You are on page 1of 1

Krizsha Mae J.

Tabiliran Nobyembre 15,2021


2019-8658 BSED - Filipino

Iba pang gamit at tungkulin ng Wika

Ang pakikipag-usap o komunikasyon ay isang importanteng sangkap ng pagkaroon ng


pagkakaisa sa isang organisasyon lalo na sa pagbuo ng isang bayan o lipunan. Maliban sa mga
nabanggit na konsepto patungkol sa gamit o tungkulin ng wika sa lipunan, mahalaga rin ang
wika sa pag hubog ng isang bayan sa pamamagitan ng pag hubog ng potensyal ng isang
mamamayan. Ang komunikasyon sa kabuoan ay isang wika na nag-uugnay sa atin sa isa’t-isa.
Hindi lamang upang magkaroon ng saloobin o ng pagkakaintihan ngunit hanggang ikaw ay
nabubuhay mahalaga ang magkaroon ng rason sa pag gising sa araw-araw. Wika, sa maraming
dahilan ay dito natin natatagpuan ang mga sagot sa “bakit”. Maski ang mga pipi ay may mga
sariling wika. Kahit nga mga bata na hindi pa nagsasalita ay may mga wika din. Ang mga hayop
ay may mga sariling wika. Ang ating mga organo sa loob ng ating katawan ay may wika. Ang
mga gamit tulad ng computer ay may sariling mga wika. Kaya kung wala ang wika, "pupulutin
lang tayo sa basura", wika nga. Kapayapaan, pagkaka-intidhan, pagkaka-isa, at komunikasyon ay
ang mga sangkap para sa maunlad na bayan. Ang wika rin ay daan para sa pakikipag-kapwa. Ito
ay depende sa paggamit mo ng mga salita na mahinahon, malambing at mabait. Dahil kung hindi,
baka ito rin ang daan para hindi kayo magkaintindihan at sa huli ay mahihirapang
makipagpayapaan sa bawat isa.

Bilang isang studyante na nag-aaral para maging isang guro, mahalaga sa akin ang pakikipag-
kapwa at pakikipag-ugnayan, at mahalaga ang wika upang mangyari ito. Isang guro ay isa ding
ehemplo, sa tuwing ako ay may tutor class ipinapakita ko sa aking mga mag-aaral ang
malumanay na pagtuturo at ang pakikipag-usap sa paraan na na malumanay at propesyonal at
kaaya-aya. Sa tuwing may pagtatalumpati, pinapaalala ko sa kanila na mag-isip muna bago
magsalita dahil ang wika o pakikipag-usap ay hindi mo na mababawi kung itoy mabitawan mo
na. Sa aking palagay, malaking tulong ito hindi lamang sa skwelahan na aking tinuturuan sa
demo class noon kundi maidadala nila ito sa ilang paglaki at sa kabuoan ay isang katangian sa
kanilang paglaki.

You might also like