You are on page 1of 26

Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas

Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda. Katulong siya


ng kanyang inang si Demiter sa pangangalaga sa mga halaman sa
lupa. Kung minsan ang mag-ina ay namimitas ng mga bulaklak na
basa pa ng hamog kung bukang-liwayway. Kung minsan naman ay
nakikipagsayaw si Proserpina sa kanyang mga kapwa dalaga sa gitna
ng parang. Masaya ang buhay ng mag-ina.

Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa siya sa


kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ibig niyang magkaroon ng reyna.
Marami nang dalaga ang kanyang pinaghandugan ng mga mahal at
magagandang hiyas, ngunit isa man ay walang mahikayat na tumira
sa kanyang kaharian.

Isang araw ay nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakalulan siya sa


kanyang gintong karosa na hinihila ng mga kabayong walang
kamatayan. Mabilis ang takbo ng mga kabayo. Nagkataong nasa
parang noon sina Proserpina at ang kanyang mga kaibigan. Nakita
siya ni Pluto.

“Siya ang gagawin kong reyna ng aking kaharian,” ang bulong ng hari.

Pinatakbo ni Pluto ang kanyang mga kabayo at inagaw ang dalagang


namimitas ng mga bulaklak. Humingi ng tulong si Proserpina.
Tumawag siya sa kanyang amang si Seus, ngunit hindi siya narinig
nito.

Walang nakarinig sa kanyang kasisigaw maliban sa isang mahiwagang


diyosang ang pangalan ay Hekate. Gayunman ay sumigaw rin nang
sumigaw si Proserpina. Ang alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat
ng hangin sa mga burol at kagubatan hanggang sa narinig ni Demiter
na noo’y nasa malayong pook.

Dali-daling nagbalik sa Sisilya si Demiter. Una niyang tinungo ang


kanilang tahanan upang tingnan si Proserpina. Wala roon ang dalaga.
Naghanap si Demiter. Siyam na araw niyang hinanap ang nawawalang
anak. May dala siyang dalawang sulo na itinatanglaw sa lahat ng sulok
ng lupa, ngunit di niya matagpuan ang dalaga. Dahil sa laki ng
kanyang kalungkutan ay hindi siya tumikim ng anumang pagkain ni
inumin.

Dumating sa kanya si Hekate nang ikasampung araw. Ibinalita sa


kanyang narinig niya ang mga sigaw ni Proserpina ngunit hindi niya
nakita kung sino ang umagaw.

Hindi naasikaso ni Demiter ang kanyang gawain sa ibabaw ng lupa.


Namatay ang mga halaman at nagkagutom ang mga tao. Habang
lumalakad ang mga araw ay lalo silang nagkakagutom. Lumapit sila
kay Demiter at hiniling ditong patubuin na ang mga halaman sa lupa.

Naging matigas ang puso ni Demiter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya


sa mga tao na hangga’t hindi niya nakikita ang kanyang anak ay hindi
niya maasikaso ang mga gawain niya sa lupa.

Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-asa ay


lumapit siya kay Seus. Hiniling niya sa diyos ng mga diyos na ibalik sa
kanya si Proserpina.

“Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang


ani sa lupa,” ang sabi ni Demiter kay Seus.

Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa piling niya


si Proserpina kung ang dalaga’y hindi kumain ng anuman
samantalang siya’y nasa kaharian ni Pluto.

Natuwa si Demiter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa. Natagpuan niya si


Proserpina sa palasyo ni Pluto. Nagyakap ang mag-ina. Ibig na ibig na
ng dalagang masilayan ang ibabaw ng lupa na sinisikatan ng araw.

Ngunit siya pala’y kumain ng araw na yaon ng anim na buto ng


granada. Dahil sa pagkakain niyang yaon ay minarapat ni Plutong
mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng anim na buwan,
at sa piling naman ni Demiter sa nalalabing anim na buwan bawat
taon.

Kung si Proserpina’y nasa piling ng kanyang ina ay tagsibol at tag-


araw sa ibabaw ng lupa. Kung siya’y nasa kaharian ni Pluto ay
taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa.

Maikling tula na may aral mula sa  pinoycollection.com.


