You are on page 1of 6

OSIAS. SIMPLICIO JR. A.

BSE 3-B

YUNIT 1

B. Indibidwal na Gawain
Mahirap magsagawa ng pananaliksik. Higit pang nagiging mahirap ang pananaliksik dahil sa iba’t
ibang hamon na kinakaharap sa pagsasagawa nito sa larang ng wika at panitikan. Bilang magiging
tagapagsulong ng pananaliksik sa wika at panitikan, ano-anong mga hakbang ang kailangang isagawa
upang matugunan ang mga hamon na ito. Pumili ng hindi bababa sa limang (5) hamon sa pananaliksik
sa wika at panitikan. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Hamon sa Pananaliksik Interbensiyon, Programa o Proseso na Maaaring Gawin upang Tugunan ang
sa Wika at Panitikan Hamon

Kakulangan ng Madali lamang ang paraan upang matugunan ang kakulangan, ito ay sa
Oportunidad simpleng pag gamit natin ng wikang Filipino bilang medyum sa pag gawa ng
pananaliksik, dapat din ay maging oberbado tayo aa

Paglitaw ng mga Maling Ang mainam na gawin dito ay e rebyu ang mga sinaunang mga datos at
Kamalayan at Kaisipan itanong sa mga pangkat na kinabibilangan ng mga naturang datos, tatanungin
ukol sa kulturang natin sila kung akma ba ang mga nakalimbag sa mga naunang nasaliksik.
katutubo at kaalamang
Gawan din ng dobleng pagsusuri ang mga datos na galing sa banyaga dahil
bayan.
dito di umano kadalasang nagkakaroon ng mga maling impormasyon ukol sa
mga datos, kung kaya't ang isa oang maganda paraan na gagawin ay personal
na puntahan ang mga katutubong oangkat upang makakuha ng mas kredible
na mga kasagutan at datos.

Kahinaan sa Pagpili ng Upang ito ay maagapan, madadaan natin ito sa simpleng paraan kagaya ng
Paksa pagsasaalang-alang sa pagpili ng paksa na dapat ay nasa saklaw ng interes ng
mananaliksik, marapatin din nating manaliksik ng mga problema sa lipunan
na mayroong malaking epekto sa komunidad at hangga't maari piliin natin
ang mga pananaliksik na malapit lang sa atin upang hindi tayo gaanong
mahirapan sa pangongolekta ng datos at mas lalong mapabisa natin ang ating
isasagawang pananaliksik .

Kakulangan ng mga Ito ay dahil sa kakaunti lamang ang mga aklat na naillimnag ukol dito at
Babasahin karamihan pa ay hawak ng mga sikat na unibersidad dito sa Pilipinas, kung
paano natin ito masosolusyunan ay simple lang, sa pamamagitan ng pag gawa
ng mas marami pang kopya at ang pinaka epektibong paraang aking nakikita
ay paglikha ng kopya na ilalagay sa internet o e-book kung tawagin dahil kung
kailangan man natin ng mga mapagku kuhanang impormasyon ay mas madali
na tayong makakuha kahit saang lupalop ng mundo.
Ingles bilang Lehitimong Dahil sa suliraning ito ay nagpapahirapan ang mga mananaliksik ng kumuha
Wika ng mga datos at impormasyon dahil ito ay nakalimbag sa wikang ingles kung
atin naman itong babaybayin ay maaring maiba natin ang kahulugan ng
nakasaad, mahihirapan at matatagalan pa tayo sa pag baybay. Ang pinaka
magandang solusyon dito ay ang pagpapayabong natin sa ating sariling wika,
panatilihin nating buhay ang wikang filipino at aktibo sa lahat ng aspeto.

KARAGDAGANG GAWAING PAMPAGKATUTO - Reaksiyong Papel

Pananaliksik, Daan sa Modernisasyon ng Wikang Filipino.

Malaki ang pangangailangan sa pagtatanghal ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan sa


pamamagitan ng paggamit nito sa pananaliksik.

Ang kakulangang pansin natin sa wikang filipino ay napapabagal sa pag-unlad nito lalo na at
kalimitan natin itong nagagamit sa ating pananaliksik at kakulangan narin sa mga gurong
eksperto sa pananaliksik, gayundin ang kakulangan ng mga programang dapat na makakatulong
sa pagpapahusay sa mga guro sa aspeto ng pananaliksik.

Nabanggit sa tekstong aking nabasa na kulang tayo ng aklat sa agham at gawaing teknikal na
nakasulat sa Filipino, dalawa ang pinaka mabuting solusyon dito, una ay ang paglilimbag ng mas
marami pang kopya ukol dito o pag gawa ng mga bagong kopya sa mga luma at bagong
kaalaman na natuklasan at ikalawa ay ang paglimbag ng mga aklat sa paraang birtwal o e-book
kung tawagin, sa paraang ito ay mas madaling magkaroon ng access ang mga mambabasa na
kahit saang man lupalop sila ay kanila parin itong mabubuksan at makakakuha ng
impormasyon.

