer nila ay Maranatha na ang ibig sabihin ay “Come Lord”
ngunit ang araw nayun ay nasa Diyos parin nito ay na Diyos.

Ang kailangan lang ay gawin ay


- Maghintay.
- magtiwala sa Kanyang plano.
- Manatili sa Kanyang pagmamahal.
- Magpatuloy sa paglilingkod sa Kanya
Humihingi ng mga kakaibang tanda ang mga Hudyo sa pagdating ng paghahari
ng Diyos. Ngunit ang totoo pala ay nagsimula na ang paghahari nito sa bawat
puso ng mga nananalig. At ito’y magkakarooon ng buong kaganapan sa muling
pagdating ng Panginoon.

Hangga’t nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa iyong puso ito’y iyong ingatan
hanggang sa dumating ang panahong hindi man natin maabutan ang muling
pagbabalik ng Panginoon, at least hangang sa ting paglisan sa mundo.

Laging may magandang ani ang mga marunong maghintay sa pagdating ng


panahong.

You might also like