Aral:

 Ang pagtupad sa pangako ay magandang kaugalian at nakaaangat ng


dangal bilang isang tao.
 Huwag ipilit ang sarili sa iba lalo na kung hindi ka naman niya
minamahal sapagkat lalo ka lamang masasaktan.
 Mahalin ang sarili at pumili ng tunay na magmamahal sayo.
Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya.


Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya
ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng
mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging
lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga
magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging


tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata


kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa


panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki
kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang malaking
pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog


siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay
niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina


ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya
ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa
musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang


kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika
at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo
ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso
ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na
dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa
pagtugtog.
Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:

 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag


sa Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo.
 Huwag mo na lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay
ipagpatuloy na linangin ang iyongb kakayahan upang makamit ang
iyong pangarap.
Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at


matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga,
kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay
nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito,
nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit
si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na
ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang


dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti
ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng
mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na


nangitlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.
Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-


araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay
pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka
lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa


kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang
pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.
Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:

 Hindi masama ang mangarap.


 Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-
pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
 Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.
Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya


ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng
ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at


hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang
matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic


ito, makikita mo,” alok ng matanda.

“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si


Juan, at madali ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.”

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka.


“Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang
ina.

“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito.


Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda.”

Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga
buto sa bintana. “Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali
ka pa ring maniwala sa mga manloloko.”

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong


mataba sa labas ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla
na lamang na lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito.
Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap
na.

“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto!
Aakyatin ko po.”

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa


itaas, may nakita siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito.
May babaeng sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit ka pumarito? Hindi
mo ba alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating!
Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”

“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante. “May
ibang tao ba rito?”

“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na


pagkaing luto ko. Sige po, kumain na kayo.”

Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na


inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo
rito ang manok ko.”

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng


babae ang isang makulay na inahing manok sa higante. “Mangitlog ka,
manok, at pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos ng
higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.

Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na


tuwang-tuwang isinilid sa bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo
ako sa pag-awit mo.”

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling


nahimbing ang higante. Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan,
sinunggaban ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan
niya.
Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-
ok!” Malakas at hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang
higante.

“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos
nasa kalagitnaan na ng puno si Juan at ito’y hinabol niya.

“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.

“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.”

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa


puno. Halos nasa ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno.
Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa.

Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok


nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga
biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat sa buhay.

Maikling  Kwento Tungkol sa Pagmamahal Sa Pamilya


Aral:

 Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo.


 Ang hindi mo pag-aari ay agad na isauli sapagkat kung minsan, ikaw
ang sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya mayroon kayo.
Ang Batang Espesyal

Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na
isang lalaki ay abnormal at ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang
abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga
kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang
alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang
kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap
maintindihan.

Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe.


Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa
kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-
aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa kanya
ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya.
Pinapaliguan. Ano pa at malaking panahon ng kanyang inay ay sa
kanya lamang naiuukol.

Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak.
Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay
Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na
magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para
ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos
niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng
mga ito ang kanilang malaking mga hinanakit.

Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang
apat niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero
nakahanda na ang kanyang paliwanag sa mga ito.

“Kayo ay mga buo, walang kulang,” pagsisimula ni Aling Mila.


“Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero
ang kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming
inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak.”
Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?”

Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.

Maikling Kwento Tungkol Sa Masayang  Pamilya


Aral:

 Iwasan ang pagiging mainggitin.


 Bagamat may natatanging atensyon na ibinibigay lalo na sa mga mga
special child, unawain na lamang natin sila.
 Higit na pinagpala ka pa rin dahil hindi mo nararanasan ang
pinagdadaanan nila sa araw-araw.
Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin


ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at
Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari
silang mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando.


Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang
iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng


labanan.”

“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang


buhay mo sa isang taong maaaring patay na.”

Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan


kaya ayaw siyang payagan. Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang
kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya
matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa
labanan. Makita man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami


siyang sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng kapitan.

“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang


na mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo. Ano ang halaga ng
ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na tanong ng kapitan.
“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya
nalagutan ng hininga sa aking kandungan, naibulong pa niya sa akin,
utol, alam kong babalikan mo ako.”

Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad


niyang ipinagamot si Arman sa mga kasamahan nila. Naglakad-lakad
siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog.
Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng
kaibigan ni Arman, hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y
umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.