"Binigyang-diin niya na ang pagtuturo ng agham at matematika sa wikang Ingles ang


pangunahing dahilan kung bakit walang nagtatangkang gumamit ng wikang pambansa sa pag-
aaral nito". Masasabi nating malakas at makapangyarihan ang ating wika, ngunit para sa akin ay
kahit ano man sa mundo ay may hangganan, marahil ito na ang hangganan ng ating wika, na
hindi sa lahat ng bagay at aspeto ng pag-aaral ay kailangan nating gamitin ang wikang Filipino,
dahil may mga terminolohiya sa agham at matematika ang mahirap bigyan ng pagsasalin, kung
atin mang itong mabibigyan ng pagsasalin ay tiyak akong magugulumihanan ang karamihan sa
atin dahil hindi natin maikakailang nasanay na tayong basahin ang agham at matematika sa
medyum na ingles, para sa akin siguro nga'y mas mahirapan ang mga mambabasa na basahin
ang nilalaman ng pananaliksik kung ito ay nakasulat sa wikang filipino sa aspeto ng agham at
matematika.

Kung hindi kaya ng ating wika bilang medyum sa agham at matematika ay mapapayabong parin
naman natin ito, sa pamamagitan ng paggamit nito araw-araw, paggamit sa mga akademikong
sulating, pagpapahayag ng saloobin, pakikipagusap sa kapwa at higit sa lahat sa pamamagitan
ng pagmamahal at pagpapahalaga natin sa ating wika, sana'y huwag natin itong kalimutan at
ating itong pagyabungin sa mga simpleng paraan.

YUNIT 2

A. Indibidwal na Gawain

Ano-ano sa iyong palagay ang magiging kahalaagahan o epekto ng pagsasagawa ng pananaliksik sa


wika at panitikan? Maglista ng limang (5) kahalagahan o epekto ng pagsasagawa ng pananaliksik sa
wika at panitikan. Ipaliwanag din ang mga ito. Gamitin ang espasyo sa ibaba.

Kahalaagahan o Epekto Paliwanag


ng Pananaliksik sa Wika
at Panitikan

Napabubuti nito ang Nakaktulong ito upang mapanatili natin buhay at nasa tamang anyo o
ating lingguwistika. estruktura ang ating wika, dahil sa lingguwistika ay ito ang ating nagiging
tulay sa mas mabisang pakikipag talastasan sa kapwa. Gaming ang
lingguwistika ay nabibigyang halaga rin natin ang ating kulturang
kinabibilangan.

Nakapagbibigay ng mga Sa pamamagitan ng kaalamang pang wika ay nakapagbubigay ito ng mga


balita tamang impormasyon at datos na pwede nating ipabatid sa mga mambabasa
o manonood upang sila ay may kamalayan sa kung ano ang nagyayari sa
kaniyang paligid.

Nagiging mas epektibo Sa pamamagitan ng malikhaing wika ay nakagagawa tayo ng nagong kuwentp
ang ating pagiging at nakakabuo ng mga bagong mundong puno ng imahinasyon at mahika. Sa
Imahinatibo paraang ito ay mas nailalabas natin ang ating pagiging masining na kung saan
ay mas maipaliwanag natin ang ating mga saloobin. Karagdagan pa rito ay
makalilikha tayo ng mga panitikan na kamangha-mangha para sa mga
mambabasa.

Napapadali ang Gamit ang wikang filipino sa ating mga Asignatura ay mas lalo nating
pagsasagawa ng maiintindihan ang paksang tinuturo ng ating mga guro dahil ang kanilang
pangangalap kaalaman wikang ginagamit ay hango sa kinagisnan nating wika, karagdagan pa dito ay
mas lalo nating napapa unlad ang ati wika kapag ito'y ating patuloy na
ginagamit sa maraming aspeto sa buhay lalo na sa edukasyon.

Mas epektibo at Kung ating nililinang ang ating Wikang Filipino ay tiyak na makagagawa tayo
tugmang pagsasalin ng mas tugmang mga pagsasalin, kung mayroon tayong sapat na kaalaman sa
ating sariling wika ay madali na lamang nating maisasalin ang mga ingles na
panitikan sa ating sariling wika.

KARAGDAGANG GAWAING PAMPAGKATUTO - Reaksiyong Papel

Si Kenkoy bilang kuwelang ingles sa Komiks


Ang tinaguriang "Carabao English" ay inilalarawan bilang isang katawa-tawa at hindi kanais-nais na
paraan ng komunikasyon, dito palang ay mahihinuha na natin na ang Carabao English ay hindi dapat
natin ginagawang normal o parte ng ating komunikasyon, dahil ito'y walang katuturan. Kinikilala rin ito
bilang gawaing korupsiyon sa ating wika dahil hinahaluan ang ating sariling wika ng wikang banyaga na
kung saan alam naman nating ang hindj paggamit sa wika natin ng wasto ay nakaka apekto sa pagunlad
ng ating wika, kung kaya't hanggat maari sana'y panatilihin nating wasto at makabuluhan ang ating wika.

