Pinagmamasdan ang mga along naghahampasan Ito noon ang ating naging pasyalan At dito nagsimula ang ating pag-iibigan Tayo'y nakahiga noon sa may buhangin Habang nanonood ng mga butuin Mahigpit kung ako'y yong yakapin Parang wala ng bukas pang sasapitin Saksi ang dagat Sa pagmamahalan nating tapat, Humadlang man ang lahat, Alam kong sayo ako nararapat. Ako noo'y naghihintay sayong pagdating Ng makita kang papalapit sa akin Ako'y sabik na sabik at niyakap ka ng madiin Ngunit ika'y umiyak ng ako'y harapin Mga luha ko'y nagsimula ng pumatak, Sapagkat ang mahal ko ngayon ay umiiyak Parang ang puso ko'y paulit-ulit na sinasaksak Hanggang sa tuluyan na itong mabiyak. Ako'y labis na naghihinagpis , Dahil sabi mo ika'y aalis "Akala ko ba mahal mo ako ng labis, Ngunit bakit moko iiwan ng ganun kabilis" Dumating ang takdang araw kung saan, Ika'y tuluyan ng lilisanin Ako'y iyong hinagkan, At nangakong ako'y iyong babalikan. Mahal,ikaw ang dahilan, Kung bakit nandito ako ngayon sa buhanginan. Alam kung ilang taon narin ang nakakaraan, Ngunit umaasa parin ako'y iyong babalikan. Mahal, unti-unti ng kumukupas ang ating larawan, Ngunit hindi parin makausad mula sa nakaraan, Patuloy kang gumugulo saking isipan, Hindi bat iniwan mo na ako't sinaktan? Pinalaya kita sa pahigpit kong pagkakayakap, Pinilit kong tilikuran ang sarap ng alapaap, Winasak mot kinalimutan ang pangarap, Ikaw yung lalaking parang bituin kung kumislap Sa bawat patak ng aking mga luha, Pinilit kong ngumiti pag kaharap ka, Sa bawat hawak mo sa kamay niya, Mahal nasasaktan mo ako ng sobra.