You are on page 1of 2

DAILY CUP: EPISODE 54 “PRAY UNCEASINGLY”

Intro: Bagong umaga, bagong pag-asa, Good morning and welcome to Talk Life
Channel and you’re watching Daily Cup, ang inyong Morning ka-kwentuhan, ka-
kulitan, ka-good vibes at ang inyong kasama sa panalangin at pagninilay.
Ako po ang inyong kaDCUP Bro. Henz Dignosanto.

Ngayon po ay November 13, 2021 (SATURDAY)


Thank God it’s Saturday. At ag bilis ng araw. Talagang hindi na natin mapipigilan,
ang ating pagtanda.

QUESTION:
Nakaranas naba kayong manghinawa o sumuko sa isang bagay?

GOSPEL: LUKE 18:1-8

May dalawang character sa parable na ibinahagi ng Panginoon sa ating


Ebanghelyo:

- HUKOM, na walang kinikilalang Diyos at walang iginagalang na


sinuman. Itoy’y simbolo ng paghihirap, pang-aapi at kawalan ng
malasakit at katarugan.
- Babaeng Balo, na simbolo ng lahat ng mahihirap, mahihina, at walang
laban.

Marahil ay isinama ni San Lucas ang turong ito ng Panginoon upang


paalalahanan ang mga kapatid na Kristyano noong kanyang panahong dahil
kinakaharap nilang crisis sa pananampalataya at upang bigyan sila ng pag-
asa. Dahil tulad ng isang ordinaryong tao, nakaranas din sila ng kawalan ng
pag-asa dahil sa sitwasyon na para bang walang nangyari sa ginagawa nilang
panalangin at tila baga mailap ang katarungan sa gitna ng malupit na
kapalaran.

Ngunit gaya ng sinabi sa ating Mabuting Balita, tinuruan ng Panginoon ang


kanyang mga alagad na huwag manghinawa sa pananalangin na parang ang
pangyayaring ito’y inihanda na Niya para sa mga nasisiraan na ng loob sa
buhay.
Why we should pray unceasingly?

1. Because God is good.


Kung ang masamang hukom ay naibigay ang katarungan sa Balo how much
more ang Mabuting Diyos.

2. Because your prayers are not in vain.


Walang sayang sa iyong paulit-ulit na paglapit kaya kailangan lang nating
kumapit. Ito’y kanyang dinirinig at tinutugon. Malamang kung nagawa na
Niya ito noon magagawa rin Niya ito ngayon. Lalo na’t ang ating panalangin
ay para sa ating ikabubuti.

3. Because He loves us.


Atin po itong panghawakan. Dahil Siya’y nagmamahal, Kanyang
ipagtatanggol kapag naaapi ang Kanyang mga mahal. He will not reject us.

Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all


 

circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you.
– 1 Thessalonians 5:16-18

Ang babaeng balo na bagamat salamin ng lahat ng mahihina at walang laban,


mayroon siyang nag-iisang sandata, ang pagpupursige. Kahit ilang beses syang
nireject hindi siya tumigil na makamit ang katarungan na hinihingi niya.

Bagama’t mailap talaga kung minsan ang katarungan dito sa lupa, Mayroong
Diyos na dakila sa lahat ang magkakaloob ng tunay na katarungang hindi
kayang ibigay ng mundo.
Huwag nating sukuan ang pananalangin hanggang sa Kanyang muling
pagdating.

You might also like