Maikling Kwento Tungkol sa  Kaibigan.


Aral:

 Sa kwentong ito, ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.


 Matutong sumunod sa nakatatanda o nakatataas sa iyo upang
maiwasang mapahamak.
Modelong Bata

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y


hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng
basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga


kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki
mo,” ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako


lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!”

“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”

“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata


ay maliit kaysa kay Danilo. Siya’y mayabang at nagmamagaling.
Muling hinamon si Danilo, “Ikaw ay isang duwag!”

“Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong


magpaumanhin sa umaaglahi sa akin!”

“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang


duwag!” at sinipa si Danilo.

Nakiusap si Danilo, “Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw
niyang ako’y gabihin sa pag-uwi!”

Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya’y sinundan ng mga batang


mapanudyo. Sila’y nakarating sa puno ng tulay.
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, “Sag… gi… pin… ninyo
ako! Tulong!” Isang bata ang nalulunod!

Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na


lumusong si Danilo sa pampang ng ilog. Ibinaba niya ang mga aklat at
naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang sisingab-
singab.

Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa pagkawit at


pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang kamay. Ikinaway niya ang
kanan sa paglangoy. Ang dalawa’y dinala ng mabilis na agos. Malayo
sila sa pampang subalit sa katagala’y nakaahon.

Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng


gang na ang bata palang sinagip ni Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y
nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad, “Maraming salamat sa
iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na
ang katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng
loob!”

Maikling  Kwento  Tungkol sa Kaibigan


Aral:

 Ang pambu-bully ay hindi magandang pag-uugali.


 Iwasan ito sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa iyo lalo na sa
taong binu-bully.
 Hindi nasusukat ang katapangan sa salita kundi sa gawa.
 Ang kayabangan ay maaring maghatid sa iyo sa kapahamakan kaya ito
ay iwasan.
 Maging palakaibigan sa lahat ng pagkakataon. Mas mainam ang nag-
iipon ng kaibigan kaysa kaaway.
Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung


saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang
makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay
bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay,
pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa


kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa.
Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit
nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang


tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw
ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang
tulungan nito.

Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong.


“Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong
magtagumpay ako sa kanya.”

Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang


isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman.
Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago
siya nagpaalam.

Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at
handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa
kanyang paningin ang napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod
ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman.
Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin.


Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya
ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang
tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.

Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. ‘Di nito alam


ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.

Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga


kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag-sayaw siya sa
mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.

Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at


naglagay ng maskara.

Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang


nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga
suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at


sila’y bumalik sa palasyo.

“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?”


tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.

“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat


gabi-gabi. Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang sapatos na
kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya.”

Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa


amang nagpakita ng katunayan.
Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata,
ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na
kinagiliwan nang nagdaang gabi.

Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila


ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.

Maikling Kwento Tungkol sa  Pag-ibig


Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig:

 Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na


ikalulungkot o ikagagalit nila.
 Huwag aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam o walang nakakaalam
kung saan ka pupunta. Marami nang napahamak sa ganitong gawain.
 Kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan.
 Ang mabilis na paghatol sa iba ay maaring magdulot ng sakit sa
kalooban nila.
Wala na Siya

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng


Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang
pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga


nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya
ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na
silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa
katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na
mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga


bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap
na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na
piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang
dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi
na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan
kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?

Kay-gulo ng isip.

Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay


ng mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang
wala na nga si Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na
napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit
naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan
ng power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa
kanya ang mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw
buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa huling sandali.
Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang
pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang
hinahanap at tinatawag.

“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi


ipinaalam sa akin?”

Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa


kanyang puso.

Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng


pag-asa.

Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip


siya ng umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip
na siya’y magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala
mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat
ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang
anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya
upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga
naipon?

Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na


kailan lang ay halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging
kalbaryo ang kanyang bawat araw. Magiging madilim ang kanyang
gabi at pati na ang umagang darating. Matagal bago muling mabuo
ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa
pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan sisilay muli ang napingasan
niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng
liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.

Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni


Donna at halos hindi naging paksa ang kanyang karamdaman dahil
tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, sensyales na pawala na
ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama.
Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at
planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni
Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa
kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph
sakaling may dumating na magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna!


