Professional Documents
Culture Documents
Epiko SBM Curriculum
Epiko SBM Curriculum
Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang
paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa
baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines
Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa
nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos ang
pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya
ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga
hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-
ang at nakain siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang
nakakuha ng kaniyang labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng
nabuhay at namuhay nang matiwasay.
Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si
Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Tumatagal nang ilang oras o isang araw ang pag-awit ng Hudhud. Kinakanta
ito ng isang grupo o koro, ang mun-abbuy, na pinangungunahan ng isang
punòng mang-aawit, ang munhaw-e. Ang mga linyang kinakanta ng munhaw-
e ang nagdadala ng salaysay. Mga babae ang umaawit ng Hudhud. Kung
minsan, panandaliang sumasali sa pagkanta ang ilang kalalakihan, ngunit ayon
sa matatanda, hindi ito sumasang-ayon sa tradisyon.
Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang Hudhud bilang isa sa mga Masterpiece
of the Oral and Intangible Heritage of Humanity.
Buod ng Ibalon
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga
tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay
tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming
bagay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw
na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato.
Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang
siyang pumatay kay Rabut.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas
lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati
ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao
ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
Kudaman (Epiko ng Palawan)
Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating
Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng
saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa
napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay
datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng
liwanag. May sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan, na
isang kulay lilang bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain at
pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga asawa ang isang
bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng kaniyang kasawian.
Buod ng Kudaman
Buod ng Manimimbin
Buod ng Ullalim
Buod ng Hinilawod
Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siyá sa
tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung
Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap.
Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng
mapapangasawa. Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy
Doronoon. Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong
Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw. Dahil may
agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na
tumagal ng maraming taon. Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa
kulungan ng baboy sa silong ng bahay niya. Samantala, nanganak ng
dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu Mangga at
Buyung Baranugan. Hiananap ng magkapatid ang ama, nakaharap si
Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang lihim ng
kapangyarihan ni Saragnayan kayâ napatay ang asawa ni Malitong Yawa
Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit
nagtago ito sa loob ng isang lambat. Sina Humadapnon at Dumalapdap
naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob ng lambat
ngunit halos bingi at lubhang matatakutin. Gayunman, pinagtulungan siyáng
gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon pagkatapos mangako
na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa
Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon
at Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.
Humadapnon (Epiko ng Panay)
Sa ulat ni E. Arsenio Manuel (1963), may epikong-bayan tungkol kay
Humadapnon na anak nina Munsad Burukalaw at Anggay Ginbitinan at ang
pakikipagsapalaran nito upang makuha si Nagmalitong Yawa Nagmaling
Diwata. Naipit ang kaniyang ginintuang biray sa dalawang nag-uumpugang
malaking bato ngunit iniligtas siya ng mga kaibigang espiritu. Pagkaraan,
naengkanto naman siya nang pitong taon sa pulo ng magagandang babae.
Isang mahiwagang lalaki ang nagligtas sa kaniya (si Nagmalitong Yawa na
nakabalatkayo) at muling naglaho. Nagpatuloy sa paghahanap si
Humadapnon at dumanas ng marami pang hirap. Sa wakas, natagpuan niya
ang Ilog Halawod at nakasal kay Nagmalitong Yawa. Sa pagdiriwang, isang
lalaki ang dumagit kay Nagmalitong Yawa. Sakay ng kalasag, humabol si
Humadapnon at naglaban sila ng lalaki nang pitong taon. Sa dulo, namagitan
si Launsina, diwata ng langit, at ipinaliwanag na kapatid ni Humadapnon ang
lalaki—si Amurutha. Hinati ni Launsina si Nagmalitong Yawa, na nabuhay
muling dalawang magandang babae, at naging mga asawa nina Humadapnon
at Amurutha.
Buod ng Humadapnon
Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais
niya’y matagpuan ang babaeng kanyang pakakasalan. Ang babaeng
nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva
Matanayon ng Ilog Hulanod ang siyang nagpatibok sa puso ni Humadapnon.
Kumuha muna siya ng maliit na patalim at sinugatan nito ang maliit na daliri.
Matapos iyon, siya ay naglakbay at nangyaring si Buyung Dumalaplap ang
naging kapatid niya sa dugo.
Buod ng Labaw Donggon
“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa”, sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na
nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon.
Buod ng Maragtas
Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o
barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa
malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi
pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang
lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni
Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng
bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga
datung hahanap ng malayang lupain.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi
nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang
pangalan nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay
katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong.
Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay
itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.
Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang
gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito
kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni
Pinampangan. Ito’y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang
ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya
magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas
niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na
kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan
ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng
bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila
ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama
ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga
tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina
Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si
Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na
kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at
Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay
kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si
Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang
mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba
pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu
Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong
ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito
na sa Taal manirahan kasama ang mga “Taga-ilog”. Isang araw lamang at
umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
Bantugan (Epiko ng Mindanao)
Isa sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas ang “Bantugan” na epiko ng
Mindanao. Narito ang buod ng naturang epiko.
Buod ng Bantugan
Nang mabalitaan ito ni Haring Madali, binawi niya ang kaluluwa ng kapatid sa
langit upang maibalik sa katawan ni Bantugën. Kumalat ang balita ng kaniyang
pagkabuhay hanggang sa kaaway na kaharian at kay Haring Miskoyaw.
Sinugod ng kawal ni Miskoyaw ang Bumbaran at nabihag si Prinsipe Bantugën
na may nanghihinà pang katawan. Nang magbalik ang lakas, pinuksa niya ang
hukbo ng kaaway na hari at iniligtas ang buong Bumbaran. Nagkaroon silá ng
malaking pagdiriwang at nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali.
Matagal at masayang namuhay sa kaharian ng Bumbaran si Prinsipe Bantugan
kasáma ng mga pinakasalan niyang prinsesa.
Darangan (Epikong Maranao)
Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa
kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di
sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang
Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo lamang
ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. Frank Lauback.
Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa
lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa
palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa
kabuuan ng Bantugan.
Buod ng Darangan
“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang
patay na buwaya.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang
karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay
sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.
“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-
aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno”, sinabi niya sa kapwa
niya sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang
pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya
upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!”
“Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid
na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay
ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.”
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang
sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya,
kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang
gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari.
Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin
ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan
habambuhay.