You are on page 1of 2

DAILY CUP: EPISODE 53 “PAGHAHANDA”

Intro: Bagong umaga, bagong pag-asa, Good morning and welcome to Talk Life
Channel and you’re watching Daily Cup, ang inyong Morning ka-kwentuhan, ka-
kulitan, ka-good vibes at ang inyong kasama sa panalangin at pagninilay.
Ako po ang inyong kaDCUP Bro. Henz Dignosanto.

Ngayon po ay November 12, 2021 (FRIDAY)


Dalawang linggo nalang at Christ the King na. Papasok nanaman tayo sa panahong
ng Adbiyento at konting tulog lang ay Pasko nanaman. Tapos New year nanaman.
Ang daming handaan. Jan ka mabibilib sa mga Pilipino minsan pagdating sa mga
handaan kahit naghihirap ay nagagawan ng paraan. Lahat gagawin ng paraan
mairaos lang. ay yan po ang pag-uusapan natin ngayong umaga. Paghahanda.
Malamang yan ang ginawa ninyo kagabi at maging ngayong umaga.

QUESTION:
BAKIT IMPORTANTE ANG PAGHAHANDA?

GOSPEL: LUKE 17:26-37

Maraming klaseng paghahandang ginagawa ang mga tao ngayon. Paghahanda


sa hinaharap, patungkol sa edukasyon, Negosyo, sakuna, sa kapangakan,
paghahanda sa mga importanteng okasyon at maging sa kamatayan.
Ang pagbasa natin ngayon ay nagpapaalala na lahat ng bagay ay may wakas.
Sabi nga natin kahapon sa aklat ng Mangangaral (3) ay lahat ay may kanya-
kanyang panahon at isa na dito ay ang nulling pagbabalik ng Panginoon. Ito
ang dapat nating paghandaaan higit sa lahat sapagkat ang lahat ay mawawala
ngunit ang Kanyang Salita ay hindi mawawalan ng bisa.

BAKIT IMPORTANTE ANG PAGHAHANDA?


(practical answer)

1. DAHIL HINDI NATIN ALAM KUNG KAILAN. Walang nakakaalam.


MATTHEW 24:36 -  “But of that day and hour no one knows, not even
the angels of heaven, but My Father only.

2. DAHIL ANG WAKAS AY MAY KATIYAKAN.


3. UPANG HINDI TAYO MAGSAYANG.
Efeso 5:15-17 - Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay.
Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.  Gamitin
ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng
kasamaan ang kasalukuyang panahon.  Huwag kayong maging hangal. Sa halip,
unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Ang pagdating ng Panginoon ay may katiyakan kaya dapat itong


pinaghahandaan higit pa sa anumang mga ating pinagkakaabalahan.

God does the planning, we do the preparing.

You might also like