You are on page 1of 2

Krizsha Mae J.

Tabiliran Ika - 23 ng Setyembre, 2021


2019 - 8658 PAN154 - A5

PITAKA

Pitaka o Kalupi ang bagay na pumapasok sa aking isipan kapag nabasa ko ang tanong
na “anong bagay na kaugnay sa sarili mo?” o “Anong bagay ang sumisimbolo sa sarili
mo?”. Marahil ito ang tamang bagay na sumasalamin sa aking mga katangian at
kaugalian. Ang kalupi ay isang maliit, patag na lalagyan na maaaring magamit upang
magdala ng mga personal na bagay tulad ng pera, salapi, credit card, at mga
dokumento ng pagkakakilanlan, litrato, transit pass, gift card, business card at iba
pang papel o laminated card. Ngunit ang pitaka ay hindi lang imbakan ng mga
mahahalaga at personal nating mga gamit kundi ito rin ay humahalili sa ating
nakakubling sarili. Katulad ng buhay na kinakaharap natin, may dumarating, mayroon
ding umaalis. Tulad din iyan ng pitaka, may sinusuksok, pinapasok at mayroon din
naming inilalabas.

Ang bawat pitaka ay may kaniya-kaniyang disenyo at panlabas na anyo. Mayroong


magagarbo, makukulay, may magaganda at kaakit-akit na disenyo, at mayroon
namang simple lamang. May kulay pula, kahel, dilaw, berde, asul, lila at iba pang
kulay. Mapapanga-nga ka na lamang kapag makakakita ka ng isang pitakang may
kamangha-manghang disenyo, ngunit kapag tiningnan naman ang kalidad at presyo
nito ay mapapailing ka na lamang sa pagkadismaya. Mayroon namang mga pitaka na
mura lamang ang presyo at simple ang panlabas na disenyo ngunit maganda naman
ang kalidad nito. Oo, magara at magandang tingnan ang panlabas na anyo ng pitaka,
pero aanhin mo naman ang mamahaling pitaka kung naubos naman ang pera mo sa
pagbili nito at wala ka nang mailagay sa loob nito? Mas mabuting bumili ng mura
ngunit simple na pitaka sapagkat makakatipid ka sa pera at ang perang natira ay
maaari mong ilagay sa loob nito.

Ako ay isang simpleng pitaka. Dahil maihahalintulad ko ang karamihan ng aking


kaugalian dito. Ako ay isang simpleng pitaka sapagkat hindi naman ako masyadong
biniyayaan ng sobrang kagandahan, masasabi ko talagang hindi gaanong kaakit-akit
ang aking anyo. Kapag bago mo pa lamang ako nakilala ay masasabi mong ako’y
isang tahimik na tao, kapag hindi kinakausap, hindi bumubuka ang aking bibig. Ang
kaugalian ko’y hindi ako masyadong komportable sa mga taong bago ko pa lamang
nakasama. Kailangan mo munang kunin ang aking loob upang makita mo ang tunay
na ako. Pero kabaliktaran ng pagiging simple ko sa labas ay ang pagiging komplikado
ko naman sa aking kaloob-looban. Kapag nakuha mo na ang aking loob ay diyan mo
lamang ako makikila, diyan mo pa lamang mabubuksan ang pitaka, at ako ang siyang
pitaka. Kapag ako’y nabuksan ay mabibigla ka na lamang sa ningning ng isang
maliwanag na bituin. Ang pera at salaping kumikinang sa aking kaloob-looban ang
siyang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang ipagpatuloy ko ang aking mga
nasimulan. Ako’y tahimik lamang at hindi nagmamalaki ng aking mga naabot sa
buhay, mas pinipili kong isaakin na lamang ang aking tagumpay at huwag ibahagi sa
iba ang aking mga nakamit sapagkat ayaw kong mabigo ang kanilang mga inaasahan
sa akin. Ako’y isang taong masikreto, kagaya ng pitakang nakasara. Pero kapag ako’y
bumukas, ako’y may ibubuga, hindi buga ng mabahong hininga kundi buga ng isang
taong napuno ng kaalaman, karanasan at imahinasyon. Ako’y tahimik lamang pero
hindi alam ng iba na ako’y makapangyarihan. Ako’y makapangyarihan sa kaalaman,
kaalamang aking nalikom mula sa samo’t saring mga guro at paaralan na aking
pinagdaanan. Katulad ng isang pitaka, ako ay handa sa mga dumadating o pumapasok
na mga bagay sa aking buhay, mapaproblema man ito o biyaya. Bilang tao ay
kailangan nating maging bukas sa bawat oportunidad na dumadating. Kapag problema
naman ang pumasok ay kailangan nating mag-isip ng paraan upang palitan ito ng
positibong bagay. Isa pang dahilan kung bakit napili ko ang pagiging pitaka ay dahil
sumisimbolo din ito sa aking kaugaliang pagkamasinop. Pinapahalagahan ko talaga
ang pera at hindi ito ginagastos sa mga bagay na hindi naman kailangan at karapat-
dapat bilhin.

You might also like