Wala na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami
nang dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong
sa biglaang kamatayan kahit sabihin pang bumuti na umano ang
lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa
kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga
medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng
dengue victim.

“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo,


nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata,
sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya
ang nurse ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang
iniangat niya ang kanyang ulo.

“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po


siya, si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya
raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver
na pinirmahan niya kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.

Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Anniversary nila kahapon.

Mula sa website na  limarx214.blogspot.com


Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig:

 Kung ikaw ang nurse at sa iyo ay may magtanong, mangyaring


ipaliwanag ng mabuti ang mga sagot sa taong nagtatanong upang
hindi mabigyan ng ibang kahulugan ang sagot na iyong ibinigay.
 Hindi na sana naging malungkot ang emosyon ni Ralph kung antimano
ay naintindihan niyang nakauwi na pala si Donna at hindi ang inaakala
niyang patay na ito.
 Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka
na makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw
na lang mag-isa ang aabot sa pangarap na iyon, huwag mo itong
susukuan at huwag na huwag kang magpapakain sa matinding lungkot.
 Maaring may mga bagay na hindi mo maabot sa paraang nais mo
ngunit kung magtitiwala ka sa Diyos ay siguradong may mas maganda
siyang nakalaan para sa iyo.
Pambansang Pintor

“Anak,” malumanay at wari’y bantulot na wika ng ina kay Fernando.


“Kailangang makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Ang iyong Tiyo lamang
ang makatutulong sa atin para makapag-aral ka. Papayag ka ba na
tumira sa Tiyo Fabian mo?”

“Opo, Nanay,” walang atubiling tugon ni Fernando. “Kayo po ang


masusunod; kaya lang magkakalayo po tayo.”

“Hindi bale, Anak, madadalaw naman kita paminsan-minsan,” wika ng


ina na pilit pinasasaya ang mukha.

Maglalabindalawang taon na si Fernando Amorsolo nang


magsimulang tumira siya sa kanyang Tiyo. Pinapag-aral siya sa Liceo
de Manila. Sa isang paligsahan sa pagguhit, nagkamit siya ng unang
gantimpala at pangatlong gantimpala naman sa aritmetika.

Ang kanyang angking talino sa pagguhit ay lalong naging matibay


pagkat sa tuwi na’y namamasid niya ang mga paraan sa pagguhit ng
kanyang Tiyo Fabian na may pangalan na rin sa larangang ito.

Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at isa siya sa


kauna-unahang nagtapos ng sining sa pagguhit noong 1914. Nakita
ng isang pilantropo na si Ginoong Enriquez Zobel ang kakayahan ni
Fernando sa pagguhit, kung kaya’t siya’y pinagkalooban ng libreng
pag-aaral sa Espanya.

Ang iba’t ibang pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa ay


nabuksan sa kanya dahil sa kaakit-akit na mga likha niya. Ang
karaniwang paksa niya ay ang mga tanawing bukid, makasaysayang
pangyayari at iba’t ibang mga larawan ng tao tulad ng isang matanda
o mayuming dalagang nayon.

Kapuri-puri ang kasanayan niya sa pagbibigay pansin sa


pinanggalingan ng liwanag sa mga iginuguhit niya. Ito ang dahilan
kung bakit naiiba ang kanyang mga likha at ipinahayag na siya ang
pintor noong mga pandalampuang taon (1920’s) hanggang sa
sumunod na mga taon pa.

Naging director siya ng School of Fine Arts ng Pamantasan ng Pilipinas


hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1957. Ang kanyang naiwang
mga alaala na bunga ng sipag at pagtitiyaga ang siyang susi sa
pagiging isang Pambansang Pintor.

Maikling Tula Tungkol Sa  Pintor


Aral:

 May mga bagay talagang kaylangang isakripisyo pagdating sa pag-abot


ng pangarap.
 Sa kwento ni Amorsolo, saglit man siyang nawalay sa piling ng ina
ngunit nagbunga naman ito ng maganda at naging daan pa upang
matupad ang pangarap niya at ng kanyang ina para sa kanya.
 Lakasan ang loob at maging matibay sa mga hamon ng buhay.
 Ilan lamang ito sa mga sangkap upang maabot ng isang tao ang
kanyang minimithi sa buhay.

You might also like