Nakasaad din na ang Carabao English ay epekto ng pagsasailalim ng pamamahala ng Estados Unidos sa
Pilipinas. Iminumungkahi ng pag-aaral na nagkaroon ng proseso ng akulturasyon sa wika kung saan
sinasalamin nito ang pag-angkin ng lipunang Pilipino sa mga dayuhang elemento, ngunit nagkaroon ng
pagtatakip upang maipagpatuloy ang diwang makabayan sa kabila ng kaayusang kolonyal na pinatatakbo
ng Estados Unidos sa bansa.

Naging malikhain ang pamamaraan ng mga Pilipino upang matamo ang kaginhawaan sa loob ng isang
kolonyal na lipunang pilit na sinusugpo ang malayang pagpapahayag ng saloobin at mga damdamin ng
bayan. Pumapasok dito ang pagpapatawa upang maitago ang kahulugan ng mga ipinagbabawal na mga
kaisipan at damdamin. Maari ngang masabi nating isang hindi katanggap-tanggap, ginamit din ang
Carabao English para sa pangungutya sa mga gawain ng mga dayuhan at ipinakita dito na sinadya ang
paggamit ng bastardong ingles upang ibahagi ang punto ng mga may-akda hinggil sa pagmamahal sa
sariling wika na kailan man ay hindi sila papayag na ipagpalit ito sa wikang banyaga. Malaking
pasasalamat natin sa ating mga ninuno at bayani na siyang nagligtas sa atin sa mga kamay ng mga
mananakop at atin ng nakakamit ang kalayaan at malaya narin tayong nagagamit ang ating sariling wika.
Ang pinaka mainam na gawin natin ay panatilihin nating buhay at patuloy sa pag unlad ang ating wika at
atin itong pahalagahan sa lahat ng oras.

C. Mahalaga ang pananaliksik sa wika at panitikan. Subalit, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng


asignaturang Filipino sa kolehiyo at ang pananaliksik gamit ang wikang Filipino, sadyang dumaraan sa
malaking pagsubok ang mga mag-aaral at guro sa Filipino. Para sa iyo, alin sa mga saklaw ng
pananaliksik sa wika atpanitikan ang kailangang bigyan ng matinding pokus? Pangatuwiranan ang
iyong pananaw. Ibahagi ito gamit ang espasyo sa ibaba.

Para sa akin, ang saklaw ng pananaliksik sa wika at panitikan na kailangang bigyan ng matinding pokus ay
ang Panitikan at Edukasyon, dahil konektado na rito ang lahat ng saklaw ng Pananaliksik sa wika at
panitikan. Edukasyon, makapangyarihan ang edukasyon sa maraming aspeto, gamit ang edukasyon ay
matatamas natin ang sapat na karunungan na siyang nagaganit natin sa hinaharap, edukasyon ang
magmunulat sa atin na tayo ay dapat makatao, maging mabait tayo sa kapwa at gawin ang nakakabuti
para sa lahat, edukasyon din ang nagturo sa atin upang tahakin natin ang tamang landas, gumawa ng
mabuti sa kapwa at gumawa ng mabuti sa sarili, umiwas sa mga bisyo kung maari at iwasan ang mga
maling gawi, edukasyon ang nagturo sa atin ng kasaysayan at nakaraan, ipinamulat satin ng edukasyon
kung ano ang ating mga napagdaanan bilang isang Pilipino, nalaman natin kung ano-anong mga bansa
ang sumakop sa atin at nalaman din natin kung gaano katapang at handang mag buwis ng buhay ang
ating mga bayani at ninuno at marami pang tulong ang dulot ng edukasyon, kayat hanggang may
pagkakataon tayong makamtan ang edukasyon, hangga't may opurtunidad tayong mag-aral ay atin itong
panghawakan dahil sobrang laking tulong ng edukasyon hindi lamang sa ating sarili, kung hindi pati ng
nakararami.

Panitikan, kung wala tayong panitikan siguro ay hindi natin malalaman kung ano ang ating kasaysayan,
kung wala ang mga manunulat na sumulat sa ating panitikan ay baka mahihirapan tayong kunin ang
impormasyon ng ating nakaraan, bagaman mayaman tayo sa panitikan ay may mga punto paring hindi
gaanong nabibigyang halaga ang ating mga literatura at mga panitikan lalo na ang mga may koneksyon
sa ating kasaysayan kung kaya't ang nakakarami ay nakakalimutan na nila ang ating kasaysayan, marahil
epekto ito ng kawalang kontrol sa kapangyarihan ng teknolohiya, dahil imbis na gamitin natin ang ating
mga libreng oras sa pagbabasa ng panitikan ay mas pinipili nating makihalobilo at makipag bangayan sa
mga tao sa internet ang mabisang gawin dito ay mag laan tayo ng oras sa pagbabasa lalo na sa mga
panitikan at lokal na literatura.

You might also like