You are on page 1of 4

Jesalva, Iciah December 5, 2020

BSE Major in Social Studies SSE200

Professor: Dr. Fely Moreno

LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN – EKONOMIKS

Asignatura Araling Panlipunan


Paksa Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at
Pagkonsumo
Baitang Baitang 9
Oras 1 oras at 30 minuto
Layunin Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Natatalakay ang ugnayan ng kita, pagkonsumo,
at pag-iimpok
2. Natutukoy ang kahulugan ng kita, pagkonsumo
at pag-iimpok
3. Napahahalagahan ang pakinabang ng pag-
iimpok
Gawaing A. Pagtatanong ng ideya sa kahulugan ng kita,
Pampakatuto pagkonsumo at pag-iimpok
B. Mga Gawain
BALIK ARAL. HULA LETRA
Direksyon: Bawal estudyante ay kailangang punuan
ng mga letrang nawawala na nakapresinta sa
powerpoint.
1. Pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga
ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na
paggamit paglipas ng panahon.
DEPRESASYON
2. Salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan nang hindi tumatanggap ng
kapalit na produkto o serbisyo. SUBSIDIYA
3. Ang tawag sa pamilihan ng illegal na droga,
nakaw na sasakyan at kagamitan, illegal na
pasugalan at maanumalyang transaksyong
binabayaran ng ilang kumpanya upang
makakuha ng resultang pabor sa kanila.
BLACK MARKET
4. Ito ang tawag sa halagang pamilihan ng
lahat ng pantungkuling kinikilalang huling
mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob
ng isang bansa sa isang takdang panahon.
GROSS DOMESTIC PRODUCT
PAGGAGANYAK.
Direksyon: Bigyang interpretasyon ang mga naka
post na larawan.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang nakita niyo sa larawan?
2. Sa inyong palagay, ano kaya ang usaping
ating pag-aaralan ngayong araw na ito?
C. Pagpapakita ng “video presentation”
Gawain 1. I-Connect Natin!
Direksyon: Sa inyong pagkakaunawa, punan ang
organizational chart na magpapakita ng ugnayan ng
Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok.
Mga katanungan:
1. Ano ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag-
iimpok?
2. Paano mo magagamit ang wastong kaalaman sa
kita, pagkonsumo at pag-iimpok?
3. Bakit may mga taong nahihirapan mag balanse
ng kita, konsumo, at ipon?
D. Kita, Pagkonsumo, at Ipon
E. Mga Salik na Pinagkukunan ng Kita
F. 7 Habits of a Wise Saver
APLIKASYON/PAGPAPAHALAGA
Direksyon: Basahing mabuti at sagutan ang mga
katanungan.
Mga katanungan:
1. Paano mo pahahalagahan ang perang kinikita
ng iyong magulang?
2. Magkano ang dapat na inihuhulog sa alkansya
mula sa baon na ibinibigay ng iyong magulang?
PAGLALAHAT.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ugnayan ng kita, pagkonsumo, at pag-
iimpok?
2. Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok?
3. Anu-ano ang 7 habits of a wise saver?
Pagtataya Direksyon: Ngayon ay lubos na ninyong
naunawaan ang ating aralin. Sagutan ang mga
sumusunod na katanungan sa ibaba.
A. Ano ang tawag sa isang tao na basta may pera
ay bili lang ng bili hanggang sa maubis ang
pera?
B. Ito ang ginagamit sa pagbili ng mga bagay na
kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
C. Ito ay tumutukoy sa kitang hindi ginamit sa
pagkonsumo, o hindi ginastos sa
pangangailangan.
D. Dito inilalagak ang perang hindi nagastos sa
pagkonsumo o pangangailangan.
E. Ang tawag sa kita na ibinibigay sa banko mula
sa naipong pera na inilagak sa loob ng tatlong
buwan.
F. Repleksyon
G. Takdang Aralin
Direksyon: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.
1. Ibigay ang kahulugan ng implasyon
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng
implasyon?
3. Ano ang iba’t ibang uri ng price index?
4. Ano ang SALN?

You might also like